Chapter 26

1.1K 42 1
                                    

3rd Person's POV;
"Cross tutulungan ka namin, pwede kayo pumunta ng ibang bansa para---."

"Percy kahit saan kami pumunta siguradong mahahanap pa din kami ni dad at narinig mo ang sinabi niya pagtinulungan niyo kami siguradong pababagsakin niya ang kompanya niyo." Ani ni Cross.

"Akala ko nakakatakot kana, may mas nakakatakot pa pala sayo ... hindi ko kinaya presensya ng daddy mo." Ani ni Iggy.

"Ano ng balak niyo ni Arkhon?" Tanong ni Haru.

"Maghahanap kami ng trabaho at ipagpapatuloy ang pag-aaral namin." Sagot ni Cross.

"Oo nga pumasok kayong scholar siguradong kayang kaya niyo yun ni Arkhon." Sangayon ni Chase na kinabuga ng hangin ni Haru.

"Ano namang alam niyo na trabaho?" Tanong ni Haru na kinatahimik ni Cross ng ilang segundo.

"Sigurado naman na madami kami mapapasukan." Sagot ni Cross na kinatinginan ng Redtape.
---
"Arkhon." Tawag ni Cross matapos isara ang pinto ng kwarto at lumapit kay Arkhon na nakaupo sa sahig at nakasandal sa kama.

"Nagsisisi ka ba?" Tanong ni Cross bago umupo sa harapan ng binata at sinalubong ang tingin nito.

"Saan naman?" Tanong ni Arkhon na kinaiwas ng tingin ni Cross.

"Pinili mo ako kaysa kay Alica at nagalit ang pamilya m--."

Naputol ang sasabihin ni Cross ng siilin siya ng halik ng binata.

"Wala akong pinagsisisihan na kahit na ano Cross." Bulong ni Arkhon matapos maghiwalay ang kanilang mga labi at ngumiti sa lalaki.

"Hanggang ngayon kasi hindi ako makapaniwala na magagawa kong panindigan yun sa harap nina papa at mama lalo na kung sa buong buhay ko wala akong ginawa kung hindi sundin sila." Ani ni Arkhon bago sumiksik sa leeg ni Cross at halikan ang leeg ng binata.

"At hindi ko magagawa yun kung wala ka sa tabi ko, aaminin ko nagdalawang isip ako lalo na ng makita kong umiyak si mama. Hindi ko alam pero mas natakot yata akong maipakasal ka kay Alica at ilayo ka nila sakin." Dagdag ng binata na kinalambot ng expression ni Cross.

"Habang tumatagal mas lalo kang nagiging corny Arkhon." Basag ni Cross na kinatingin ni Arkhon.

"Ikaw kahit kailan basag trip ka." Natatawang sambit ni Arkhon matapos itulak pahiga si Cross sa sahig at patungan.

"Ganyan ka ba magpasalamat." Tanong ni Cross habang nakataas ang gilid ng labi.

"Saan naman ako magtha-thank you? Sa pambabasag mo ng trip ko." Sarcastic na tanong ni Arkhon habang isa-isang tinanggal ang botones ng suot na polo ng binata.

Sasagot si Cross ng siilin siya ulit ng halik ng binata.

"Sa lahat ng desisyon na ginawa ko ito lang yung bagay na alam kong kahit kailan hindi ko pagsisisihan." Bulong ni Arkhon na kinalambot ng expression ni Cross bago inabot ang pisngi ni Arkhon at bahagyang haplusin.

Cross Acosta's POV;
"Pasensya na hindi na kasi kami tumatanggap ng aplikante."

Hindi na ako umimik pagkatapos tanggalin ng isa sa mga waiter ang sign na nasa labas.

'Hindi ko iniexpect na ganito pala kahirap maghanap ng trabaho.'

Ito na yung pang walo sa restaurant na inapplayan ko at sampu sa mga trabahong sinubukan kong pasukan. Lahat sila ayaw ako tanggapin na siguradong si dad ang may gawa.

Nakakapasa naman kasi ako sa interview, kumpleto ako sa requirements at pag nakakatanggap sila ng tawag sinasabi nila kumpleto na ang aplikante nila.

The Devil's LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon