19 : Art
Nakatulala lang ako habang nakatayo pa din sa harapan ni Cadmus. Hanggang ngayon di parin tanggap ng utak ko na bakla si Cadmus.
"P-Putangina..." saad ko bago suminghot. Agad na nag-aalalang lumapit sa akin si Cadmus dahil hindi ko na napigilan ang luha ko.
Putangina self! Bakit ang manhid mo?!
Naalala ko tuloy yung nasa concert kami, mas malakas pa siyang tumili kesa sa akin and I find it cute!
"S-Sorry!" saad niya bago ako inakbayan at pinunasan ang mga luha ko.
"Gago ka! Bakit hindi mo agad sinabi?" ngumuso siya habang pinupunasan ang luha ko gamit ang panyo niya. Suminghot ako sa panyo niya bago ngumiti ng parang natatae.
"Sorry talaga! Akala ko kase mapapansin mo na ano ako..." saad niya habang nakanguso. Napanguso na din ako bago ulit siya tiningnan.
"Infairness ha, diko nahalata," saad ko bago siya inirapan.
"Baka pagsabi mo niyan, matatanggal kami sa basketball team," agad akong umiling at ngumiti sa kanya.
"Don't worry," tinapik ko ang matipuno niyang braso.
"Hindi ko pagsasabi," saad ko bago siya nginitian. Ngumiti naman siya bago ginulo ang buhok ko.
"Sige, basta friend pa din tayo ah? Concert buddy?" tumango ako bago ngumisi sa kanya dahilan para kumunot ang noo niya.
"Sinong jowa mo?" tanong ko sa kanya, agad siyang namula kaya namamangha akong napatingin sa kanya. Si Cadmus nag-ba-blush?!
"Si Dylan," bulong niya kaya napasinghap ako.
"Huwhaaaat?!" tumango siya kaya sinundot ko ang tagiliran niya at natatawang tinanggal ang braso niyang nakaakbay sa akin.
"Cadmus!" sabay kaming napalingon ni Cadmus sa tumawag sa kanya, napailing ako habang nakangiti ng makita ko si Dylan na papalapit sa amin.
"Andyan na pala eh," bulong ko kay Cadmus bago siya pabirong tinulak palapit kay Dylan.
"Stay strong, don't worry safe ako," saad ko sa kanilang dalawa. Gulat naman na napatingin sa akin si Dylan bago nahihiyang ngumiti.
"Salamat," saad ni Dylan bago inakbayan si Cadmus at umalis na silang dalawa.
Tinalikuran ko na sila bago pinagmasdan ang mga white tulips na nakatanim doon.
"Friends pa nga," agad akong napalingon sa nagsalita mula sa likuran ko.
"Anong ginagawa mo dito?!" singhal ko kay Jerson. Tiningnan niya lang ako, napansin ko din na para bang pinipigilan niyang tumawa.
"Gago ka! Huwag ka ngang t-tumawa!" hindi ko na naman tuloy napigilang maluha. Ih bakit naman kase eh!
"S-Sorry!" saad niya bago humagalpak ng tawa. Napaiyak na tuloy ako habang hinahampas ang dibdib niya.
Bigla nalang siyang tumigil kakatawa at hinawakan ang kamay kong hinahampas siya. Hindi ko tuloy mapigilang mag-angat ng tingin sa kanya.
"Here, these will make you calm," saad niya sabay abot sa akin ng isang box. Pinunasan ko muna ang luha ko bago kinuha sa kanya ang box.
Naalala ko tuloy nung binigyan niya ako ng box na may laman na egg tarts at pastillas, para mag-sorry sa pagpatid niya sa akin sa canteen nun.
"Thanks," saad ko bago binuksan ang box. Napasinghap naman ang gago dahil sa sinabi ko.
"Si Audenzia? Nag-thanks kay Jerson?! Sabihin ko kaya eto sa newspaper club para kinabukasan iyon ang laman ng dyaryo ng school natin!" agad ko siyang sinamaan ng tingin bago tiningnan ang binigay niya.
It's actually a different kinds of chocolates! Oh my gosh! Paano niya nalaman na eto ang nagpapakalma sa akin!?
Agad akong kumuha ng isang chocolate at binuksan iyon. Agad akong kumagat bago naglakad pabalik sa room namin para kunin yung bag ko na nasa classroom pa din namin.
"H-Hey! Saan ka pupunta?" tanong ni Jerson, tiningnan ko lang siya bago ulit kumagat sa chocolate ko.
Ngumuso siya ng hindi ko sinagot ang tanong niya.
"Alam mo? Sharing is caring," saad niya bago pumito. Inirapan ko lang siya bago sinagot.
"Binigay mo sakin ito at ayaw kitang bigyan-" nanlaki ang mata ko ng bigla nalang siyang kumagat sa chocolate na kinagatan ko na!
"What the hell?!" nakangisi siyang umayos ng tayo matapos niyang kumagat sa chocolate ko!
"What the hell?!" pang-gagaya niya sa boses ko kaya hinampas ko siya dahilan para magkaroon na naman siya ng pagkakataon na kumagat sa chocolate!
"Mukhang maganda ang gising mo ah?" bungad sa akin ni Stefany pagkapasok ko sa room namin. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay bago umupo sa pwesto ko.
"Kayo na?" nakangiting tanong ni Stefany sakin pagkaupo ko. Umiling ako kaya napabusangot si Stefany.
"Bat naman?" napangisi lang ako at nagkibit balikat.
Baka kapag sinabi ko kay Stefany ang dahilan bakit na-reject ako ni Cadmus, himatayin pa siya sa sobrang gulat.
"Gago!" rinig kong sabi ni Jerson na nakapwesto sa may likuran kasama ng ibang boys namin. Aba himala, mas maaga siya sa akin at nandito siya sa first subject. Tsk!
"Bhie, may new student daw," pag-iiba ng topic ni Stefany.
"Weh?" tumango si Stefany habang nakangiti ng maluwang.
"Class!" agad akong napaupo ng matuwid ng biglang pumasok sa room si Mrs.Santos na adviser ng first section sa second year.
"May new student tayo ngayon, medyo malayo ang pinanggalingan pero atleast dito naisipang mag-aral," sabi ni ma'am bago pinapasok ang new student na tinutukoy niya.
"Oh my gosh! Diba siya yung tanga-tangang tumatakbo sa gilid ng pool buti nasalo mo?" bulong sa akin ni Stefany. Tiningnan ko ang lalaki at napagtantong iyon nga ang lalaking nakilala ko sa beach trip namin nun.
"Art Velasquez," pagpapakilala niya bago ngumisi.
Napunta ang atensyon niya sa akin kaya lalong lumapad ang ngisi niya bago ako kinindatan. Napasinghap naman si Stefany.
"Bhie! Baka mamaya ikaw pala ang dahilan ng paglipat niya ng school," napalingon ako kay Stefany.
Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Art na pagbabayaran niya ang pagtulong ko sa kanya. Eto ba ang sinasabi niyang pagpapasalamat sa pagtulong ko sa kanya?
YOU ARE READING
Your Smile Is A Trap (CRS #2)
Teen FictionCollege Romance Series #2 Audenzia Santiago, a girl who have everything. She got fame, money, beauty and brain. She's always on top until she meet Jerson Alforque the boy who got trapped by her smile and the one who'll always win against her. Writte...