3rd Person's POV;
"Maaga umalis si Cross?" Ani ni Arkhon ng masalubong ang tatlo sa Redtape na may mga dalang kahon."Kasama niya si Haru you don't need to worry president." Ani ni Chase bago tapikin sa balikat ang lalaki at lampasan.
"May nangyari ba?" Bulong ni Arkhon bago kuhanin ang phone niya sa bulsa at tingnan.
"President."
Napatingin ang binata kay Venus ng lumapit ang dalaga na may dalang folder.
"Pwede mo ba akong samahan sa malapit na flowershop? Inutusan kasi ako nina Cohen na bumili ng mga bulaklak para sa interior ng gymnasium."
"Bakit ikaw bibili? May mga staffs na hinire ang SC para asikasuhin ang mga kailangan na gamit para sa school fest." Tanong ni Arkhon na kinakamot sa pisngi ng babae.
"Hindi kasi sila magkasundo sa interior design ng gymnasium dahil kay Creed." Sagot ni Venus na kinasapo sa noo ng binata dahil expected niya na din na ganun ang mangyayari dahil andun ang dalawang Dela Cruz.
"Ano kung ayaw mo president ako na lang ang bibil---."
"No sasama ako may alam akong flowershop malapit dito." Sagot ng lalaki na kinangiti ng dalaga.
Tahimik ang dalawa habang nginingitian naman ni Arkhon ang mga estudyanteng bumabati sa kanya.
Nang makarating ang dalawa sa parking lot napamura si Arkhon ng makalapit siya sa kotse at makitang flat ang kotse.
"Flat ang kotse." Ani ni Arkhon ng makalapit si Venus.
"Lakarin na lang natin kuya Arkhon walking distance lang naman siguro ang flowershop mula dito sa campus." Suhesyon ng dalaga.
"Mas mabuti pa nga." Ani ni Arkhon.
"Ako na magdadala ng mga dala mo." Ani ni Arkhon ng makitang may dalang folder ang babae at maliit na bag na gamit ni Venus.
"H-Ha? Ayos lang hindi naman mabiga---."
Naputol ang sasabihin ng babae ng lumapit sa kanya si Arkhon na kinabato ng dalaga sa kinatatayuan matapos kuhanin ni Arkhon ang mga dala ng babae."Tara na." Nakangiting sambit ng lalaki na kinapula ng pisngi ng dalaga.
--
"Its already 3pm ang init pa din." Bulong ni Arkhon ng makitang tirik na tirik pa din ang araw."O-Oo nga." Sagot ng babae habang nakatingin kay Arkhon na nakatingin sa kalsadang dinadaanan nila.
*screech!*
"Venus!"
Nagulat ang dalaga ng hawakan siya ng binata at yakapin para maitabi ng may bike na biglang sumulpot sa likuran nila at mahahagip ang babae.
"Hoy mag-ingat ka naman!" Sigaw ni Arkhon na kinalayo ni Venus sa binata matapos makaramdam ng sobrang galabog galing sa dibdib.
"Sorry yung bik---."
"A-Ayos lang at salamat." Ani ni Venus na hindi makatingin sa binata.
Ngumiti lang ang lalaki at nagpatuloy na sila sa paglalakad.
"Ang swerte siguro ng mamahalin mo Kuya Arkhon." Out of the blue na sambit ni Venus habang naglalakad sila.
"Mamahalin ko?" Ulit ni Arkhon na kinatango ni Venus ng tingnan siya ng binata.
Arkhon Asuncion's POV;
"Gwapo ka kuya Arkhon,mabait, matalino at higit sa lahat responsable panong hindi suswertihin ang mamahalin mo pag ikaw naging boyfriend." Dagdag ni Venus na kinatawa ko ng mahina bago nakapamulsahang tumingin ulit sa dinadaanan ko."Pano siya magiging swerte kung ako din ang magiging dahilan kung bakit masisira ang buhay niya in future." Sagot ko.
"Pano mo nasabi kuya? May gusto ka na bang babae?" Tanong ni Venus na kinangiti ko bago bahagyang guluhin ang buhok niya.
"Secret." Sagot ko bago naunang maglakad at tumingin sa langit.
"Kung pwede ko lang yun ipagsigawan sa lahat, sabihing akin siya ng walang manghuhusga."
