13 : Not a date
"Walang pasok kaya umuwi na kayo," saad ng guard nung papasok na sana kami ni Stefany sa loob ng school.
"Walang pasok?!" tanong ni Stefany, tumango naman ang guard.
"Bakit po?" tanong ko habang papalapit sa guard.
"Walang klase ang mga second years ngayon dahil ang mga teachers sa second years ang namamahala sa gaganapin na trip," paliwanag ng guard kaya nagkatinginan kami.
"Paano niyo nalaman na second years kami?" tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Sa necktie niyo," napatangu-tango ako bago lumingon kay Stefany na nakatingin sa loob.
"Bakit may nakikita akong mga second years sa loob?" tanong ni Stefany bago bumaling sa guard.
"Kanina pa sila nandito at hindi pa nun in-announce na pwede ng umuwi ang mga second years dahil walang teacher na magtuturo sa inyo," tumango ako bago tumingin kay Stefany na nakatingin din sa akin. Sabay kaming napangisi bago nag-apir sa isa't-isa.
"Sa wakas, isang araw na pahinga," saad ko bago tumalikod sa gate ng school at umamba ng umalis para umuwi.
"Audenzia!" napalingon ako sa kaklase kong si Regina na papalapit sa amin at mukhang kakalabas niya lang ng gate.
"Bakit?" tanong ko bago tuluyang humarap kay Regina.
"Pinapasabi pala ni Mrs.Santos na pwedeng pumasok kung gagawin niyo yung mga thesis niyo o kaya sa bahay niyo nalang daw gawin kung ayaw niyo sa school," sabi niya saamin ni Stefany.
"Ah okay, salamat." saad ko kaya tumango siya bago kumaway palayo dahil pumasok ulit siya sa loob ng school.
"So..." bumaling ako kay Stefany na nakabusangot na.
"May thesis pala," saad niya kaya napabusangot na din ako kasabay niya.
"Uwi na muna tayo, sa bahay nalang gawin yung thesis," saad ko bago hinila ang kamay ni Stefany.
"Paano si Jerson? Ka-partner mo diba?" tanong sa akin ni Stefany napabusangot naman ako ng marinig ang pangalan ni Jerson.
"Bahala siya, ako nalang gagawa ng thesis namin tapos kapag di ko natapos siya nalang ang magtutuloy," saad ko bago nagkibit balikat.
"Oh bat umuwi ka?" tanong ni mama ng makita ko siya sa bakuran ng bahay namin habang nagkakape. Sana all pachill-chill lang, ako kase may poproblemahin pang thesis.
"Pwede daw pong hindi pumasok," saad ko bago pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko.
Napunta ang atensyon ko sa concert ticket na binili ko nung isang araw na nakapatong sa taas ng study table ko. Napangiti ako ng maalala ang sinabi ni Cadmus sa beach trip namin nun.
Shet! May concert date kami! Next week na din ang concert kaya medyo excited na ako.
"Ano kayang susuotin ko?" bigla akong bumangon sa pagkakahiga sa kama ko at pumunta sa mga damitan ko para maghanap ng magandang damit na pwedeng suotin para sa concert kasama si Cadmus.
Naglabas ako ng checkered top and skirt. Tapos white shoes para i-pair sa top and skirt ko.
"Okay toh ah," saad ko bago hinubad ang uniform ko para suotin ang checkered top and skirt.
I look at the body mirror inside my room while wearing the checkered top and skirt. I also wore the white shoes to complete my look for the upcoming concert.
"Audenzia!" tawag ni mama kaya nawala ang atensyon ko sa salamin.
"Po?" tanong ko.
"May bisita ka!" sagot ni mama kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto ko para puntahan ang 'bisita' ko.
Sa tingin ko si Stefany lang yun. Tutal wala siyang kasama sa bahay nila kaya pumunta dito sa amin. Tanungin ko nga sa kanya kung ayos lang ang suot kong damit.
"Stefany-!" napako ako sa kinatatayuan ko ng makita kung sino ang nasa labas at kausap si mama ko.
"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko sa lalaking kausap ni mama.
"Thesis?" tanong niya kaya napabusangot ako. Napangiti naman si mama dahil sa amin ni Jerson na nag-uusap sa harapan niya.
