Chapter 37

949 36 0
                                    

3rd Person's POV;
Nang gabing yun walang ginawa ang apat na lalaki kung hindi uminom at mag-asaran.

Isa,dalawa, tatlong case na agad ang nainom ng apat si Cross ay nagsisimula pa lang tamaan habang si Nhate ay hindi pa ganun kalasing dahil sa konti konti lang naman ito uminom.

"Taga---ay." Sinisinok na sambit ni Vk matapos makipagcheer kay Arkhon na nakasubsob na sa lamesa.

"Oy Arkhon! Gising hindi pa tayo tapos!"
Nagkatinginan sina Cross at Nhate ng itulak tulak ni Vk si Arkhon hanggang sa mahulog ang binata na kinatayo ni Cross.

"Wag ka nga nanunulak Boss." Parang batang sambit ni Arkhon habang pilit na bumabangon sa pagkakadapa at babagsak ito ng masalo na siya ng asawa at inalalayan patayo.

"*hik* guys pinakikilala ko pala sa inyo ang mahal na mahal kong asawa." Ani ni Arkhon na kinapalakpak ni Vk at kinapokerface ni Cross ng akbayan siya ng lalaki.

"Lasing na sila Cross mabuti pa pasok mo na yan sa kwarto at uuwi na kami ni boss Vk." Ani ni Nhate bago tumayo at hawakan si Vk sa braso.

"No! Sasayaw pa kami."

"Tama! Sasayaw pa kami*hik* nonood ka ah babe." Pangiti ngiting sambit ni Arkhon bago pagewang-gewang na naglakad palayo kasunod si Vk na muntikan ng madapa.

Pero hindi pa nakakasayaw ang dalawa bigla na lang bumagsak ang mga ito na kinasapo ni Nhate sa noo.

"Dito na kayo magpalipas ng gabi Nhate may isa pa namang bakanteng kwarto dito." Ani ni Cross bago sinabayan si Nhate na lumapit sa dalawang nakadapa sa carpet.

"Sabi kasing wag masyadong maglalasing." Pailing iling na sambit ni Nhate matapos piliting buhatin ang binatang si Vk na natutulog.

Matapos dalhin ni Nhate si Vk o mas tamang kinaladkad sa kwarto lumabas ulit si Nhate.

*blaag*

"Fuck!"

"Cross!" Ani ni Nhate ng makita niyang bumagsak si Cross matapos nito maout  balance dahil sa pagbubuhat kay Arkhon na natutulog.

"Teka tutulungan na kita." Ani ni Nhate bago hawakan ang isang braso ni Arkhon para makaalis si Cross.

"Ang laking tao naman kasi ng asawa mo ayos ka lang?" Tanong ni Nhate ng makitang hinimas himas ni Cross ang likod ng ulo niya.

"Ayos lang ako." Sagot ni Cross bago tinulungan si Nhate at sabay nilang inalalayan si Arkhon papasok ng kwarto.

"Salamat Nhate pahinga na kayo." Ani ni Cross.

"Lilinisin ko lang kusina niyo sandali pagtapos nun papahinga na ako." Ani ni Nhate.

"Wag na ako na buka---."

"Nakakahiya sa inyo okay, ako na bahala dun pahinga na kayo mag asawa ikaw alam kong may konting tama kana. Ibang klase nasabayan mo yung dalawa ni hindi ka gaanong natamaan tatlong case kaya ng beer ang ininom niyo." Ani ni Nhate bago naiiling na lumabas ng kwarto.

Matapos linisan ni Cross si Arkhon lumapit ang lalaki sa study table at binuksan nito ang Cabinet, kumuha siya ng apat na tableta galing sa isang lalagyan at uminom ng medyo nahihirapan nanaman siyang huminga ng walang kadahilanan.

"Kahit yung pagod nararamdaman ko na." Bulong ni Cross matapos mapaupo sa sahig at sumandal sa gilid ng kama.

Arkhon Asuncion's POV;
"Hindi mo ba nagustuhan ang design ng apartment?"

Napatingin ako kay boss Vk na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

"Tingnan mo Cross may maganda ding balcony dito, ayun pala yung kwarto ko."

The Devil's LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon