3rd Person's POV;
"Malaking gulo ang haharapin natin pag--- pag tinuloy mo ang balak mo Arkhon."
"Kailan ka pa natutong matakot Cross?" Natatawang sambit ni Arkhon.
"Akala ko ba gusto mo gumawa ng sarili mong daan, malayo sa pamilya ng mga Acosta at hindi iba sa tinadhana. Bakit natatakot ka---."
"Hindi ako natatakot para sa sarili ko Arkhon, alam kong alam mo na wala naman mawawala sakin pero sayo Arkhon sobrang dami. Yung position mo sa C-lite, sina tita, ang kapatid mo pati lahat ng estudyante ng C-lite magiging iba ang tingin sayo." Putol ni Cross.
"Alam ko." Sagot ni Arkhon bago ngumiti.
"Tapos na ako sa pagiging President ng C-lite, pagiging perfect student, perfect son at sa lahat. Gusto ko lang ngayon maging masaya, maging totoo at makuha kung ano man ang totoong gusto ko." Dagdag ng lalaki bago hawakan ang kamay ni Cross at iinterwined yun.
"Buong buhay ko lumakad ako sa daan na ibang tao ang gumawa at nagdecide. Cross gusto ko na din maging malaya, sumama sayo at harapin ang mga bagay na buong buhay kong kinatakutan."
"Isang bagay lang ang hihilingin ko sayo Cross, samahan mo ako." Bulong ni Arkhon na kinalambot ng expression ng binata.
"Arkhon." Bulong ni Cross bago yakapin si Arkhon ng mahigpit.
"Walang kasiguraduhan ang haharapin natin pareho pero hanggat't magkasama tayo, masaya ako at ... kuntento."
---
"Pano mo nagawang sirain ang plano ni Janus habang may mga taong nagbabantay sayo." Tanong ni Cross habang nakasandal sa headboard at sa mga hita niya nakahiga si Arkhon na nakapikit.
"Sirain?" Tanong ni Arkhon bago minulat ang mga mata at tingnan si Cross.
"Secret ko na yun." Sagot ni Arkhon na kinapokerface ng binata.
"Ang mahalaga nailigtas kita." Sagot ni Arkhon ng---.
"Leader may mga dala kaming pagkain." Ani ni Chase matapos buksan ang pinto habang nakatakip ang mga kamay sa mata.
"Nakadamit naman kayo diba?" Tanong ng lalaki na kinatawa ni Arkhon.
*blaag!*
"Fuck." Mura ni Chase ng may lumipad na unan sa mukha ng lalaki.
"Sa tingin mo gagawin namin yun dito? =_=." Tanong ni Cross.
"Tangna ang sakit, mas mabuti na yung sigurado. Ayoko ng makakita ulit ng live---." Naisara ni Chase ang pinto ng makadampot si Cross ng lampshade na agad naman nahawakan ni Arkhon bago lumipad.
"Easy babe masyado kang mainit." Natatawang biro ni Arkhon na kinagusot ng mukha ng binata.
"Babe your face, stop calling me that freaking endearment Asuncion. It gives me a fucking goosebump." Inis na sambit ni Cross.
"Anong gusto mo? Honey,sweety,baby, hubby, wif---."
"Ituloy mo yan lilipad itong kamao ko sa mukha mo. =_=" banta ni Cross matapos tumayo at tingnan ng masama si Arkhon na mabilis hinabol si Cross ng maglakad ito palabas ng kwarto.
Nagkatinginan ang Redtape ng hanggang sa hapagkainan kinukulit ni Arkhon si Cross tungkol sa endearment.
"Ayaw mo ng sweety,honey,baby? Fine bukopie,honeypie,sweetypie,tinapay, pamay--- Aray!" Daing ni Arkhon habang hawak ang ulo ng hampasin siya ni Cross gamit ang tinidor.
"Arkhon manahimik kana pwede ba? =_=." Inis na saway ni Cross kay Arkhon.
Napailing na lang si Haru, dahil sa katotohanan na may label man o wala ang dalawang kaibigan lagi pa din nagbabangayan.
BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Teen Fiction●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...
