05

660 29 14
                                    

05 : Sorry

I immediately opened the clinic's door before sitting at the bed. Tiningnan ko ang dumudugo kong siko habang magkasalubong ang aking kilay.

Patay talaga sa akin ang lalaking iyon! Gagantihan ko siya!

"That hurts," napatingin ako sa babaeng nakaupo sa kabilang kama at may kasama siyang lalaki na alam ko ay captain ng volleyball team.

"Oo nga eh, sarap itapon sa bermuda triangle nung lalaking iyon!" saad ko.

"I see, you're annoyed at someone," saad niya habang nakabusangot pa din ako. Buti alam niya. Kinausap na siya ng kasama niyang lalaki. Napangiwi ako dahil para silang mag-jowa o baka naman mag-jowa talaga?

Tapunan ko sila ng ampalaya eh! Sana maging ganito din kami ni baby Cadmus ko. Huhu!

"Shut up, kung gusto mo kumain umalis ka na tutal may kasama na din naman ako dito" saad ng babae kaya napatingin ako sa lalaki bago tumango.

"Yeah she's right" saad ko. Napangiti naman ang babae sa akin bago lumingon sa kasama niyang lalaki. Hanggang sa napaalis niya ang lalaki at kaming dalawa nalang ang naiwan sa loob ng clinic.

"I'm Zia" pagpapakilala ko. Napatingin siya sa akin bago ngumiti.

"Deinne," tumango ako at buti nalang ay dumating na ang nurse at inasikaso ang dumudugo kong siko.

"Oh my god!" napatili ako ng makita ang isang balita na magkakaroon ng concert dito sa Pilipinas ang paborito kong K-Pop band. Ipinakita ko kay Deinne iyon habang kinikilig pa.

"Oh my god! Ang gwapo niya noh?" sabay turo ko sa gusto kong member sa grupong iyon. Tumango naman si Deinne bago tumayo.

"Anyways alis nako," pagpapaalam niya bigla kaya napabusangot ako. Natakot ko ba siya sa Fangirl mode ko?

"Dito muna ako, ayaw kong makita ang mukha ng lalaking yun dahil kaklase ko siya sa next subject" saad ko habang nakabusangot pa din. Ngumiti siya sa akin bago nagpaalam.

At ngayon mag-isa nanaman ako. Pinagmasdan ko ulit ang K-pop boygroup na idol ko. Parehas kami ni Stefany na mahilig sa K-pop kaya kami ang pinaka-close sa isa't-isa.

Napalingon sa may pinto ng bigla iyong bumukas. Laking gulat ko ng makita ko si Cadmus na pawisan. Napalunok ako bigla ng napunta sa akin ang atensyon. Mahabagin.

"Oh, hey" bati niya bago ngumiti.

"Hey," bati ko na mas malaki kaysa sa kanya ang aking ngiti. Sino ba namang hindi sasaya kapag kinausap ka ng crush mo?

"Bakit nandito ka?" tanong niya habang kumukuha ng first aid kit sa may cabinet sa loob ng clinic.

"Uh, nadapa lang," tugon ko kaya napangiti siya bago tumango. Kainis na Jerson yun! Baka mamaya akala ni Cadmus na tatanga-tanga ako. Hays.

"Ikaw? Bakit nandito ka?" tanong ko habang nakangiti pa din sa kanya.

"Medyo naaksidente lang si Dylan habang naglalaro kami sa court," paliwanag niya habang hawak-hawak na niya ang first aid.

"Okay, hehe" napunta ang atensyon niya sa phone ko at kita pa din dun ang announcement about sa concert ng mga idol ko.

"Uh? Fan ka din nila?" tanong niya bigla kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Oo," sagot ko. Kapag fan din siya ng idol ko! Jojowain ko siya kaagad! Wala ng paligoy-ligoy pa!

"Parehas pala tayo, may concert daw sila eh," saad niya kaya lumiwanag ang mukha ko. Shet! Magpapa-fiesta ako mamaya tapos kakain kami ng ampalaya with asukal dahil kinikilig ako. Ehe.

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now