03

769 29 13
                                    

03 : Crush

"Luh siya, bat may eyebags ka?" salubong sa akin ni Stefany pagkaupo ko sa upuan ko. Humikab ako bago siya nilingon at sarkastikong ngumiti.

"May tinulungan lang naman akong bata kahapon, at nakakapuyat talaga siya." saad ko kaya napatangu-tango si Stefany.

Kahapon matapos makatulog ni Jerson, medyo naligaw pa kami dahil hindi ko na masyadong maalala yung bahay nila. Like? Matalino man ako, mahina naman ako sa mga direksyon.

"Zia," tawag ni Stefany habang nakapikit ako at pilit na nilalabanan ang antok ko. Punyemas talaga ang lalaking iyon! Kung hindi lang ako atat umuwi kahapon edi sana hinulog ko na siya sa bangin. Hays. Sayang.

Pero nope! Kapag ginawa ko iyon! Baka pag namatay ako edi magkita pa kami sa impyerno! Shit! Bahala na kung kunin siya ng maaga. Hmph!

Nung nag-break na, ako lang mag-isa ang nagpunta sa canteen dahil pinatawag si Stefany nung coach niya sa English quiz bee. Ako naman ay sa Science ako ilalaban.

"Audenzia!"

"Yes?"

"Tawag ka ni Mrs.Ramos" tumango ako bago pumunta sa room ni Mrs.Ramos na couch ko para sa Science quiz bee. Sana maging topic namin ay kung ano ang Ampalaya. Siguradong marami akong alam at ako pa ang mananalo. Hihi.

"Good morning-" napangiwi ako ng makita ang sikat na nakakalokong ngiti ni Jerson habang siya'y nakaupo sa tabi ng couch niya sa Math.

"Oh, Audenzia." napalingon ako kay Mrs.Ramos bago pekeng ngumiti.

"Tawag niyo daw ako?" tumango si Mrs.Ramos kaya ngumiti ako at tumayo sa tabi niya at blankong tumingin kay Jerson.

"Sige alis na kami-"

"Sir, dito nalang tayo mag-practice sayang oras natin kapag naglakad pa tayo pabalik dun sa room niyong bulok yung aircon at sobrang layo," saad ni Jerson kahit sa akin naman nakatingin.

Aba't napakawalang hiya ng lalaking ito! Kaya lang naman nagpapasensya ang mga guro sa kanya ay dahil isa siya sa mga pinakaimportanteng estudyante rito sa Roundell Univ, dahil naidadala niya ang paaralan namin kahit saan siya ilaban.

"S-Sige, doon tayo sa may bandang kanan," sabay tayo ni Mr.Rivera pero si Jerson ay nanatiling prenteng nakaupo sa may harapan ko habang nakangiti.

"Dito nalang sir-"

"Bakit? Math din ba ang subject ko? So kami pa ang dapat mag-adjust huh?!" pagtataray ko kay Jerson, lalo namang lumapad ang ngiti niya bago nagsalita.

"Matanong nga kita, bakit ayaw mo sa akin?" tanong niya bigla bago tumayo kaya ngayon ay nakatingala na ako sa kanya habang nanliliit ang matang nakatingin sa kanya.

"Pake mo? Eh ayaw ko sayo dahil kumukulo ang dugo ko kahit marinig lang ang boses mo o kaya marinig ang pangalan mo," kaswal na sagot ko sa kanya, humagalpak naman siya ng tawa bago isinuklay ang kamay niya sa buhok niya.

Damn, masyado naman yatang nakakasilaw ang ginawa niyang iyon.

"Ayos naman ako ah? Bakit ayaw mo sa akin? Tomboy ka ba?" nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya. Wtf? Ako tomboy? May crush akong mga babae pero hindi ako tomboy!

I gritted my teeth before looking at him. His eyes are full of amusement and his lip are twitching while watching me.

"You know what? Mas lalo kitang kinasusuklaman ngayon!" napairap ako habang ngumuso naman siya bago hinawakan ang kamay ko.

"Bakit? Dahil ba kahapon hindi natin natuloy ang make love natin? Sorry na don't worry mamaya pwede nating ituloy-" agad kong hinawi ang kamay niya bago nandidiring tumingin sa kanya.

