14

527 27 19
                                    

14 : Something new

"You can connect your phone and play some songs if you want," saad ni Jerson para tapusin ang katahimikan na bumabalot sa amin.

Hindi pa din ako umiimik dahil inaalala ko pa din ang thesis namin. Good girl ako eh atsaka nilalamig ako dahil naka-top at skirt lang ako! Ampota.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya habang nakatingin pa din sa labas ng bintana. Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya.

"Anong ginagawa mong demonyo ka?!" pasinghal kong tanong ng makita siyang nagtatanggal ng butones ng polo niya gamit ang kanan niyang kamay.

"Hoy!" nakangisi lang siya habang tinatanggal na ang pang-limang butones ng polo niya.

"What?" tanong niya at nagtatanong ang matang nakatingin sa akin habang nakangisi ng nakakaloko. Bigla tuloy akong kinabahan!

"B-Bakit mo tinatanggal ang p-polo mo?!" pasinghal kong tanong sa kanya, napanguso lang siya bago niya hinagod ang buhok niya gamit ang kanan niyang kamay.

"Naiinitan ako eh..." sagot niya dahilan para mapasinghap ako.

Eh nilalamig na nga ako dito eh!

Inirapan ko lang siya bago binalik ang tingin sa bintana.

"Hindi mo ba tatanungin kung saan kita dadalhin?" tanong niya bigla, kaya napalingon ako sa kanya bago siya tiningnan ng mariin.

"Saan mo ba ako dadalhin?!" tanong ko kaya napangiti siya bago nagsalita.

"Sa langit..." sagot niya kaya agad akong napahawak sa upuan ko at nanlilisik ang mga matang tumingin kay Jerson.

Papatayin niya na ba ako?! What the hell!

"Tangina mo! Sabi mo kay mama iuuwi mo akong buhay! Demonyo ka talaga!" sigaw ko sa kanya dahilan para matawa siya.

"Demonyo pala ako? Oh sige dalhin nalang kita sa impyerno tapos iparamdam ko nalang sayo yung langit-" agad kong hinagis sa kanya ang ulo ng charger niya na nakita ko sa may paanan ko, kaya napatigil siya.

"A-Aray! Ang sakit nun!" reklamo niya habang nakatingin pa din sa daan at nagmamaneho papunta sa hindi ko malamang lugar.

"Kasalanan mo eh! Kung magpapakamatay ka! Huwag mo akong idamay!" saad ko kaya napanguso siya.

"Atsaka wag mo akong idamay sa trip to hell mo! Dahil sa langit ang punta ko! Pasubo ko sayo yung buong ampalaya eh!" lalo siyang natawa sa sinabi ko.

"Mag-pokus ka!" sigaw ko sa kanya baka kase sa pagtawa niya bigla nalang kaming mabangga!

"Langit? Ikaw? Sa langit ang punta?" napairap siya. Gusto ko siyang sipain palabas ng kotse na ito, kung hindi lang sana siya yung nagmamaneho edi kapasok niya palang ng kotse sinipa ko na siya palabas!

"Oo! Bakit? Inggit ka? Kase nasa loob ako ng gate papuntang langit tapos ikaw nakikiusap kay San Pedro na papasukin ka sa gate ng heaven?" tanong ko sa kanya.

"Siguro mas magandang mamatay na lang ako ng maaga kaysa sayo..." sagot niya kaya napangisi ako. Buti alam niya ang dapat mangyari.

"Kase maiingit kang makita ako sa langit-"

"Para kapag nakita ko si San Pedro sabihin ko sa kanya na wag kang papasukin sa gates of heaven," saad niya sabay angat niya sa gilid ng labi niya.

I gave him a disbelief look before shaking my head.

"It's not like San Pedro's going to listen to you," saad ko bago siya inirapan.

"He will, I'll use my charms to him-"

"Tingnan mo! Pati sa langit dinadala mo ang kalandian mo!" natawa lang siya sa sinabi ko bago ulit kami nabalot ng katahimikan.

"Anong iniisip mo?" tanong niya bigla kaya napalingon ako sa kanya bago ngumiti ng sarkastiko.

"Nagpa-plano lang ako kung paano kita papatayin," saad ko. Puno ng pagkamangha ang mga mata niya kaya napairap ako.

"Papatayin sa pagmamahal?" hindi ako umimik sa kanya.

Tumikhim siya. "You don't need to kill me..." nanigas ako ng maramdaman ko ang hininga niya malapit sa leeg at pisngi ko.

"W-Why?" nanlaki ang mata ko ng lumingon ako sa kanya, dahil malapit ang mukha niya sa akin at nakatigil na din ang kotse niya.

"Kase patay na patay na ako sayo-" bigla akong nagulat dahil sa lalaking kumatok sa bintana ni Jerson.

"What the? Panira ng moment ampota,"

"Uy! Russell! Ikaw pala yan," tumikhim ako dahil sa biglang pagbabago ng tono ng boses ni Jerson noong binuksan niya na ang bintana sa may banda niya at kinausap ang lalaking nagngangalang Russell.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil sa naging abnormal na naman ang pagtibok nito na para bang lalabas na siya sa ribcage ko. Gosh!

"Boss, diretso daw kayo sa rest house sabi ni ma'am," tumango lang si Jerson. Napunta naman ang atensyon sa akin nung Russell kaya nginitian ko nalang ito ng bahagya.

"Hi ma'am-" biglang tinaas ni Jerson ang bintana bago pa matapos ni Russell ang sinasabi niya.

"What the? Bakit bigla mong sinara? Kinakausap pa ako ni Russell eh," singhal ko sa kanya, napalingon naman siya sa akin bago umirap.

"Pake ko sa Russell na iyon!" saad niya bago pinaandar ng mabilis ang kotse kaya napahigpit ang paghawak ko sa dibdib ko.

"Hoy! Gago! Dahan dahan lang-" bigla siyang nagpreno kaya napahawak ang dalawa kong kamay sa dibdib ko baka kase bigla nalang maging flat!

"Tangina mo! Gago! Gago ka! Pota ka!" pagmumura ko sa kanya pero mukha naman siyang hindi naaapektuhan dahil tinatanggal niya lang ang seatbelt niya bago siya lumapit sa akin para tanggalin ang seatbelt ko.

"Demonyo ka talaga!" sinabunutan ko ang buhok niya kaya napangiwi siya.

"A-Audenzia! Masakit! Just look outside so your anger would decrease! Damn," sinunod ko ang sinabi niya kaya tumingin ako sa labas at napangiti ako ng maluwang dahil sa nakikita kong mga bulaklak.

I mean! As in malawak na taniman ng magagandang mga bulaklak! Agad kong tinanggal ang pagkakasabunot kay Jerson at lumabas ng kotse para pagmasdan ang malawak na taniman ng mga bulaklak.

"You like it?" tanong bigla ni Jerson sa tabi ko kaya tumango ako.

"Pasalamat ka at dito mo ako dinala kung hindi, baka nakalbo na kita." saad ko bago naglakad palayo sa kanya para lumapit sa mga bulaklak.

Habang naglalakad lakad ako nasa likuran ko lang siya at sinusundan lang ako kahit saan ako pumunta. Buti at dalawang metro ang layo niya sa akin.

Bigla akong tumigil sa paglalakad at hinarap siya, gulat naman siyang napatingin sa akin.

"What?" tanong niya.

"Gutom ka na ba?" tumango siya na parang bata kaya napangisi ako.

"Kain kang bulaklak," bigla siyang napasimangot bago bumunot ng isang sunflower na malapit sa kanya at lumapit sa akin.

"Bakit mo binunot-"

"I'd rather give the flower to you than eat it," saad niya bago binigay sa akin ang sunflower. Napangiwi ako sa sinabi niya bago tinanggap ang bulaklak sa kamay niya. Napangiti naman siya sa ginawa ko.

"Gutom kana?" hindi pa ako nakakasagot sa kanya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kung saan.

Biglang akong nakaramdam ng kakaiba habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin.

What the fuck is this feeling? This feels like something new to me.

"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko sa kanya.

"Kay mama ko," sagot niya kaya namula ako. Wait? Papakilala niya ba ako kay mama niya?! At bakit ako namumula?! Wtf! Kay Cadmus lang ako!

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now