"May date kayo?" sabay kaming napalingon ni Jerson kay mama na tahimik lang na sumisimsim ng kape niya habang naghihintay ng sasagutin namin.
"No way!" singhal ko bago lumayo kay Jerson na nakasuot ng long sleeves na dark blue checkered polo at naka tucked-in pa ito sa black slacks niya. I admit he looks good with those clothes.
Napairap ako dahil sa naisip bago tinalikuran si Jerson.
"Eh bakit ganyan mga suot niyo? At talagang checkered pa," tanong ni mama kaya doon ko lang napansin na suot ko pala ang damit na dapat kong suotin sa concert date namin ni Cadmus!
"It's not what you think-"
"Actually date po talaga namin ngayon," napalingon ako kay Jerson na kumindat bago kinuha ang pala-pulsuhan ko at hinila ako papunta sa gate namin.
"What do you think you're doing-"
"Ibabalik ko nalang po siya ng buhay," tumango lang si mama bago iminuwestra na umalis na kami. Nakanganga naman akong nakatingin kay mama dahil hindi ako makapaniwala na pinamimigay niya ako sa pinaka-ayaw kong lalaki sa buong mundo!
Bakit ba halos lahat ng kakilala ko ay hinahayaan akong makasama ang demonyo na ito?!
Napatingin ako sa likuran ni Jerson habang naglalakad kami papunta sa kotse niyang nakaparada medyo malayo sa tapat ng bahay namin.
"Bakit ka nandito?! Bakit kasama kita?! Paano mo nalaman ang bahay namin?!" tanong ko sa kay Jerson habang kinukuha niya ang susi ng kotse niya sa bulsa niya.
"Ang sagot ko lang sa mga tanong mo ay... sikretong malupet." sagot niya bago binitawan ang pala-pulsuhan ko at iginaya ako papasok ng passenger seat ng kotse niyang SUV.
"What the hell?! Bakit ba ako sumusunod sa iyo?!" pasinghal kong tanong sa kanya ng makapasok na siya sa driver's seat.
"Simple lang ang sagot diyan..." saad niya bago lumapit sa akin dahilan para bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. What the hell?!
Naaamoy ko na ang panglalaki niyang pabango na talagang nakaka-turn on.
Wait what?! No! Hindi nakaka-turn on ang amoy ng lalaking ito! Mabaho siya! Grr!
"A-Ano?" tanong ko habang pinapanood ang kamay niyang inaayos ang seatbelt ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin dahilan para mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at sigurado akong hindi iyon dahil sa kaba lang, may isa pang dahilan bakit mabilis ang tibok ng puso ko.
Damn it!
"Cause you're mine. And we're going on a date whether you like it or not," saad niya bago umayos ng upo at nagsuot ng seatbelt bago binuhay ang makina ng kotse niya.
"No way! This is not a date!" pasinghal kong sigaw sa kanya habang tinutupi niya ang sleeves niya.
"Like I told you, this is a date," saad niya na para bang sigurado na siya. Pinanood ko lang ang kamay niyang nakahawak sa manibela at kita ngayon ang mga ugat niya sa kamay dahil nakatupi ang sleeves niya.
Napailing ako bago naiinis na tumingin kay Jerson na nakapokus na ngayon sa daan.
"I'll come with you, but this is not a date!" dahil sa sinabi ko napunta na ngayon ang atensyon niya sa akin.
"Kung ayaw mo ng date, edi honeymoon nalang," napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Kaya hinampas ko siya sa kanyang braso.
"Gago ka ba? Kadiri ka!" natawa lang siya sa sinabi ko kaya inirapan ko siya at tumingin nalang sa labas ng bintana.
"So it's a date?" tanong niya pero hindi ako umimik sa kanya. Kahit magka-yelo sa impyerno hindi ako makikipag-date sa lalaking ito!
Sumama lang ako sa kanya dahil gagawa kami ng thesis! So this is not a date!
YOU ARE READING
Your Smile Is A Trap (CRS #2)
Teen FictionCollege Romance Series #2 Audenzia Santiago, a girl who have everything. She got fame, money, beauty and brain. She's always on top until she meet Jerson Alforque the boy who got trapped by her smile and the one who'll always win against her. Writte...