"Lumayo ka nga sa aking Playboy ka!" sigaw ko sa kanya bago tumingin kay Mrs.Ramos na kanina pa pala kami pinapanood ni Jerson. Oh gosh.

Parang gusto ko ngayong magpalamon sa lupa dahil sa nangyari. Pota talaga kapag si Jerson ang kaharap ko hindi ko na mapigilan ang sarili ko!

"S-Sige bukas nalang ang practice natin, Audenzia. May meeting pa pala kami," kinuha ni Mrs.Ramos ang bag niya bago nagpaalam na aalis na. Si Mr.Rivera naman ay tahimik na umalis kaya kaming dalawa nalang ni Jerson ang naiwan.

"What do you think you're doing?" tanong ko sa kanya habang umuupo siya sa upuan at nag-padekwatrong upo pa.

"Ayaw kong mag-practice, tutal alam ko na din naman lahat ng pag-aaralan," kaswal niyang sagot. Napairap ako sa kanya bago naglakad papuntang pinto.

"San ka pupunta?" tanong niya kaya nilingon ko siya bago sarkastikong ngumiti.

"Sa langit, bakit sasama ka?" hindi ka pwede doon, kase demonyo ka.

"Na-banned na ako doon, kaya sumama ka nalang saakin sa impyerno at ipapalasap ko nalang sayo ang langit-" saad niya habang naglalakad papalapit sa akin, agad naman akong lumayo sa kanya bago siya tiningnan ng masama.

"Playboy ka talaga!" sigaw ko sa kanya bago nagmamadaling umalis doon.

Sira na nga ang araw ko, mas lalo pang nasira dahil sa kanya! Wala na bang ikakaganda ang araw ko ngayon?

Speaking of ikakaganda ng araw ko ngayon, parang sumigla ang mukha ko ng mamukhaan ko ang naglalakad papunta sa akin. Tila ba may anghel sa likuran niya kahit siya naman talaga ang anghel.

"Hi, Zia" bati ni Cadmus habang papalapit sa akin. Agad akong ngumiti ng maluwang bago kumaway.

"H-Hi!" saad ko bago tumingala sa kanya ng makarating siya sa harapan ko. Matangkad siya pero mas matangkad si Jerson. Wait! Bakit ko ba ikinukumpara si Jerson kay Cadmus?! Like? Mas lamang si Cadmus noh!

"It's been a while since we talked," saad niya at para akong pinagpala noong ngumiti siya at nakita ko ang dimple niya sa right cheek niya.

"Oo nga eh," saad ko bago nilagay ang hibla ng buhok ko sa likuran ng tenga ko. Mamaya talaga mamimigay ako ng ampalaya.

"By the way, yayain sana kita na manood ng laban namin next week," saad niya habang nakangiti. Oh my gosh! Niyayaya niya akong manood ng basketball game nila!

"Sure," saad ko bago ngumiti ng matamis. Magpapa-tarpulin pa ako ng mukha mo para lang masuportahan kita, Cadmus.

"Goodluck nga pala sa laban niyo sa quiz bee sa Science," saad niya kaya napangiti ako.

"Thank you," saad ko habang namumula.

"Cad! Tara na!" napalingon kami parehas ni Cadmus kay Dylan na may hawak na basketball habang hinihintay si Cadmus na lumapit sa kanya.

"Um, kita nalang tayo sa game. Bye!" kumaway ako kay Cadmus habang papalayo siya. Para akong aatakihin sa kilig. Oh my gosh! Kinausap ako ng crush ko!

"Wala ng mas pabebe pa sa 'thank you' mo kanina," napalingon ako kay Jerson na nakatayo sa likuran ko habang nakabusangot.

"Pake mo?" tanong ko sa kanya bago siya hinarap. Nilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya bago ngumiti at dumukwang.

"Crush mo noh?" bulong niya at halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Agad ko siyang tinulak bago siya tinarayan.

"Pake mo ba kung crush ko yun?!" pasinghal kong tanong sa kanya. Napanguso naman siya bago nag-ayos ng tayo.

"Well, crush mo lang naman yun..." saad niya at may binulong pa siya na hindi ko narinig at wala na akong intensyong alamin iyon.

"Someday, Audenzia... I'll make sure you'll smile at me again like how you smile at that freaking guy," saad niya bago ako nilagpasan.

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now