25

548 24 10
                                    

25 : Playboy

"Ano?!" kung nandito ang propesor namin sigurado akong kanina pa pinalabas etong si Stefany dahil sa malakas niyang boses.

"Seryoso ka?" hindi ako umimik at kinuha nalang ang notes ko para mag-review.

"Seryoso kang ni-reject mo ang isang Clark Jerson Alforque?!" agad na bumilis ang tibok ng puso ko nung binanggit ni Stefany ang pangalan ng demonyong iyon.

"Oo, bakit ba?! Wala naman akong gusto dun ah!" saad ko sa kanya na ikinangiwi niya.

"Wala? Sure ka? Kaninang kapasok mo halatang matamlay ka eh!" inirapan ko lang si Stefany at itinuon nalang ang atensyon ko sa notes ko.

"Alam mo bang simula nung pustahan niyo? Wala na akong nakikitang mga babae sa tabi niya, maliban dun sa kahapon," hindi ko nalang pinansin ang sinasabi ni Stefany.

Dahil hindi niyon mababago ang desisyon ko. Hinding-hindi ko pa din gugustuhin si Jerson kahit gusto niya ako.

He's a playboy for fuck's sake!

Eh hindi ko nga alam kung totoo bang may gusto siya sa akin. Baka mamaya nalaman niya na may nararamdaman ako sa kanya at maaaring gamitin niya iyon para manalo siya sa pustahan namin!

Pero hindi pa din maalis sa isip ko ang kahit maliit na tsansa man lang sana ay totoong may gusto siya sa akin.

"Para hindi ka na malungkot, punta tayo ng party mamaya ni Samantha," tatanggihan ko na sana ang alok niya dahil sa kaisipang baka nandoon si Jerson pero napagtanto ko na kung hindi ako pupunta doon dahil lang nandoon siya, parang ako ang talo.

Tumango nalang ako dahilan para mapatili ng mahina si Stefany at niyakap pa ako. Matagal-tagal na din simula nung huli siyang pumunta ng party.

Biglang natahimik ang mga kaklase ko ng biglang pumasok si Jerson at pagbagsak na sinara ang pinto ng room namin.

"Shit..." rinig kong tugon ni Stefany habang nakatingin kay Jerson na dire-diretso lang ang lakad papunta sa pwesto niya.

Hindi man lang niya ako nagawang tapunan ng tingin, siguro ay dahil wala naman talagang epekto sa kanya ang pag-reject ko sa kanya.

Siguro iniisip niya na madami pang ibang babae, bakit ako magtitiis kay Audenzia na kaaway ko?

Parang medyo nasaktan ako sa kaisipang hindi nga totoo ang sinasabi ni Jerson na gusto niya ako.

Napalingon ako kay Jerson at nakita siyang nakayuko sa desk niya. Nag-iwas nalang ako ng tingin at nag-review nalang.

Kailangan ko pa ding manalo sa pustahan namin. Kahit nagkakaganito kami.

"Aba, himala wala akong nadaanang giyera," agad akong nag-angat ng tingin ng marinig ang boses ng teacher namin na nag-leave 5 months ago.

"Ma'am! Na-miss ka namin!" saad ni Stefany.

"Na-miss ko din kayo, mukhang madami yatang nagbago sa loob ng limang buwan," nagulat pa ako ng makitang napatingin sa akin si ma'am bago kay Jerson.

"Ako ang mag-ha-handle sa inyo sa exam niyo, kailangan mag-aral kayo ng mabuti dahil importante ang exam na iyon," saad ni ma'am kasabay nun ay ang pagpasok ni Art sa room namin.

"May bago palang student," saad ni ma'am ngunit tiningnan lang siya ni Art.

"Bantayan natin si Art baka mamaya maglagay na naman ng answer sheet sa desk ni Jerson," bulong sa akin ni Stefany.

Nagsimula ng magturo si ma'am hanggang sa dumating ang lunch break namin kaya nandito na kami sa canteen.

"Uy! Jerson dito ka!" napaangat ako ng tingin kay Jerson nung tinawag siya ni Reynan para ayain na kumain kasabay namin.

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now