18

507 28 33
                                    

18 : Friends

"Musta yung concert?" tanong ni Stefany habang kumakain kami sa canteen. Hindi ako umimik.

"Wala ka ngang boses," saad niya bago umiling. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago pinagpatuloy ang pagkain sa sandwich ko.

Pagkatapos kong iwan si Jerson sa labas ng bahay, hindi na ako lumabas ng kwarto ko dahil naiinis ako sa mukha ng demonyo na iyon!

Halos makalimutan ko na nga yung gabing iyon tapos papaalala niya pa?!

Minsan iniisip ko kung may nangyari nga ba sa aming dalawa noong gabing iyon. Dahil kung wala, ako mismo ang maglilibing sa kanya ng buhay!

Sumilip ako sa baba at nung makita kong nasa may pintuan na sila mama at mukhang nagpapaalam na kila Jerson, bumaba na ako at dumiretso sa kusina.

The only way to calm myself is...

Food!

Hindi dapat ako magkagusto sa lalaking katulad ni Jerson.

Lalo na't hindi sila marunong mag-seryoso sa mga babae. Pero sa nakikita ko ngayon, parang unti-unti akong naa-attract sa kanya!

Naging agresibo ang pag-nguya ko sa chocolate chip cookies na kinuha ko habang nakatayo sa tapat ng refrigerator.

"Ginutom ka ba ng gagong yun?" agad akong napalingon sa likuran ko at halos mabulunan ako dahil nakita ko si Jerson sa pasukan papuntang kusina.

Napangisi siya dahilan para biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tangina! Traydor ang puso ko!

Nilunok ko ang kinakain ko bago tumikhim at tiningnan ng masama si Jerson.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko habang nakapamewang. Ngumuso siya bago yumuko. Tahimik lang ako na naghihintay kung anong kailangan niya.

Napa-awang ang labi ko nung nag-angat siya ng tingin sa akin, gamit ang mapupungay niyang mga mata.

The way he looks at me, makes my heart beats faster than before! Shit! Hindi dapat ito mangyari!

"Sorry..." gulat akong napatingin sa kanya.

"W-What?"

"Sorry, about the things I said to you. Kung ano ang iniisip mo ay tama," napa-awang ang labi ko sa sinabi niya.

"So wala talagang nangyari nung gabing iyon?!" tumango siya bago ngumisi.

"I knew it! Gago ka talaga!" agad ko siyang sinugod at sinabunutan ang buhok niyang malambot. Hinahampas ko din siya habang sinasabunutan at wala na siyang magawa kung hindi umilag ng umilag.

"So? Wala talagang nangyari nun?" tumango ako sa tanong ni Stefany habang inaalala ang napag-usapan namin ni Jerson kagabi.

"Sayang..." sinamaan ko lang siya ng tingin kaya napahagalpak siya ng tawa.

"At dahil doon, pwede ko ng gawin ang dapat kong gawin..." napasinghap si Stefany dahil sa sinabi ko. Napainom pa siya ng tubig bago kuryusong nagtanong sa akin.

"Oh my gosh! Talaga? Aamin ka na?!" tumango ako at ngumisi.

Aamin ako kay Cadmus at kapag naging kami, baka maagapan pa itong atraksyon ko sa kalaban ko.

"Sayang, ship ko pa naman kayo ni Jerson," nakangiwi akong napatingin sa kanya.

"Yuck! Why would you ship me with that devil?!" singhal ko sa kanya at tawa lang ang isinagot niya.

"Simula una pa lang ship ko na kayo eh! Like! Di mo napapansin yung mga tingin niya sayo?" nakakunot ang noo ko ng bumaling ako kay Stefany.

"Napapansin," sagot ko bago uminom sa bottled water na binili ko.

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now