09 : Trip
"Feel free to relax now, basta kapag may kailangan pumunta kayo sa main hall ng resort na ito," paalala ng guro namin habang nasa main hall kaming mga second years.
Every year mayroon kaming trip na sagot ng Unibersidad namin at ang kailangan lang naming gawin ay pumunta. Last year nun nag-camping kami at ngayon namang second year ay nasa beach kami!
"Aweeee! Kaka-excite naman! Hindi na natin kailangang magluto ng ulam! Kase may resto naman!" masayang saad ni Stefany habang nakayakap sa braso ko. Medyo pagod pa ako dahil kakatapos lang nung laban namin nung isang araw. Buti nalang at medyo makakapag-relax ako dito.
Pinayagan na kaming pumunta sa kanya-kanyang mga cabin para ilagay doon ang mga gamit namin at tuluyan ng makapag-enjoy.
I wore an yellow off shoulder with my high waisted white shorts and a sunglasses with pink lenses. Lumingon ako kay Stefany na naka-see through crochet dress at sa loob nun ay ang yellow bikini niya.
"Yellow na yellow tayo ngayon ah," saad ni Isabel na kasama namin sa loob ng cabin. Bawat cabin may apat na kama kaya apat-apat kami kada isang cabin.
"Let's go!" sabay hila sa akin ni Stefany palabas ng cabin buti nalang at nakuha ko na ang floppy white beach hat ko. Bwisit, sayang din ang kojic ko kapag nabilad ako.
"Hi, Audenzia! napangiti ako ng may bumati sa akin na tatlong taga-Roundell din na mga lalaki. Bumati naman ako pabalik bago hinabol sa paglalakad si Stefany na nasa may tabing-dagat na at todo kuha ng mga pictures.
"Abangan natin mamaya yung sunset! Game ka?" tanong sa akin ni Stefany nang makarating ako sa tabi niya habang nakamasid sa dagat na may malalakas na hampas ng alon.
Sinuot ko ang beach hat ko bago pinagmasdan ang dagat kasama si Stefany na todo kuha pa din ng litrato.
Watching peaceful nature always relaxes me. Kapag lumalapat sa mukha ko yung hangin at nililipad nito ang buhok ko, damn. Ang sarap sa pakiramdam na buhay ka at nakikita mo ang ganda ng tanawin.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang dagat, pero agad nag-iba ang timpla ko ng sa mismong harapan namin ni Stefany ay biglang umahon ang isang shokoy.
"Putang-!" halos atakihin ako dahil sa biglang pag-ahon ni Jerson sa harapan namin ni Stefany.
"Ay jusko!" sigaw naman ni Stefany habang nakatutok na ang camera niya kay Jerson na walang pang-itaas kaya kita ang nakakasilaw niyang mga pandesal.
"Andyan pala kayo," saad ni Jerson sabay ngisi. I can't help but roll my eyes at him. Bwisit! Bakit nandito ang baklang toh?
"Andyan ka din pala," saad ko gamit ang matabang na tono. Bumaba ang tingin ko sa may tiyan niya na agad niya namang tinakpan.
"Anong tinitingnan mo?!" pasinghal na tanong ni Jerson kaya napairap ako. Naalala ko tuloy yung araw na iyon. When he's topless while the towel is hanging onto his waist. Damn. Mahabagin.
Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang lumapit sa mukha ko at bumulong.
"Did you remember that night?" tumindig ang balahibo ko dahil sa bulong niya. Agad ko siyang tinulak palayo sa akin bago siya tiningnan ng masama.
"Don't you dare mention that thing," banta ko sa kanya, umangat ang gilid ng labi niya bago sinuklay ang kanyang basang buhok gamit ang kanyang kamay.
"So naaalala mo nga?" ginulo niya ang buhok niya kaya may tumalsik pa na tubig dagat sa akin. At may nalasahan pa ako! Gosh! Ang alat!
"What the?" lumayo ako sa kanya habang nakangiwing nakatingin sa kanya. Lumingon ako kay Stefany na pinapanood lang kami ni Jerson. Hinila ko ang kamay niya bago naglakad palayo.
"Bhie, vinideo ko kayo para may remembrance," sabay pakita niya sa akin ng phone niya. Umirap lang ako habang hawak-hawak ang beach hat ko. Baka kase liparin ng hangin.
"May swimming pool yata dito..." saad ko habang nakasilong kami sa isang resto na nakaharap sa dagat.
"Doon tayo?" bumaling ako kay Stefany habang inaayos ang sunglasses ko.
Ano bang mayroon sa ngiti mo?
(Girl I'm dying)
Di kana maalis sa isipan ko
(Impossible)
I feel so alone but I can't just keep on saying this song
I gotta get your love, yeah baby girl I'm coming now
(Sure, you're mine)(Trying to forget, trying to forget, trying to forget)
No, I can't figure this one out
Won't stop anymore
Can't stop anyway
Now the fire in me has started
You'll be in my zone!Burning up fire,
Di na matatangi
Got me like fire,
Ikaw na'ng aking hinahanap
Oh I do (love you)
Baby, I do (love you)
I need you, I need your love right nowNapalingon ako sa loob ng resto na walang takip kaya maganda ang view at hindi mainit. Tapos may mini bar din sila at tuwing sa gabi ay may banda na tumutugtog sa maliit na stage.
"Infairness, ang ganda ng kanta ah? May Tagalog at English," saad ni Stefany na tinutukoy ang kanta na pinapatugtog ngayon sa malaking speaker dito sa resto.
"Tara doon na tayo sa swimming pool," tumango naman si Stefany at nagpahila sa akin papunta sa pool. At dahil hindi ako magaling sa mga direksyon, nagtanong-tanong muna kami ni Stefany bago kami nakarating sa pool.
"Gosh, maliligo na talaga ako." saad ni Stefany habang nakatayo kami sa tabi ng pool. Nung tumalon na si Stefany sa pool, nanatili lang akong nakatayo sa tabi ng pool para bantayan siya. Hindi pa naman magaling lumangoy ang isang toh.
"Ow-!" agad kong hinawakan ang damit ng isang lalaki na tumatakbo sa likuran ko, dahil madulas ang tabi ng pool ang lalaking ito ay muntikan ng madulas. Buti nahawakan ko ang damit at nabalanse niya din ang katawan niya.
"Damn," sambit niya kaya binitawan kona ang damit niya bago siya tiningnan. Tanga-tanga din ang isang toh, tatakbo ba naman sa gilid ng pool? Gusto ba nitong magka-amnesia dahil sa pagkakadulas?
"Thank you, kung hindi dahil sayo. Nadulas na ako," para akong nasilaw ng ngumiti sa akin ang lalaki. Hindi ito taga-Roundell at mukhang pumunta siya dito para magbakasyon. Nawa'y lahat.
"Oh! By the way I'm Art," saad niya habang nakalahad na sa akin ang kamay niya. Kahit gaano man siya kagwapo. Loyal ako kay Cadmus.
"Zia," saad ko bago ngumiti at tinanggap ang kamay niya. Natigilan pa siya ng ngumiti ako. Ganda talaga ng ngiti ko, bigyan ko nga toh ng ampalaya.
"U-Um, nandito ka pa ba hanggang bukas?" tanong niya bigla habang kinakamot ang batok niya at hindi makatingin sa akin.
"Oo," sagot ko habang nakakunot ang noo. Bakit? Anong kailangan mo? Iyon ang gusto kong tanungin sa kanya kaso wag nalang.
"Wala naman," saad niya bago ngumiti at tumingin sa pinanggalingan niya kanina bago ibinalik sa akin ang kanyang atensyon.
"Alis na ako, thank you ulit. Don't worry I'll repay you," saad niya bago kumindat. At dahil doon, napagtanto ko na ang lalaking iyon ay isa ding malanding nilalang.
Pero mas malandi pa din si Jerson.
Wait! Bakit ko ba pinagkukumpara ang dalawang yun?! Parehas lang silang malalandi. Jusko.
YOU ARE READING
Your Smile Is A Trap (CRS #2)
Teen FictionCollege Romance Series #2 Audenzia Santiago, a girl who have everything. She got fame, money, beauty and brain. She's always on top until she meet Jerson Alforque the boy who got trapped by her smile and the one who'll always win against her. Writte...