02

847 31 11
                                    

02 : Drunk

"No! Ayaw kong pumunta!" pagtanggi ko kay Stefany na nasa door frame ng kwarto ko. Kanina niya pa ako kinukulit na sumama sa party ni Samantha.

"KJ mo naman! Libreng celebration na iyon ng top 2 mo sa Dean's list!" pagpupumilit niya pa din sa akin. Kahit kailan hinding-hindi na ako sasama sa party kapag nandoon si Jerson!

"Eh ayaw ko nga!" sabay bato ko sa kanya ng unan ko, agad naman siyang umilag bago ngumisi ng makahulugan sa akin.

"Takot ka bang maulit yung gabing iyon-" agad kong binato sa kanya ang isa ko pang unan. Oo! Takot na ako! At ayaw ko ng mangyari iyon!

"Don't you dare mention that thing!" pasinghal kong sigaw sa kanya ngunit tinawanan niya lang ako.

"Promise! Hindi ko hahayaang mangyari ulit iyon! Sabi ko kase kila mom na kasama ka sa party kaya pumayag sila!" umirap lang ako. Hindi niya na ako mapipilit.

"Please! Ililibre kita ng isang Linggo kapag sumama ka-" agad akong tumayo sa higaan ko nung marinig ko ang salitang 'libre'.

"Anong oras na?" ngumisi si Stefany bago tiningnan ang relo niya sa pala-pulsuhan niya.

"7PM, mayroon pa tayong dalawang oras para mag-ayos," tumango ako bago siya hinila papasok ng kwarto ko.

Kanina kung makatanggi akong hindi sasama parang mamamatay ako kapag sumama ako but now I'm standing in front of Samantha's house. Nice.

Madaming sasakyan ang nakaparada sa tapat ng mansion nila Samantha, sa labas palang papasok ng pinto nakakalat na ang mga sapatos and heels ng ibang dumalo sa party.

"Wohoo! Party party!" napailing ako kay Stefany bago naglakad papasok ng mansion. Madaming tao ang bumati sa akin at ang iba ay may mga tama na.

Mayroon na ngang naghahalikan sa may tabi-tabi at naliligo sa swimming pool. Ew! Sarap tapunan ng mga ampalaya.

"Halos second years lang yata ang inaya ni Samantha," nakabusangot na tugon ni Stefany habang papasok kami sa kusina.

"Ibig sabihin nandito yung bebe mo, yieee!" kiniliti ni Stefany ang tagiliran ko dahilan para tapikin ko ang kamay niya.

"Ano ba?! Tigilan mo nga ako! Porket wala lang dito yung bebe mo!" napailing ako bago siya iniwan na nakasimangot. Kahit bitter ako meron namang nagpapakilig sa akin. Hehe!

Ilang beses na din akong nakapunta sa bahay nila Samantha dahil madalas siyang magpa-party, buti nga ngayon maganda ang rason kung bakit siya nagpa-party eh.

Umupo ako sa stool bar bago nag-request ng mojito sa bartender na nirerentahan pa ni Samantha para magmukha talagang nasa club kami.

"Hi, Ms.Second place," napalingon ako sa tumawag sa akin. At nakita ko siya, nakaupo sa katabing stool bar ko. Nakangisi siya at amoy alak na pero hindi pa naman siya masyadong lasing.

"What are you doing here?" tanong ko habang nakatingin sa bartender na hinahanda na ang ni-request kong mojito.

"I'm surprised, you're here" he said before taking a sip on his beer. I rolled my eyes at him before frowning.

"Shut up," pasinghal kong saad sa kanya.

"Are you doing well?" tanong niya kaya nilingon ko siya. Ngumiwi ako ng makita ko siyang magulo na ang buhok at medyo mamula-mula na.

"Pake mo? Bakit nandito ka?!" singhal ko sa kanya, tinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko.

"Chill! You should be grateful dahil iniwan ko ang dalawang babae para lang sayo," kasabay nun ang pag-ngisi niya sa akin.

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now