Chapter 28

995 41 0
                                    

3rd Person's POV;
"Sasama kami sayo." Ani ni Percy.

"No." Ani ni Cross habang tinitingnan ang mga requirements na kakailanganin niya para makapagenrolled.

"Cross pwede naman kami magtransfer at isa pa pano na lang ang Redta---."

"Kilala ang pamilya niyo, incase na hindi ako matanggap sa private school public ang babagsakan ko." Putol ni Cross kay Iggy.

"Hindi yun maganda sa image ng pamilya niyo diba?" Ani ng binata bago tingnan ang Redtape.

"Pero Cross---."

"Hayaan niyo na si Cross may point siya." Putol ni Haru kay Chase.

"At siguradong hindi magugustuhan ni tito Cadmus kung bubuntot pa tayo kay Cross." Dagdag ng binata na kinabagsak ng balikat nina Iggy at Chase.

"Magaganda ang grades mo siguradong hindi ka mahihirapang pumasok sa ibang school." Ani ni Percy matapos ibaba ni Cross ang envelop na hawak.

"Kung hindi haharangin ni daddy hindi ako magkakaproblema." Sagot ni Cross bago binuksan ang isang lalagyan at lumapit sa isang fullsize mirror na nasa kwarto.

Sinuot nito ang isang eye glasses at binagsak ang buhok, tinanggal din nito ang mga hikaw na suot na kinatinginan ng Redtape na nasa kwarto.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Haru ng makita ang ginagawa ng lalaki.

"Bagong buhay na ba yan." Natatawang komento ni Iggy matapos humarap si Cross.

"Kung disguise na yan para sayo leader, no effect mas nagmukha ka lang na goodboy sa tyura mo." Komento ni Chase na kinatawa naman ni Percy matapos sikuhin si Haru na bahagyang natulala sa lalaki.

"Tss hindi ko kailangan ng opinion niyo." Banat ni Cross na kinailing ni Haru.

"Magsilayas na kayo aalis ako." Pantataboy ni Cross sa mga kaibigan bago lampasan ang mga ito at lumabas ng kwarto.

"Haru hindi mo ba makakausap si Mr.Acosta?" Bulong ni Iggy na kinabuga ng hangin ni Haru.

"Magagalit si Cross pag ginawa ko yan at isa pa hindi si tito yung tipong nagpapakita ng awa." Ani ni Haru.

"Pero anak niya si Cross diba?" Ani ni Chase.

"Nagawa niyang tiisin si Cross ng ilang taon at itakwil bilang Acosta hindi imposibleng matiis niya din ito ngayon." Ani ni Haru na kinatahimik ng tatlo.

"Hindi ako naniniwalang walang puso si Mr.Acosta katulad ng nababasa ko." Ani ni Iggy.

"Dahil nakikita ko sa kanya si Cross."
--
"Pasensya na hindi kami tumatanggap ng late transferees."

"Fuck." Mura ng binata ng makalabas siya sa panglimang university na napuntahan niya para mag enroll.

Pumikit ng madiin ang binata ng makaramdam siya ng inis.

"Kailangan mo kumalma Cross." Bulong ng lalaki bago minulat ang mga mata at nagpatuloy sa paglalakad.

Hanggang sa makarating siya sa isang tagong university na nasa loob ng eskinita.

'Mae hintay!'

'Grabe talaga si prof pamatay na nga exam pinaglinis pa tayo ng classroom.'

'Ang gwapo.'

'Girl tingnan mo.'

Halos mabali ang leeg ng mga babae kasusunod ng tingin kay Cross na ngayon ay naglalakad papasok.

'Kuya may girlfriend kana.'

'Gaga.'

'Suplado.'

The Devil's LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon