24

518 29 13
                                    

24 : Sudden

"Bhie!" napaigtad ako sa biglaang pagtawag sa akin ni Stefany habang naglalakad ako sa hallway, papasok na sana ako ng room.

"N-Nakakabigla ka naman!" saad ko bago siya tinulak palayo sa akin, tawa lang ang iginawad niya bago ako inakbayan at sinabayan sa pagpasok sa room.

"Buti wala ang lalaking iyon," saad niya kaya napatingin ako sa paligid at napansing wala nga si Art. Dumapo naman ang paningin ko kay Jerson na nakikipagtawanan sa mga tropa niya sa room.

Nakakakaba.

Hindi ko alam paano ko pipigilan ang unti-unting paglaki ng paghanga ko kay Jerson. In the first place, I shouldn't have feelings for him!

He's my freaking rival! And my future depends on my academics, if I didn't get to top one until my last year here, then it's goodbye to my freedom.

My parents would find some successful guy to be my husband. And I don't want that to happen. Kaya ko ang sarili ko, hindi ko kailangan ng lalaki para maging successful.

At isa pa isa ding playboy si Jerson. Magaling magpa-asa at hinding-hindi ako papatol sa lalaking paasa. Nadala na ako kay Cadmus na akala ko may gusot sa akin yun pala parehas kaming gusto ang mga lalaki.

Umupo na ako sa pwesto ko at inilabas ang notes ko, dahil malapit na ang exams namin at sigurado ako na ako ang mangunguna!

If I win, ang hihilingin ko lang naman kay Jerson ay layuan ako bago pa tuluyang mahulog ang loob ko sa kanya. I don't want to get hurt if I fall for him.

Never in my dreams, I would imagine that I would fall for him, I mean alam kong hindi pa masyadong malalim ang nararamdaman ko sa kanya pero sapat na iyon para masaktan at magselos ako.

Pero minsan iniisip ko kung mababaw nga lang ba ang nararamdaman ko para sa kanya? Baka mamaya malalim na pala pero tinatanggi ko lang.

"Amin amin din pag may time!" rinig kong saad ng isang kaklase namin na ka-tropa ni Jerson.

"Gago," saad naman ni Jerson bago tumawa.

Napangiti ako ng mapait. Atsaka mukhang may gusto na din itong demonyong ito kaya kailangan ko na talagang iwasang mahulog sa kanya.

"Bakit parang ang tamlay mo bigla?" napalingon ako kay Stefany na kumakain na ng sandwich.

"H-Ha?" napailing si Stefany bago kinuha ang notes na nasa ibabaw ng desk ko.

"Dapat masaya ka nga eh dahil..." medyo nagdududa akong napatingin kay Stefany na nakatuon ang atensyon sa notes ko habang may makahulugang ngiti sa labi niya.

Inirapan ko nalang siya bago kinuha ang notes ko sa kamay niya. Minsan talaga hindi ko maintindihan itong si Stefany. Tsk!

Hanggang sa dumating ang recess, todo pa din ang ngiti ni Stefany na akala mo nanalo sa lotto habang nagliligpit ng gamit niya.

"Anong bang nangyayari sayo?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya bago ibinigay sa akin ang liptint niya at pulbo.

Kumunot naman ang noo ko habang nakatingin sa pulbos at liptint na nilagay niya sa nakalahad kong palad.

"Anong gagawin ko dito? Ibenta?" walang kwenta kong tanong. Alangan namang ako ang maglagay nito sa mukha niya?

"Gamitin mo! Gaga! Mag-ayos ka!" saad niya bago ako tinulak palabas ng room namin.

"Mag-ayos ka sa banyo, hintayin kita sa tambayan dun sa canteen," wala na akong nagawa kung hindi sumang-ayon sa gusto ni Stefany.

"Punta kayo sa party ko! Birthday ko na sa Sabado! It means bukas na!" rinig kong sigaw ng kaklase kong mahilig magpa-party, si Samantha.

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now