--
Nakasandal lang ako sa poste sa labas ng flowershop habang inaantay si Venus.Ayoko sana sumama kay Venus dahil sa flowershop siya pupunta lalo na may allergy ako at ayoko ng amoy nito. Pero mas lalong ayoko pumunta dito si Venus ng nag-iisa lalo na responsibilidad ko din na samahan siya bilang president ng C-lite.
*bzzzt*
Napatigil ako ng magvibrate ang phone ko at kinuha sa bulsa ko, nang mabasa ko ang pangalan ni Cross mabilis ko yun sinagot.
"Cros---."
["Where the fuck are you Arkhon?"] Putol ni Cross na kinataas ng gilid ng labi ko.
"Someone missed me." Ani ko habang natatawa.
["Fuck off! Buksan mo GPS mo."] Utos ni Cross bago ako pinatayan ng tawag ng---.
"Ikaw ang president ng C-lite diba?"
Napatigil ako at napaangat ng tingin ng may walong estudyante na galing sa---."Sillius." Bulong ko ng makita ko ang uniform na suot nila.
"Kung sinuswerte ka nga naman." Nakangising sambit ng isa sa kanila bago ako hinila at kinuwelyuhan.
"Kuya Arkhon! Hoy bitawan niyo nga si President!"
Sigaw ni Venus matapos itulak yung lalaking may hawak sakin.
"Aba kababaeng tao ang tapang, sabagay yan ang gusto ko sa babae."
"Wag niyo siyang idamay dito ano bang kailangan niyo?" May inis na sambit ko matapos kong hilahin si Venus at itago sa likuran ko ng tangkain siyang hawakan ng mga gangster na nasa harapan namin.
"Nagpapakabayani ang Mr.Perfect ng C-lite."
Nagtawanan ang mga kasamahan nito ng hablutin ako ulit ng lalaki and this time hinawakan na ang panga ko."Ano kayang mangyayari pag nasira ko yang maganda mong mukha? Sisikat din kaya ako." Nakangising sambit ng mukhang leader nila.
Hindi ako pwedeng gumawa ng gulo ngayon, hindi pwede masangkot sa kahit na anong issue ang C-lite dahil sakin.
"President!" Sigaw ni Venus ng itulak ko yung may hawak sakin at hilahin siya aalis kami ng mabilis kaming hinarangan ng ilan pang estudyante ng Sillius.
'Pano ko nakalimutan na malapit lang dito ang university ng Sillius?'
"Saan ka naman pupunta?"
"President!" Sigaw ni Venus.
"Wag niyo siyang idamay dito, ako ang kailangan niyo diba?" Ani ko na kinangisi nila matapos kong itago si Venus sa likuran ko ng---.
*blaaag*
"Ahhh!"
Nanlaki ang mata ko ng may pulang kotse ang dumating at binangga ang ilang estudyante ng Sillius na nasa gilid ng kalsada.
"Ganyan na ba kayo kaduwag? Tatambangan niyo ang prinsipe ng C-lite nang nag-iisa?"
Napatigil ako ng lumabas si Cross kasunod si Haru at sina Percy.
"Lima, laban sa lahat fair na yun papalag pa ba kayo?" Nakapamulsahang tanong ni Chase na kinaatras ng mga estudyante ng Sillius.
May ilang estudyante ng Farell at Sillius dito pag-nagkagulo magiging mainit nanaman kami sa mga Directors.
"Tama na." Ani ko matapos hawakan si Cross ng tatangkain nilang habulin ang mga gangster ng Sillius.
"Anong tama na? Sila ang nauna---."
"Pag pinatulan niyo sila satin pa din ang issue tama na Cross." Ani ko na kinagusot ng mukha niya bago tumalikod sakin at lumapit kay Haru na nasa gilid ng kotse.
"Hatid niyo si Venus sa university." Utos ni Cross bago naglakad paalis.
"Mauna kana Venus." Ani ko ng hindi tinapunan ng tingin si Venus.
Susundan ko si Cross ng may humawak sa kamay ko at nang lingunin ko si Venus mabilis nitong binitawan ang kamay ko.
"S-Salamat." Ani ni Venus na kinangiti ko ng bahagya.
"That's my responsibility as a president." Ani ko bago siya kinindatan at humakbang para sundan si Cross.
"Oy Cross! Teka lang!" Natatawang habol ko dahil mukhang badtrip nanaman ito sa akin.
BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Novela Juvenil●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...