23

521 27 12
                                    

23 : Jealousy

"Weh? Seryoso? Sinapak mo?" tumango ako bago uminom sa frappuccino ko. Nakaupo na ako ngayon sa loob ng Starbucks kasama si Stefany na halos isang oras ng nakatambay dito.

"Buti nakaalis ka dun?" tanong niya.

"Nakakainis siya eh, masayadong feeling," saad ko bago umirap at uminom ulit sa frappuccino.

Nabalot na kami ng katahimikan ni Stefany hanggang sa nagsalita ulit siya.

"May pinapunta pala ako dito-"

"Ayun sila!" sabay kaming napalingon sa lalaki at laking gulat ko ng makita ko si Reynan kasama si Jerson at Alywnnd na nakasunod sa likuran niya.

"Ginagawa niyo dito?" tanong ko kay Alwynnd ng umupo siya sa tabi ko.

"Pinatawag kami nung isa diyan," saad niya bago kinuha ang phone niya at iyon nalang ang pinagkaabalahan.

"Nabo-bored na ako kakahintay sayo eh so tinawag ko sila," nag-peace sign pa si Stefany sa akin. Napunta naman ang paningin ko kay Jerson na nakabusangot at hindi nagsasalita.

"Sabi sa inyo eh, tarantado yung lalaking iyon!" saad ni Reynan bago uminom sa frappuccino ko.

"Aba't-"

"Ano bang nangyari nung highschool kayo?" tanong ni Stefany.

Magkaklase na kase si Reynan at Jerson simula noong elementary at nung first year highschool.

"Inggit yung lalaking iyon kay Jerson," saad ni Reynan kaya napalingon ulit ako kay Jerson na tahimik lang at mukhang bad trip pa.

"Syempre dahil inggit at gusto niyang maging rank one nun, edi kinuha niya yung answer sheet ng exam namin tapos nilagay niya sa desk ni Jerson nun," ani Reynan.

"Palibhasa anak ng mayor kaya hindi siya nahuhuli sa mga kalokohan niya," napailing pa si Reynan.

"Tapos yung exam na yun ay importante pa kaya ayun dahil lang dun na-kick out si Jerson tapos simula nun nag homeschool siya hanggang senior high,"

Kaya pala wala siyang picture noong nag-graduate siya nung highschool. Alangan namang sa bahay siya mag picture.

"Hoy! Alwynnd selpon ka ng selpon! Ikaw nalang mag-order ng kape ko," saad ni Reynan kay Alwynnd na walang reklamong tumayo at pumunta sa counter.

"Gago, pag-order mo din ako," tinaas lang ni Alwynnd ang kamay niya, pumapayag sa gusto ni Jerson.

"Lapit na pala ng exam natin," saad ni Stefany habang walang buhay na bumuntong hininga.

"Lapit na din ng pustahan nila Audenzia," napangisi si Stefany kaya napaangat ako ng tingin kay Stefany.

Oo nga pala, may pustahan kami ni Jerson.

Napalingon ako kay Jerson na nakabusangot pa din habang naka-krus ang dalawa niyang braso. Nakatingin lang siya sa kawalan.

Para namang nakakapanibago ang demonyo na ito. Baka mamaya may binabalak pala.

"Pustahan? May pustahan si Audenzia at?" nagtatakang tanong ni Reynan na mukhang walang alam sa pustahan na nagaganap samin ni Jerson.

"Jerson," sagot ko.

"Anong pustahan?" tanong ulit ni Reynan.

"Kung sino mag-top one sa kanila, kailangan yung hiling niya ay tuparin nung natalo," namamanghang napatingin sa amin ni Jerson si Reynan.

"Nakaka-curios naman yung mga hiling niyo," nakangisi siya habang sinasabi niya iyon. Napairap nalang ako bago kinuha ang frappuccino ko pero bago ko pa iyon makuha at mainom.

Naagaw na iyon ni Jerson sa kamay ko at agad niyang ininom at inubos.

"What the..." nakaawang ang labi kong nakatingin kay Jerson na pinupunasan na ang labi niya.

"Indirect kiss tayo pre," saad ni Reynan bago inakbayan si Jerson. Bumalik ang ekspresyon niya na nakabusangot kaya napairap nalang ako.

Hindi ko siya masinghalan, usually kapag ginawa niya iyon ay magkakaroon na kami ng world war pero parang hindi ko feel na makipag-away sa kanya.

"Bakit parang nakakapanibago," biglang sabi ni Stefany. Nakakunot naman ang noo kong bumaling sa kanya.

"What do you mean?" tanong ko.

"Himala, hindi kayo nagkakagatan ni Jerson-" biglang dumating si Alwynnd at nilapag ang mga order nila.

Natigilan ako ng makitang binigay ni Jerson sa akin ang order niyang frappuccino na kagaya ng order ko kanina. Habang binibigay niya iyon ay nakaiwas siya ng tingin.

Parang tanga lang, ayaw niya pa yatang ibigay sa akin ah!

"Hala! Shet! Barko barko!" napaigtad ako sa tili ni Stefany kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong ganap?" nagtatakang tanong ko kay Stefany.

"Ship ko kayong dalawa ni-"

"Jerson? Oh my gosh! Is that you?" sabay kaming napalingon sa babaeng tumawag kay Jerson. Napunta naman ang atensyon ko kay Jerson na parang wala mang tumawag sa kanya.

"Huy! Jerson," tawag sa kanya ni Reynan at tamad naman siyang tumingin sa babae. Kaya napatingin na din ako sa babae.

Mahaba ang straight na buhok ng babae, matangkad, maganda, maayos sa sarili at sexy. Tsk! Type toh ng demonyong iyon.

Wala sa sariling napairap ako at nag-iwas ng tingin.

Bakit parang naiinis ako sa kaisipang magugustuhan ni Jerson ang babaeng yon?! Tsk! Pake ko kung mag-jowa pala ang dalawa! Tandaan mo Audenzia, diba iniiwasan mong makagusto sa kanya?

Nanliit ang mata ko ng biglang lumapit ang babae kay Jerson. At hinawakan niya pa ang balikat ni Jerson!

What the fuck?! Get your filthy hands away from Jerson!

Wait what!?

Traydor talaga itong utak ko! Buti nalang hindi dumidiretso sa bibig ko ang iniisip ko! Baka mamaya nasabi ko na yun!

Tumalim ang mga tingin ko sa babae nung kumuha siya ng upuan sa kabilang lamesa at umupo pa sa tabi ni Jerson!

Hindi makapaniwalang tumingin ako kila Alwynnd na tahimik lang at patuloy lang sa kanilang ginagawa. Hindi ba nila paaalisin ang babaeng hindi naman namin kilala?

Bumalik ulit ang matalim kong tingin kila Jerson. Ngayon naman ay tumatawa na ang babae habang si Jerson naman ay napapangiti ng bahagya.

Sabi na eh! Malandi talaga ang lalaking ito! Dagdag points ito sa operation kong 'don't fall for Jerson'

Umirap ulit ako at padabog na uminom sa frappuccino na binigay ni Jerson sa akin. Bakit hindi nalang kaya niya ibigay ang frappuccino sa babaeng kausap niya? Hmph!

Habang sumisimsim sa frappuccino, patago ko silang tiningnan at sakto namang nakatingin na ako sa kanila ay napangiti na si Jerson.

My heart beats fast when I also heard him chuckles slightly. Nakangiti siya at bahagya pang natatawa. To the point na napapayuko siya.

He didn't know he looks attractive! Tapos iyong babae naman ay todo ngiti sa kanya!

What the fuck?! So type talaga ng demonyong iyon ang babaeng kausap niya?!

Paano ba naman kung makangiti siya parang kinikilig pa!

Napairap ako at agad na kinuha ang clutch ko. Bago tumayo dahilan para mapunta ang atensyon nila sa akin.

Makaalis na nga dito!

"Stefany, let's go," saad ko bago walang sabing lumabas ng Starbucks.

"Mag-shopping lang kami!" rinig kong sabi ni Stefany kila Reynan bago pa man ako tuluyang makalabas ng Starbucks.

Hindi ako bobo para itanggi sa sarili ko na nagseselos ako.

Kase alam ko na nagseselos ako. Powta naman! Audenzia! Huwag mong hahayaang magaya ka sa mga babaeng pinaiyak ng demonyo na iyon!

But all I know, after I left that café all I felt is jealousy. Dammit!

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now