11 : Fight
After what happened last night, I didn't saw Jerson until now.
"Infairness kinilig ako nung kumanta siya kagabi," saad ni Stefany habang umuupo sa tabi ko dito sa pool side habang nakalubog sa tubig ang aking mga paa.
Napairap lang ako at pinagmasdan ang sunset sa harapan namin.
Maganda ang pwesto namin ngayon dahil nakikita namin ang dagat pati na din ang papalubog na araw. Bukas na din ang balik namin sa school.
Silence engulfs the two of us while we're staring at the sunset.
I once wished that someday I'll watch the sunset and wait for the moon to rise and stars to appear with the one I love.
Like damn, that feeling when you're watching the nature with the one you love the most just beside you.
Kahit bitter ako kagaya ng sinasabi ng iba, mayroon pa din sa parte ko na umaasang sana maranasan ko ang tinatawag nilang 'love', ang pinakamasayang mararanasan ng tao habang nabubuhay siya.
I know that every happiness there's always a sadness. Hindi mo naman maco-consider na pagmamahalan ang nangyayari sa inyo kung walang nasasaktan.
And that's what I dread of.
Ayaw kong masaktan dahil lang sa tinatawag na 'love' na iyon.
But I know to myself that I always envy people who's inlove.
Yung feeling na mamumula ang pisngi mo sa tuwing titingnan ka ng taong mahal mo. Yung titingnan ka lang niya at ngingitian tapos dodoble nalang bigla yung bilis ng pagtibok ng puso mo dahil lang sa taong iyon.
At ang iyon ay gusto kong maranasan dahil kay Cadmus pero...
Sa ibang lalaki ko naranasan iyon.
At ang matindi ang lalaking iyon ay ang pinaka-ayaw ko na lalaki! Ang kabaligtaran ng 'love' ang nararamdaman ko sa lalaking iyon!
I suddenly remembered the way he smiled at me when I looked at him that night. I admit, I got stunned for a second because of his smile cause that's actually the first time he smiled at me and not grinning like a pervert or something.
"Andito lang pala kayo!" nawala ang atensyon ko sa iniisip ko ng biglang umupo sa kaliwang gilid ko si Reynan habang may dala-dala pineapple juice na nakalagay sa isang pineapple.
"Bakit?" tanong ni Stefany habang nakamasid kay Reynan na nakatingin sa may sunset.
"Wala kayo sa cabin niyo eh, sabihin ko lang sana na sabay sabay na tayo mamaya dun sa mini bar," saad ni Reynan, si Stefany naman ay napangiti ng maluwang.
"Yieee nakaka-excite naman," masayang saad ni Stefany bago tumayo kaya napatingala ako sa kanya.
"Tara magbihis na tayo Zia, sabi mo sasabayan moko sa mga susuotin ko ngayon," nakangising saad ni Stefany bago kinuha ang kamay ko para itayo ako.
"At ano nanaman ang susuotin niyo?" tanong ni Reynan na nakatingala na sa aming dalawa ni Stefany.
"Bakit? Gagaya ka?" walang kwenta kong tanong, kaya natawa si Reynan bago umiling at sumipsip sa straw ng pineapple juice niya.
"Sige puntahan mo nalang kami sa cabin," saad ni Stefany bago ako hinila papuntang cabin namin para magbihis.
"Last day na ito kaya magsaya na tayo lalo na't narinig ko na may nakahanda tayong thesis" napabusangot ako sa sinabi ni Stefany habang binubuksan niya ang pinto ng cabin namin.
Tama nga siya, nakaka-stress ang thesis namin kaya bago ako ma-stress dapat mag-relax muna ako habang nandito pa kami.
"Fine," sagot ko bago dumiretso sa mga gamit ko para kumuha ng pwede kong suotin sa gabing iyon.
I picked a black bikini top that would shape my chest properly, a white kimono cardigan and a high waisted denim shorts. I also tied my hair into a messy bun.
"Nice body," sumipol si Stefany habang nakaupo sa kama niya at tinitignan ako.
"Pinaghirapan ko pa toh," saad ko bago nag pose na parang model with matching seductive smile.
"Ay baka mamaya madiligan ka pagkarating natin dun," napaayos tuloy ako ng tayo bago umirap kay Stefany na tumatawa.
"No way," saad ko bago napalingon sa pinto dahil may kumakatok na doon.
"Si Reynan na yata yan-"
"Dalian niyo! Baka hindi tayo makakuha ng magandang pwesto!" sigaw ni Reynan kaya napatayo na si Stefany habang ako naman ay binuksan na ang pinto.
"Ngayon ko lang nakitang ganito ang suot ni Audenzia," saad ni Reynan kaya napairap ako sa kanya bago siya nilagpasan. Pagkatapos ay pumunta na kami sa mini bar.
"Kanta ka ulit mamaya Audenzia," saad ni Alwynnd habang sumisimsim ng mojito. Umirap lang ako bago uminom ng orange juice pagkatapos kong lumagok ng mojito.
Lahat kaming magkakaibigan ay narito maliban kay Jerson na mukhang hindi pumunta dito at baka napadpad na sa ibang planeta.
Mas mabuting wala siya dito baka mamaya mahampas ko pa itong bote ng alak sa ulo niya. Nasabi ko na din ba na kasama din namin sa trip na ito ang mga third years?
At sila ngayon ang naghahasik ng lagim sa mini stage.
"Ang sakit naman sa tenga nung boses nung isa," nakabusangot kong saad bago ulit lumagok ng mojito.
"Sino pala gusto mong kumanta? Si Jerson?" nakangising tanong ni Reynan dahilan para mapangiwi ako sa kanya.
"The hell? No way! Alam niyo namang siya ang pinaka-ayaw ko na lalaki," pairap kong sabi.
"Matalino nga, bobo naman sa pag-ibig..." rinig kong bulong ni Reynan bago uminom ng alak.
"GAGO KA AH-!" agad akong napatingin sa may bandang likuran namin at doon ko nakita ang dalawang lalaki na nakatayo at sinisigawan ang isang lalaki.
"Uy! Gago! Si Jerson yung sinisigawan!" sabay turo ni Stefany kay Jerson na magulo ang buhok at masama ang tingin sa dalawang lalaki na mukhang hindi taga-Roundell.
"Puta-!" agad na sinuntok ng isang lalaki si Jerson pero nakaiwas naman si Jerson bago sinuntok sa mukha yung lalaking sumuntok sa kanya.
"Tangina mo! Tarantado! Dapat lahat ng lalaking kagaya mo pinuputulan ng-" agad na nakalapit si Alwynnd at Reynan kay Jerson kaya hindi niya na nasuntok yung isang lalaki na tinutulungan ang kasama niyang nasuntok.
"Gago!" sigaw ulit ni Jerson habang papaalis yung dalawa, mukhang galit na galit pa siya habang pinapanood ang dalawa na umalis.
Tulala naman ako sa upuan ko habang pinapanood ang nangyayari, si Stefany naman sa tabi ko ay agad ding lumapit kay Jerson para pakalmahin.
"Mga gago yun!" sigaw ulit ni Jerson bago tinanggal ang kamay nila Alwynnd at Reynan na nakahawak sa kanya. Uminom ako sa mojito habang nakatingin sa kanya.
Natigilan ako ng magtama ang mga mata namin, medyo natulala pa ako ng mapansing parang hindi pamilyar sa akin yung nakikita ko sa kanyang mga mata.
Nag-iwas ako ng tingin bago suminghap.
Yan, sige makipag-away ka pa, kapag nalaman ng mga propesor natin to. Lagot ka.
YOU ARE READING
Your Smile Is A Trap (CRS #2)
Teen FictionCollege Romance Series #2 Audenzia Santiago, a girl who have everything. She got fame, money, beauty and brain. She's always on top until she meet Jerson Alforque the boy who got trapped by her smile and the one who'll always win against her. Writte...