01

1.2K 38 25
                                    

Hello! This is the first chapter of CRS#2: Your Smile Is A Trap. Hope you're gonna be with me till the end! Enjoy reading! :D
__________
_______
____
__

01 : The Greatest Rival

"Bye dad," paalam ko kay dad matapos niya akong ihatid sa labas ng gate ng Roundell University or should I say, Hell? Kase may demonyong nakatambay ngayon sa gilid ng gate habang may kalandiang babae.

Napairap ako sa hangin bago dumiretso sa tapat ng gate para makapasok na. Naririnig ko pa ang malanding tawa ng babaeng nilalandi niya mula sa kinatatayuan ko.

Gosh, why do I have to see this scene almost everyday?

Bigla kong naalala ang gabi na nagising ako na naka-two-piece lang tapos siya naman ay nakahubad pero may towel sa bewang niya habang nasa loob kami ng kwarto niya.

Umiling ako sa naisip bago pinakita sa guard ang I.D ko. Ma-late ka sanang hinayupak ka, landi-landi mo! Bwisit!

Dahil sa nakita ko kanina sa labas, magkasalubong ang kilay kong pumasok sa loob ng main building. Ang iba bumabati sa akin ng 'good morning'

Eh? Anong maganda sa umaga kung makakakita ka ng naglalandian?! Sabi ng iba mas bitter pa ako sa ampalaya. Well totoo naman, balak ko nga magpatayo ng ampalaya farm tapos libre ang ampalaya ko tuwing Valentine's day.

Kung good mood lang ako, babatiin ko sila pabalik pero dahil hindi ako good mood, patuloy lang ako sa paglalakad at hinayaan silang batiin ako.

"Hi!" biglang sulpot ni Stefany habang nakangisi pa.

"Oh?" matabang kong tanong sa kanya habang patuloy pa din sa paglalakad papunta sa building naming mga second years.

"Bakit mukha ka na namang badtrip diyan?" tanong ni Stefany habang kumakain ng lollipop. Napangiwi ako nung makita ang dila niyang kulay asul dahil sa lollipop na kinakain niya.

"May nakita lang akong nakakasira sa mata," sagot ko bago binuksan ang pinto ng room namin. Medyo madami na din ang mga nasa loob kaya dumiretso na ako sa upuan ko.

"Audenzia!" napatingin ako sa estudyanteng tumawag ng pangalan ko na nasa may pintuan ng room namin. Maging ang iba kong mga kaklase ay napatingin din sa lalaki.

"Yes?" tanong ko habang nakaupo pa din. Hindi ko naman kilala ang lalaki eh kaya bakit ako tatayo at lalapit sa kanya?

"Pinapatawag ka sa Principal's office," saad ng lalaki kaya tumayo ako at lumapit sa kanya, medyo namula siya habang seryoso akong nakatingin sa kanya.

"Why?"

"Kausap ng principal si Jerson,"

"What?!" singhal ko. Ano nanamang kailangang sakin ng lalaking yun?! At talagang sa principal pa pumunta!

"Excuse me," saad ko bago naglakad papuntang Principal's office. Kapag tungkol sa walang kwenta ang pinagsasabi ng lalaking yun sa principal, masasapak ko siya sa harap mismo ng principal.

Marahan kong binuksan ang pinto, kasabay nun ang paghampas ng malamig na hangin mula sa aircon, sa aking mukha.

"Good morning po, Ms.Principal" pagbati ko, syempre kailangan mabait ako bago sinara ang pinto sa aking likuran. Hindi ko nilingon si Jerson na nakaupo sa upuan sa harap ng lamesa ng principal.

"Have a seat," tumango ako bago umupo sa tapat ni Jerson. Hindi ko siya nilingon at diretso lang ang tingin sa principal namin.

"Jerson here said, bumaba ang kanyang grades sa Math na maaring magpasok sa kanya sa competition na gaganapin next month, dahil sayo," natulala ako bago napalingon kay Jerson na nakanguso habang nanunutyang nakataas ang isa niyang kilay.

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now