Chapter 29

958 40 1
                                    

3rd Person's POV;
Kasalukuyang gumagawa ng kape si Cross ng may lalaking yumakap mula sa likod niya na kinatigil ng binata ng ilang segundo.

"Maligo ka muna then kumain na tayo." Walang buhay na sambit ni Cross matapos umikot na naging dahilan para magkadikit ang ilong nilang dalawa ni Arkhon na ngayon ay pinipigilan mapangiti.

"Hindi mo ba ako namiss?" Natatawang sambit ni Arkhon.

"Bakit kita mamimiss kahit sa trabaho tumatawag ka." Bored na sagot ni Cross na kinatawa ng binata bago hinalikan sa labi ang kasintahan at lumayo ng bahagya.

"Pwes ako lagi kitang namimiss anyway kamusta pagpapaenroll mo?" Tanong ni Arkhon matapos abutin ang kapeng tinimpla ni Cross para sa kanya na nasa lamesa.

"Tiyaka mo ako kausapin pag nakaligo kana." Walang emosyong sambit ni Cross bago tinulak bahagya ang lalaki at naglakad paalis.

"Oy teka lang may problema ba?" Tanong ni Arkhon matapos habulin si Cross na inaayos ang mga gamit na nasa coffee table na nilagay ni Arkhon.

"Walang problema hindi ko lang gusto ang amoy mo ngayon." Walang buhay na sambit ni Cross dahilan para amuyin ng binata ang sarili.

"Teka hindi naman ako mabaho don't tell me buntis ka." Pangisi-ngising sambit ni Arkhon at lilipad ang kamao ni Cross sa mukha ng lalaki ng masalo yun ni Arkhon.

"Fuck you." Nagdidilim ang anyong sambit ni Cross bago tinalikuran si Arkhon at aalis ito ng yakapin siya ng binata sa likod.

"Pikon mo talaga hindi ka ba nakahanap ng pag eenrollan mo? Sasamahan kita bukas gusto mo?" Ani ni Arkhon.

"Nakahanap ako ng school." Inis na sambit ni Cross bago humarap at itukal bahagya si Arkhon.

"Ayoko ng amoy ng pinaghalong iba't ibang klaseng pabango ng babae sa damit mo." Ani ni Cross na kinangiwi ni Arkhon.

"Hindi naman mabah---."

"Matulog ka sa sofa mamaya at wag kang tatabi sakin." Ani ni Cross.

"Sabi ko nga mabaho ako handa mo na damit ko ah." Ani ni Arkhon bago humalik sa lalaki ng mabilis at tumakbo papasok ng kwarto.

Tinanggal ni Cross lahat ng gamit sa bag na dala ng binata at ilang damit na sinuot ni Arkhon.

"Kulang ng isang longsleeve." Ani ni Cross ng---.

*riiing*

Napatigil si Cross ng magring ang phone ni Arkhon.

'Nhate's Calling.'

Matapos kuhanin ng binata agad niya yun sinagot.

["Arkhon may naiwan kang tatlong paper bag dress room nakapangalan sayo andito ako ngayon sa gate ng binigay mo na address."] Bungad ng binatang si Nhate.

Hindi sumagot si Cross at pinatay ang tawag.
Walang paalam na umalis si Cross dala ang phone ni Arkhon para salubungin ang bisita na nasa labas.

Nathaniel Ayes's POV;
Nakasandal lang ako sa gate habang dala ang mga paperbag na mukhang regalo ng mga costumer kay Arkhon.

Iba din ang karisma ng alaga ko kung alam niya lang na ilang babae ang humihingi sakin ng number niya.

'Ano kayang tyura ng asawa ni Arkhon siguradong artistahin din yun katulad---.'

"Ikaw ba yung tumawag?"

Napalingon ako ng may lalaking nagsalita sa loob ng gate na kinaayos ko ng tayo since bubuksan niya yun.

Napakurap ako at hindi maiwasang matulala ng may magandang nilalang ang bigla na lang sumulpot sa harap ko.

"I'm Cross ikaw ba si Nhate?" Walang buhay na tanong ng lalaki na nasa harap ko.

The Devil's LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon