08

597 35 13
                                    

08 : That Guy

"Saan ka galing?! Kanina pa kita hinahanap!" salubong sa akin ni Stefany ng nasa may convention hall kami ng Eastfar.

"Canteen," tugon ko bago lumakad palapit kay Mrs.Ramos. Sumunod naman sa likuran ko si Stefany at hindi pa din siya tapos sa mga tinatanong niya.

"Hindi ka pa naman magaling pagdating sa mga direksyon," napangisi ako ng nakakaloko bago humarap sa kanya, natigilan naman siya dahil sa akin.

"May naging kaibigan ako, reto ko sayo yung isa," saad ko kaya lumiwanag ang mukha ni Stefany bago niyakap ang braso ko.

"Sige! Asan na siya?" tanong niya kaya napailing nalang ako. Buti pa ako loyal lang ako kay Cadmus.

"Zia!" napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko at lumapad ang ngiti ko ng makita si Harvey na kasama si Gwyrro at papalapit sa amin.

"Oh my gosh! Ang gwapo nung naka poker face," tumili ng mahina si Stefany bago ako hinila palapit kay Harvey.

"H-Hey, eto nga pala si Stefany. Kaibigan ko," napatingin si Harvey kay Stefany na todo ang ngiti at pagpapa-cute kay Harvey at Gwyrro.

"Hello!" maligayang bati ni Stefany kaya binati na din siya ni Harvey. Napalingon ako kay Gwyrro na tahimik lang na nakatingin saamin at nung nagtama ang tingin namin nginitian ko siya.

Infairness ha, ang tahimik niya samantalang etong si Harvey ang ingay.

"Hey babe..." may biglang umakbay sa akin at pabango palang ng taong iyon ay kilala ko na.

Clark fucking Jerson!

"What the hell? Lumayo ka nga sa akin!" tinanggal ko ang pagkaka-akbay sa akin ni Jerson dahilan para mapanguso ang animal. Pumito naman si Harvey habang pinagmamasdan kami ni Jerson.

"Why do you hate me, Zia?" napangiwi ako sa itinawag niya sa akin.

"Woah! Ikaw yung kaninang masama ang tingin sa akin! Kaya pala eh! Jowa mo pala si Audenzia," sinamaan ko ng tingin si Harvey dahilan para matikom niya ang bibig niya.

Ako? Jowa si Jerson? No way! Di ko ma-imagine ang sarili kong patay na patay sa lalaking katabi ko ngayon.

"Tell me, who's that guy?" nagtataka akong bumaling kay Jerson habang nakatingin sa may gawing kanan.

"Gwyrro?" tugon ni Harvey ng makita si Gwyrro na papalabas ng convention hall.

"Wait lang ha? See you later!" saad ni Harvey bago hinabol si Gwyrro na bigla-bigla nalang umaalis.

"Tara na nga!" sabay hila ko sa kamay ni Stefany at iniwan si Jerson.

Nang dumating ang gabi mas lalo akong na-excite lalo na't nasa labas kami ng building habang nagluluto ng barbeque! Nasa itaas namin ang buwan na nagdadagdag ng liwanag sa amin.

"May inuman daw yung mga teachers mamaya," biglang sambit ni Stefany sa gitna ng pagluluto ko ng barbeque.

"Talaga? So matutulog ka ng maaga o hindi?" tanong ko kay Stefany na kinakain na ang niluto niyang barbeque.

"Hindi, may ginawang bonfire yung mga ka-schoolmates natin. Mukhang may kantahan mamaya," tumango ako habang binabaligtad ang niluluto ko.

Pagkatapos ng laban namin dito ng tatlong araw, may trip pa kami sa beach. Libre lang iyon kaya mukhang mare-relax ako pagkatapos ng laban.

"Tangina, naalala mo yung first year tayo?" napalingon ako kay Stefany na nakaupo na sa plastik na upuan habang nakaharap sa akin.

"Bakit kailangan pang magmura?" nakangiwing tanong ko kay Stefany.

"I mean, yung ano yung nag-camping tayo, diba halos wala tayong makain nun kase sunog lahat ng nalutong pagkain?" natawa ako sa sinabi ni Stefany bago tumango.

Kapag first year college talaga, sobrang saya eh. Puro kalokohan.

Pinalibot ko ang paningin ko sa lahat ng nandito. Madaming Unibersidad ang nandito para makipag laban at isa na doon ang Roundell. Ang maganda kase kapag nakikipaglaban ka ay madami kang nakikilalang mga ibang tao, pero halos lahat ng nandito ay nakilala ko na nung first year palang ako.

Napabusangot ako ng mahagip ng paningin ko si Jerson na tatlo tatlo ang barbeque na hawak niya habang may isang bote ng alak na nakalagay sa lamesa ng iba niyang mga kasama.

Kahit sa ibang lugar talaga hindi niya talaga natatago ang mga kalokohan niya. Napailing ako bago ibinalik ang atensyon sa barbeque ko.

Ako lang ang nag-iisang anak nila mama at papa. Kaya lagi kong ginagalingan sa pag-aaral dahil ayaw kong umabot sa pagkakataon na sila ang mamimili ng mapapangasawa ko dahil lang hindi ko naabot ang mga pangarap ko na ipinangako ko sa kanila na aabutin ko para hindi na sila mag-alala sa akin kapag wala na sila.

At magagawa ko lang iyon kapag nalagpasan kona si Jerson.

Gusto ko ang puso ko ang mamimili ng pakakasalan ko. Kung ang mga magulang ko naman ang mamimili ng mapapangasawa ko, magiging masaya sila pero ako? Hindi.

Simula pagkabata, naniniwala na ako sa pag-ibig. Sinasabi sa akin nila mama na iyon ang pinaka masayang bagay na mararanasan mo sa mundo. At gusto ko balang araw maranasan ko iyon. At mararanasan ko lang iyon kapag nalagpasan ko na si Jerson.

Napunta ulit ang tingin ko kay Jerson na masayang nakikipagtawanan kasama ang ibang mga estudyante sa ibang school.

"Hi! Kilala niyo yung lalaking naka undercut?" biglang tanong ng isang babae sa amin. Nagkatinginan muna kami ni Stefany bago tumingin sa babae.

"Syempre, schoolmate namin eh" matabang na sagot ni Stefany. Pinigilan ko lang tumawa sa harapan ng babae dahil sa ekspresyon niya.

"G-Ganun ba?" nahihiyang tanong ng babae.

"Bakit? Jojowain mo?" walang kwentang tanong ni Stefany kaya patago akong napangisi.

"U-Um..." napaiwas ng tingin ang babae sa amin. Nagkatinginan ulit kami ni Stefany.

"Bakit nag-aalinlangan ka pa? Jowain mo na. Sigurado akong jojowain ka ng  baklang iyon," sagot ko bago ngumisi sa babae.

"B-Bakla siya?" hindi makapaniwalang tanong ng babae.

"Oo, kaya nga puro lalaki kasama eh. Hindi mo alam nagho-hokage moves na yan sa mga kasama niya," sagot ko habang naka-angat ang gilid ng aking labi.

"W-What?"

"Sige, puntahan mona si Jerson. Dalhin mo na din sa Unibersidad mo para masaya," pagtataboy ko sa babae. Nang umalis na ang babae sabay kaming napahagalpak ng tawa ni Stefany.

"Ano yun?" tanong ni Stefany sa gitna ng tawa namin.

"Ganti ko yun sa kanya dahil sa ginawa niya sa siko ko! Sigurado akong bukas lang ay bakla na ang tingin ng mga tao kay Jerson," napangisi ako habang nakatingin kay Jerson na walang kaalam-alam.

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now