Chapter 3

3.5K 115 4
                                        

3rd Person's POV;
"Aahh!"

"Anong nangyayari?" Tanong ng binatang si Arkhon ng may magreport sa kanya na nagkakagulo ang Engineering department.

"Sinira po kasi ang buong kwarto president, pati yung white board." Sumbong ng isa sa mga estudyante ng makita ang loob ng classroom.

"Siguradong ang Redtape ang may gawa nito president." Ani ng isa sa mga estudyante na kinalingon ni Arkhon.

"Oo nga sila lang naman ang mahilig manira dito." Sang-ayon ng ilan pang estudyante.

"Hindi kayo pwedeng mambintang ng walang sapat na basehan." Kalmadong saway ng binata matapos pumasok sa classroom at makita ang mga pulang pintura na nakaguhit sa buong classroom.

"Tatak ng Redtape ang mga simbolo na nasa pader, siguradong ginawa nila ito pagkatapos ng klase."

"Ano bang sinasabi niyo?! After class kasama ko si Cross at inantay pa niya ako buong period sa labas ng classroom ko." Pagdedepensa ni Alica na bigla na lang tinulak yung mga estudyanteng nakahara sa pinto.

"Masyado niyong binibigdeal ang ganitong pangyayari, wala naman sigurong nasaktan." Ani ng binata bago nakapamulsahang tiningnan ang mga estudyante na nasa labas.

"President, anak ng may ari ng C-lite si Cross ... andun na kami, pero hanggang kailan kami mag- aadjust sa ugali niya? Puro kaguluhan na lang ang dala niya dito at taon- taon ginagawa niya ito."

"Oo nga president, nagbabayad ng tama ang pamilya namin ... hindi naman siguro kami dito pinasok ng parents namin para lang paglaruan ng isang Acosta."
--
"Vandelism sa Engineering department?" Ulit ni Haru ng ipatawag sila ni Arkhon sa student council office.

"May ginawa ba tayong ganun?" Tanong ni Percy matapos lingunin si Cross na nakasandal sa pintuan ng opisina at pinaglalaruan ang lalagyan ng mint na hawak.

"Masyadong immature, nakakahiya yan para sa grupo." Nakangiwing komento ni Iggy.

"Iba ang definition samin ng Vandelism, pinasasabog namin ang building." Sabat ni Chase na kinatawa ni Percy bago makipag apir sa kaibigan.

"Don't tell me Arkhon iniisip mo talagang kami gumawa nun?" Gusot ang mukhang sambit ni Haru.

"No, not like that iba ang iniisip ko." Sagot ni Arkhon bago umayos ng upo at sumandal sa swivel chair.

"Kilala ko kayo at ang gago niyong leader hindi kayo gagawa ng ganun kababaw na panggugulo." Hirit ni Arkhon na kinangiwi ng apat.

"Kung sino man ang hayop na yun ... papatayin ko talaga siya tangna ang laking kahihiyan yun para sa grupo." Walang emosyong sabat ni Cross na kinatingin nina Arkhon.

"Cross, kumalma ka lang hindi---."

"Putangina niya, kung pinasabog niya ang buong building matutuwa pa ako, baka ipasok ko pa siya sa grupo." Putol ni Cross na muntikan ng ikahulog ni Arkhon sa kinauupuan na kinakamot ni Haru sa pisngi.

"Tangna."

"Whoo! The best ka leader."

Arkhon Asuncion's POV;
Napaungol ako ng mahina ng maramdaman kong gumagalaw ang lamesa kung saan ako nakayuko para matulog.

"Oy Arkhon."

Napakunot ang noo ko at napaangat ng tingin ng marinig ko si Devil.

Nakaangat ang isang paa niya sa table ko habang nakapamulsahang nakatingin sa akin at mukhang yun ang ginamit niya para ugain ang lamesa ko.

"Anong problema mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko matapos ko tabigin ang paa niya sa table ko at umayos ng upo.

"Anong problema ko? Itanong mo sa mga teacher na pinage lang naman ang buong pangalan ko sa speaker ng buong campus dahil sa punyetang prinsipe na kung matulog daig pa ang buntis na babae." Pikon na sambit ni Cross na kinatingin ko sa mga classmate ko na nag aalalang nakatingin sakin.

The Devil's LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon