20 : Date
"Audenzia! May nagpapahanap sayo!" napalingon ako sa isang estudyanteng lumapit sa akin habang naglalakad ako sa may hallway.
"Sino?" tanong ko.
"Art daw pangalan niya, punta ka daw sa rooftop," kahit nagtataka ako, tumango ako sa estudyante bago napagdesisyunan na pumunta sa rooftop bago magsimula ang klase namin.
"Oh? Saan ka pupunta?" tanong ni Stefany ng magkasalubong kami sa hallway.
"Rooftop," sagot ko. Kumunot naman ang noo niya bago nagtatakang nagtanong kung bakit ako pupunta sa rooftop.
"May naghahanap daw sa akin eh," sagot ko. Tumango lang si Stefany bago tinapik ang balikat ko.
"Balik ka nalang sa room kapag tapos na," tumango ako kaya napangiti si Stefany bago nagpaalam na babalik na sa room.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsimulang maglakad papuntang hagdanan para umakyat sa rooftop ng school building namin.
Napatigil ako sa pag-akyat ng magkasalubong kami ni Jerson sa hagdanan. Paakyat ako habang pababa naman siya.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya bago siya nilagpasan at hindi na pinansin. Everytime I'm around Jerson, lagi nalang bumibilis ang tibok ng puso ko, yung parang kinakabahan na nae-excite.
Nang makarating ako sa rooftop, unti-unti kong binuksan ang pinto doon at sumilip sa labas kung may tao ba talagang naghihintay sa akin.
Napunta ang tingin ko sa lalaking nakatayo at ang likod niya ang nakaharap sa akin, agad ko siyang nakilala kaya tuluyan ko ng binuksan ang pinto dahilan para mapatingin siya sa gawi ko.
"Hi, long time no see," saad niya bago ngumiti.
"Yeah long time no see, Art" sagot ko bago lumapit papunta sa kanya, napangiti naman siya ng marinig ang pangalan niya.
"Naalala mo pa ba ako?" tumango ako kaya nagpatangu-tango siya bago may kinuha sa bulsa niya. Pinanood ko ang kamay niyang may inabot sa akin.
"Ano yan?" tanong ko habang nakatingin sa velvet box na nilalahad niya sa akin.
"Thank you gift," sagot niya kaya nanliliit ang mga mata kong nakatingin sa kanya bago umiling.
"Hindi ko matatanggap yan," sagot ko, napabusangot naman siya bago nagsalita.
"Bakit naman? Mahal naman toh ah? Maganda pa," saad niya bago binuksan ang box, halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang mamahaling necklace.
Anong akala niya sa akin? Walang mamahaling necklace? Duh! Madami kaya akong necklace!
"H-Hindi ako mahilig sa necklace," sagot ko kaya tumango siya.
"Fine, date with me then," mas lalong nanlaki ang mata ko dahil sa biglang pagbabago ng isip niya.
"Date?" tumango siya bago ngumisi.
"Yes, that will be my way of thanking you," saad niya kaya wala na akong choice kung hindi pumayag, para tigilan na niya ako. Grr!
Sabagay kung hindi ko siya nasalo nun baka magka-amnesia pa siya sa mismong harapan ko nun.
"Pwedeng bukas?" tanong niya kaya kahit napipilitan, tumango ako. Wala naman gagawin bukas eh. Atsaka para tigilan na niya ako.
"Sure," sagot ko, napangiti naman siya bago tumango.
Nung uwian na, pumunta kami ni Stefany sa fishball-an para kumain.
"So? Sino naghahanap sayo?" tanong ni Stefany habang hinihipan ang kwek-kwek na bagong luto lang.
"Si Art," she made an 'o' mouth before putting the kwek-kwek back to it's plastic glass.
YOU ARE READING
Your Smile Is A Trap (CRS #2)
Teen FictionCollege Romance Series #2 Audenzia Santiago, a girl who have everything. She got fame, money, beauty and brain. She's always on top until she meet Jerson Alforque the boy who got trapped by her smile and the one who'll always win against her. Writte...