04

743 36 16
                                    

04 : Too Far

"Next month na ang quiz bee niyo at sa Eastfar University gaganapin," paliwanag ni Mrs.Ramos habang nagliligpit ako ng gamit ko, dahil kakatapos lang ng practice namin.

"Eastfar? Ang layo naman ma'am," saad ni Stefany habang nasa may pintuan siya at hinihintay ako.

"Iyon ang napagdesisyunan eh," tugon ni ma'am bago ngumiti.

"Mauna na po kami," tumango si Mrs.Ramos kaya lumapit na ako kay Stefany.

"Zia, rinig ko madaming gwapo sa Eastfar." napairap ako dahil sa mga walang kwentang pinagsasabi niya. Ano naman pake ko kung maraming gwapo dun? Bigyan ko pa sila ng ampalaya eh.

"Uy! Stef! Dito na kayo kumain!" napalingon kami kay Reynan na nakaupo na kasama ang iba pa naming mga kaibigan. Nang makarating kami sa canteen.

"Sumali din ako dun sa Science kagaya ni Audenzia kaso wala, napili si Zia. Matalino eh," napangisi ako kay Reynan. Bukod kay Stefany, may iba pa kaming kaibigan kaso hindi namin masyadong nakakasama ni Stefany dahil busy na sa pag-aaral.

Ngayon na lang ulit kami nagkasama-sama. As usual maingay na naman ang mga kaibigan namin lalo na't nagsama-sama na kami.

"Sa Eastfar daw yung laban, ang layo nakakabagot nun yung biyahe," nakabusangot na saad ni Alywnnd habang umiinom ng gatas.

Masaya akong nakikinig sa kanila ng biglang may dumating na asungot. Nasabi ko na ba na kasama din sa grupo namin ang demonyong may ngisi sa kanyang labi ngayon habang papalapit sa amin?

"Yow! Clark!" bati ni Reynan bago nakipag-fist bump kay Jerson. I immediately frowns before shifting my gaze on my food in front of me.

"Hey, Jerson," bati pa ng ibang mga kaibigan namin at ako lang ang hindi bumati sa kanya. Bakit ko siya babatiin? Close ba kami? Ni hindi ko nga siya tanggap sa grupo namin eh.

"Lahat sila binati na ako, ikaw nalang ang hindi," nagtama ang tingin namin ni Jerson ng umupo siya sa katapat na upuan ko.

Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin pa. Napanguso naman siya dahil doon habang nakikinig at nakikisali din sa mga kaibigan namin. Jerson is my classmate since first year. Nung highschool, ako ang palaging nangunguna pero nung dumating ang lalaking iyon! Lagi nalang ako ang pangalawa.

Kahit anong gawin ko, siya pa din ang nangunguna. Like? Pati yata mga guro nilalandi niya? Kase isa siyang playboy at mainit ang dugo ko sa mga playboy na iyan.

Nagtiim bagang ako ng maalala ang umiiyak na mukha ng kapatid kong babae dahil lang naloko siya ng isang playboy. Ilang beses na akong nakakita ng mga umiiyak dahil lang sa mga playboy. And the guy in front of me is a playboy. And I really despises guys like them.

"You really hate me huh?" napatingin ako kay Jerson na nakapangalumbaba na habang nakatingin sa akin ang kanyang mga matang kulay brown.

Some girls says that this guy in front of me has the most beautiful brown eyes that everyone would want to stare at. At hindi ako sigurado kung totoo nga ba iyon.

"Pake mo?" pasinghal kong tanong sa kanya. Medyo sumeryoso ang mukha niya bago umayos ng upo. Pinanood ko siya habang nakataas ang isa kong kilay.

"Bakit? Hindi mo ba matanggap na ako na ang nangunguna?" panunuya niya kaya agad akong nairita.

"Oh come on Audenzia, it's been two years. Hindi mo pa din tanggap?" tanong niya.

"Paano ko matatanggap kung alam kong may iba kang dahilan kung bakit ka nangunguna?" saad ko habang nakaangat na ang gilid ng labi ko. Natahimik ang lahat ng nasa lamesa namin. Habang matalim ang mga mata ni Jerson na nakatingin sa akin.

At dahil doon mas lalong lumaki ang ngisi ko. Bakit Jerson? Totoo ba na pati mga guro nilalandi mo para lang sa tumaas ang grades mo?

Tila nakaramdam ng hindi magandang mangyayari ang mga kaibigan namin kaya agad kaming inawat.

"Woi! Mga gago. Nasa harap kayo ng pagkain," saway ni Reynan.

"What do you mean by that, Ms.Second place?" tumambad sa akin ang nakakaloko niyang ngisi habang nakatagilid pa ang ulo niya at nakatingin sa akin ang seryoso niyang mga mata.

"Akala mo hindi ako nagdududa sa mga matataas mong grades huh?" I smirked while Jerson look at me before biting his lower lip and letting out a chuckle.

"Bakit ka naman nagdududa?"

"Bakit kinakabahan ka na malaman ng iba ang dahilan kung bakit ang tataas ng grades mo?" natahimik siya bago umiling at nakangiting nag-angat ng tingin sa akin.

"Bakit naman ako kakabahan kung alam kong talino ko talaga ang may dahilan kung bakit ako nasa taas?" nagtiim bagang ako bago tumikhim.

This playboy is getting on my nerves.

"Mga friends, kumalma kayo" saad ni Eumon habang nakatingin lang sa phone niya at nakasuot pa ang headphones niya.

"Paano kung ayaw ko?" tanong ko habang nakatingin pa din kay Jerson.

"Hays. Tanggapin mo na kase ang katotohanan na hindi mo ako malalagpasan," ngayon ay nakasandal na si Jerson sa upuan niya at inilalandas ang kanyang kamay sa kanyang buhok.

"Baka inggit ka lang bhie? Remember ikaw pinakamatalinong babae sa buong second years kaya no need to worry-"

"At bakit naman ako maiinggit sa lalaking nilalandi lang ang mga guro para tumaas ang grades?" natahimik ulit ang mga tao sa lamesa namin habang matatalim ang titig ko kay Jerson na mukhang nagulat sa sinabi ko.

Bakit? Tama ba ang hinala ko? Ha? Clark Jerson Alforque?

"You don't know anything," seryosong sabi ni Jerson habang nakikipaglaban sa matatalim ko ding mga titig sa kanya.

"Oh you don't know anything too," saad ko.

"Don't accused that thing to me, kung hindi mo naman talaga alam kung totoo nga ba..." saad niya habang malalamig ang kanyang tingin sa akin. At wala na akong pakielam doon.

"Bakit hindi? You're a playboy," I shrugged while smiling mockingly at him.

"Just because I'm a playboy doesn't mean I can do that,"

"Playboy will always be a playboy," saad ko.

"I suggest you to stop." he said with finality in his voice. You can't order me Mr.Alforque.

"Bakit? Kase totoo?"

"It's not. If you keep insisting that it's true then I'm warning you. Hindi mo alam kung anong magagawa ko," saad niya habang nakangisi.

"Tsk! Playboy!"

"Just to remind you, playboys have hearts too," saad niya kaya napailing ako bago tumayo.

"Playboy my ass, I'll tell the principal that you're flirting with the teachers," saad ko bago nag-ambang umalis.

"I warned you.. " pagkasabi niya ng katagang iyon, inilabas niya ang isa niyang paa para harangan ang dinaraanan ko.

Ang bobo ko namang sarili ay hindi naka-react kaya diretso ako pababa at nauna ang siko ko.

Natahimik ang buong canteen dahil sa nangyari. Agad akong umupo sa sahig habang sapo ang aking siko na dumudugo na. Damn it!

"Zia!" agad lumapit sa akin si Stefany bago ako inalalayan ng mabuti para makatayo.

"Samahan na kita sa clinic-" pinigilan ko si Alwynnd sa binabalak niya.

"Ako nalang," saad ko at hindi na nag-abalang tumingin kay Jerson. Halos mangiyak-ngiyak akong naglakad palayo habang hawak-hawak ang siko ko.

Pota naman eh, dapat salita lang wala ng pisikalan. Huhu! Gaga ka kase eh self! Ginalit mo ang demonyo kaya ayan sa clinic punta mo.

"Jerson, you've gone too far"

"Sumobra ka na Clark," rinig kong saad ng mga kaibigan namin kay Jerson. Napasinghap ako.

Playboy have hearts daw? Ulol! Scam ang lalaking iyon! May heart ba ang gagawa nito?! Tsk! Mabaog sana siya at madaganan ng madaming ampalaya! Grr!

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now