Chapter 33

1K 35 1
                                    

3rd Person's POV;
"Anong nangyari at dis oras ng gabi napatawag ka?" Ani ni Haru matapos makapasok sa apartment at makita si Cross na nakatayo sa gitna ng living room kasama si Arkhon na nasa harapan nito na nakaupo sa sofa habang nakayuko.

"May gusto lang akong sabihin." Ani ni Cross na kinatingin ni Arkhon.

"Yo ano bang meron?"

Napatingin si Haru ng pumasok sina Percy at si Iggy na nakapajama pa habang may yakap na unan.

"Oo nga madaling araw na nambubulabog pa kayo." Inaantok na sambit ni Iggy ng---.

"Aray! Tangna ka Chase ang sakit." Mura ni Iggy ng batukan siya ng binata.

"Ano bang meron?" Tanong ni Chase matapos humakbang palapit kay Haru kasunod sina Percy at Iggy.

"Magpapakasal na kami." Ani ni Cross na kinanganga ng Redtape maliban kay Haru at kinatayo ni Arkhon.

"Cross anong kasal? Ang bilis naman yata sigurado kana ba diyan?" Ani ni Haru na kinapokerface ni Cross.

"Cross hindi mo pwedeng basta iannounce yan hindi---."

"Gusto kong patunayan sayo na hindi kita iiwan." Putol ni Cross na kinatinginan ng Redtape.

"Hindi ba kayo nabibigla? Hindi na basta ang kasal Cross." Ani ni Iggy matapos damputin ang unan na yakap kani-kanina lang na nahulog ng mag-announce si Cross ng kasal.

"Cross hindi mo naman kailangang gawin ito, oo natatakot ako pero hindi ibig sabihin nun gusto ko pakasalan mo ako para lang maniwala akong hindi mo ako iiwan." Ani ni Arkhon matapos umiwas ng tingin.

Hindi umimik si Cross hanggang sa nakapamulsahan itong lumapit sa binata.

"Nitong mga nakaraang araw since ng nakausap ko si dad lahat ng bagay sakin hindi na naging sigurado. Naguguluhan ako dahil siguro alam kong kailangan ako ni dad at may mga responsibilidad sa akin na naghihintay." Ani ni Cross na kinayuko ni Arkhon.

"Pero kung may isang bagay man ako na sigurado at mula nung una hindi nagbago." Ani ni Cross bago nilabas ang isang maliit na silver box.

"Cross." Hindi makapaniwalang sambit ni Arkhon ng buksan ng lalaki ang kahon.

"Gusto kitang makasama habang buhay Arkhon." Ani ni Cross bago kinuha ang isang silver ring at sinuot yun sa daliri ni Arkhon.

"Ano mang daan piliin ko in future gusto ko kasama kita, hindi kita iiwan dahil isasama kita Arkhon." Ani ni Cross bago tingnan si Arkhon at ngumiti.

"Selfish na ako kung selfish Arkhon pero bukod sa makasama ka wala na akong ibang gusto. Hindi ako papayag na mawala ka pa sakin kaya pasensya ka sa ayaw mo man o gusto susunod ka sak---." Naputol ang sasabihin ni Cross ng halikan siya ni Arkhon.

Napatikhim ang tatlo sa Redtape at nagkanya kanyang takip ng mata, maliban kay Haru na napailing na lang at ngingiti ngiting tumalikod at maglakad palabas.

"Napakaselfish mo at demanding na hindi ko na kinatakha dahil isa ka pa ding Acosta." Ani ni Arkhon bago ngumiti at kinuha ang singsing na nasa kahon na hawak ni Cross.

"Kung ano mang piliin at desisyon mo Cross pinapangako kong hindi ako aalis sa tabi mo, sasamahan kita." Bulong ng binata bago sinuot ang singsing kay Cross at halikan ang kamay ng lalaki.
---
"Masakit?"

Natatawang komento ni Percy nang makita si Haru sa labas ng apartment at humihithit ng sigarilyo.

"As long as masaya si Cross wala na akong irereklamo pa." Sagot ni Haru na kinailing ng binata bago sumandal sa gilid ng pinto at nagsindi ng sigarilyo.

The Devil's LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon