06

647 28 17
                                    

06 : Party Jail

"Lumayo ka nga sa akin!" nandidiring lumayo ako kay Jerson na nagkibit balikat lang at umupo pa din sa tabi ko habang nasa harapan namin ang police officer na parang hinuhusgahan kaming pareho.

Halata sa mata niya eh.

"Hala! Palabasin niyo ako dito! Sasapakin ko kayong lahat! Mga gago! Hoy Reyna! Nababaliw ka na ba?!" napalingon ako sa lalaking nag-iingay. Medyo nagulat pa ako dahil naka-uniform din sila kagaya namin ni Jerson.

"Nagnanakaw ka eh!" sigaw naman pabalik ng babae habang nakatayo sa harapan ng lalaki.

"Oo! Inaamin ko nagnakaw ako-"

"Oh diba! Sabi ko sa inyo eh!" sumbong ng babae habang nakaturo pa sa lalaking nasa loob ng selda.

"Patapusin niyo akong magsalita!" sigaw naman ng lalaki. Medyo nakakamangha silang panoorin. Damn, ganyan din ba kami ni Jerson?

"Ang ninakaw ko lang naman ay ballpen okay?" I almost choke on air because of that guy. Ballpen? Seriously?

"Atleast nagnakaw ka!" sigaw ulit ng babae, ang mga pulis naman ay nakatingin lang sa kanila na para bang nagtatanong sa sarili nila kung tama ba ang naging mga desisyon nila sa buong buhay nila.

"Oo nga eh! Nagnakaw na nga lang ako ng ballpen tapos walang tinta pa yung nakuha ko!" umiwas na ako ng tingin sa kanila baka mamaya bigla nalang akong humagalpak ng tawa dito at ako pa ang makulong.

"Gusto mo talaga ditong matulog noh?" tanong ni Jerson sa akin habang nakapikit na ang kanyang mga mata.

"Baka ikaw?" tanong ko pabalik. Narinig kong tumikhim ang pulis sa harapan namin kaya tumingin ako doon.

"Alam niyo bang bawal ang mag-away sa gitna ng daan?" tumango ako, napalingon naman ako kay Jerson na tumango din kagaya ko. Buti naman at sumang-ayon ang ungas na toh.

"Bakit nasa labas pa kayo at nag-aaway?" pumangalumbaba ang pulis habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Jerson.

"Hindi kami nag-aaway-"

"Pauwiin niyo na kami, may injury ang babaeng iyan-"

"Can't you just shut your mouth-"

"Ikaw dapat ang tumahimik-"

"Ikaw-!"

"No! You-"

"At dahil diyan dito kayo magpapalipas ng gabi, goodnight" napa-awang ang labi ko dahil sa sinabi ng pulis, napatingala ako ng tumayo ito at binuksan ang isang selda na walang tao.

"Don't tell me, diyan kami?!" I hissed while looking at the cell.

"Tama ka, diyan kayong dalawa," agad akong napatayo pero hinila na ako papasok ng isang pulis doon sa selda. Oh my gosh! Makukulong ako!

"What the fuck?!" singhal ni Jerson ng pinasok din siya sa kulungan.

"Shit, damn, this isn't my plan," bulong niya bago pinagmasdan ang buong kulungan. Tahimik naman akong nakatayo sa may gilid habang naka-krus ang dalawang braso ko sa dibdib.

"Ano niyan ang gagawin natin?!" bigla kong tanong sa kanya habang nakatingin sa labas ng selda. Nagbabakasakaling dumating si Stefany at iligtas ako sa impyernong ito.

"Matulog," saad niya bago umupo sa maduming higaan dahilan para mapangiwi ako.

"What the hell? Hahayaan mo ang ulo mo ay madikit sa maduming higaan na iyan?!" singhal ko sa kanya, nagkibit balikat lang siya bago tinapik ang kandungan niya.

"Dito ka umupo kung ayaw mo sa maduming higaan na ito," kunot ang noo kong bumaling kay Jerson na nakangisi sa akin. Kahit kailan talaga ang lalaking toh ang sarap itapon sa bermuda triangle.

"Argh! Mamamatay ako kapag kasama kita dito!" sigaw ko bago humarap sa mga pulis at nagmaka-awang pakawalan ako.

"Mga pulis! Bibigyan ko kayo ng libreng ampalaya basta pakawalan niyo ako!" hindi ako pinansin ng mga pulis at buti pa yung nagnakaw ng ballpen ay nakawala na. Nawa'y lahat.

"Salamat! Kakantahan ko kayo dahil sa ginawa niyong pagpapalaya sa akin-"

"Umalis ka na bago pa magbago ang isip namin," saad ng pulis sa lalaki dahilan para bumagsak ang balikat nito at tahimik na lumabas ng presinto.

"Pakawalan niyo po ako! Baka mapatay ko ang lalaking ito!" sigaw ko. Ngayon lang ako nagmakaawa ng ganito, jusko. Nasaan si Stefany kung kailan kailangan ko siya?!

"Hindi ka pakikinggan niyan," hindi ko pinansin si Jerson na nakatayo na sa tabi ko.

"Iyan yung pulis na naka-away nung driver namin nun," napalingon ako sa sinabi niya.

"Oh tapos?"

"Bumaba ranko niya dahil nakipag-away siya sa isang tauhan ng importanteng tao,"

"Importante ka? Bat nandito ka?" sarkastiko kong tanong dahilan para matawa siya ng bahagya bago hinagod ang buhok niya gamit ang kanyang kamay.

"May quiz pala tayo bukas!" napatingin ako kay Jerson na nakasandal na sa may pader habang nakatingin sa akin. Ngumiwi ako bago nagsalita.

"Edi bagsak tayo parehas," saad niya kaya lalo akong napangiwi.

"No way! Dapat ikaw lang!"

"Samahan mo ko," nakanguso niyang saad kaya napabusangot ako bago siyang inirapan.

Tsk! Akala niya nakalimutan ko na ang ginawa niya kanina sa canteen?! He fucking tripped me in front of many people! Damn it!

Bigla kong hinubad ang sapatos ko bago hinagis sa kanya. Hindi siya agad nakailag kaya natamaan siya sa may dibdib.

"What?!" tanong niya kaya mas lalo akong nainis sa kanya. Kulang pa iyon sa ginawa niya. Dali-dali kong kinuha ang isa ko pang pares ng sapatos bago hinagis ulit sa kanya pero nakailag siya.

"Anong problema-"

"Hayop ka! Gagantihan kita sa ginawa mo kanina sa canteen! Papatayin kita! Kung nandito na din naman tayo bakit hindi ko pa sulitin?!" hinagis ko din ang bag ko sa kanya agad niya naman itong sinapo.

"Calm down! Baka hindi na tayo makalabas-!"

"Nakakainis ka talaga! Kapag nalagpasan na kita, sisiguraduhin kong lilipat ka na ng school! Ayaw na kitang makita!" singhal ko sa kanya bago tumingin sa kanya ng masama.

"Damn, galit ka lang kaya nasasabi mo yan," saad niya bago lumapit sa akin pero bago pa siya makalapit ay dali-dali akong lumayo sa kanya.

"Subukan mo lang! Susuntukin kita!" pagbabanta ko sa kanya.

"Okay, fine. Sorry na. Alam kong sumobra ako kanina, diko expect na ganun ang mangyayari..." saad niya dahilan para medyo kumalma ako. Pero akala ni Cadmus na lampa ako o kaya tanga-tanga ako dahil sa ginawa niya! Grrr!

"Diyan nagsimula yung lolo at lola ko," sabay kaming napatingin ni Jerson sa isang pulis na umiinom ng kape habang namamanghang nakatingin sa amin.

"Tulog na," saad naman ng isang pulis.

Agad kong iminulat ang mata ko at tumingin sa paligid. Nasa kulungan nga pala ako at nakaupo akong nakatulog. Bumaba ang tingin ko sa kandungan ko at doon nanlaki ang mata ko ng makita ko si Jerson na nakapatong ang ulo sa kandungan ko.

How did we ended up like this?!

"Audenzia!" nabaling ang atensyon ko kay Stefany na nasa labas at kumakaway sa akin. Dali-dali akong tumayo kaya agad nagising si Jerson.

"Shit!" saad niya pero wala na akong pakielam dahil nakita ko na ang pulis na binubuksan ang selda. Finally, makakalaya na ako!

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now