30

700 31 15
                                    

Sa next chapter na po iyong POV ni Jerson!!! Thanks for reading!!!
______________
__________
_____
__

30 : Your Smile

"Oh toothpaste, para naman hindi masira iyang ngipin mo dahil sa mga sweets na binibigay sayo nung manliligaw mo," saad ni Stefany habang nilalahad sa akin ang toothpaste na may design na barbie.

"Masarap naman," saad ko bago uminom ng tubig matapos kong kainin yung egg tart na binigay ni Jerson.

"Kailan mo sasagutin yung hinayupak na yun? Naiinis na ako sa pangungulit niya sa akin na tanungin ka kung kelan mo daw siya sasagutin," ngumisi ako bago pumangalumbaba at tiningnan si Stefany.

"Sasabihin ko sayo kung kelan pero wag mo sasabihin sa kanya," saad ko, umayos naman ng upo si Stefany bago tumango.

"Mamaya," sagot ko bago umayos ng upo at uminom ulit ng tubig.

"Ah okay," saad niya bago tumango pero nanigas siya nung napagtanto niya ang sinabi ko.

"Ano?!" buti nalang at maingay sa canteen kaya walang nakakapansin sa sigaw niya.

"Gaga? Seryoso?!" tumango ako bago ngumiti na parang kinikilig.

Nung sinabi ko kila mama ko na nililigawan ako ni Jerson, grabe halos maiyak na siya tapos nabigla nalang kami nung dumating si Tita Madison sa bahay namin dahil daw gusto niyang bisitahin ang daughter in law niya.

Masyado naman yata silang advance. Ni hindi pa nga kami nakakapag-graduate at hindi ko pa din sinasagot nun si Jerson.

"Hi! Baby!" hindi na ako nagulat nung bigla akong yakapin ni Jerson mula sa likod, tumili naman ng mahina si Stefany.

"When kaya?" saad niya bago ngumuso.

"Miss!" napatingin kaming tatlo nila Stefany sa lalaking nasa likuran ni Stefany.

"Yes?" tanong ni Stefany. Inilahad naman ng lalaki ang wallet ni Stefany.

"Wallet mo nakalimutan mo sa counter," saad ng lalaki bago nginitian si Stefany at umalis.

Tiningnan ko naman si Stefany na mukhang nanigas na.

"Ehem!" saad ko bago ngumisi ng makahulugan kay Stefany.

"Baby, kelan mo ako sasagutin? I can't wait to call you mine," paglalambing ni Jerson.

"Hindi ko alam," iyon ang lagi kong sinasagot sa kanya kapag iyon ang tinatanong niya sa akin.

Hindi daw siya makapaghintay na maging kanya ako.

Eh di niya alam, simula nung nginitian niya ako. Sa kanya na ako.

"Sabagay, simula nung nginitian mo ako, akin ka na," saad niya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

Kailan ba ako ngumiti sa kanya?

"I miss your smile..." saad ni Jerson bago hinigpitan ang yakap niya sa akin.

"Umupo ka na nga lang, di ako makahinga," saad ko sa kanya kaya bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at dali-daling umupo sa tabi ko.

"Sorry, baby," saad niya bago ngumuso.

Diko akalain na clingy ang demonyong ito. But I like it anyways.

"Baby," simula nung ligawan niya ako, iyon na ang tawag niya sa akin. Nung una hindi pa ako sanay pero dahil medyo matagal na din siyang nanliligaw. Nasanay na ako.

"Oh?" tanong ko bago binuksan ang isang egg tart na binigay niya sa akin.

"I love you..." natigilan ako at matalim na tiningnan si Jerson na nakangiti sa akin habang nakatingin sa akin gamit ang mapupungay niyang mata.

Kahit gusto ko man siyang sagutin sa sinabi niya. Napagdesisyunan ko na mamaya ko nalang sabihin sa kanya.

Nae-excite tuloy ako sa magiging reaction niya kapag sinabi ko sa kanyang sinasagot ko na siya.

"Kumusta pala exams?" tanong ko sa kanya.

"First place," saad niya bago nag pogi sign. Napailing nalang ako bago ngumuso.

"Lagi ka nalang nangunguna," saad ko bago ngumuso.

"Baby, you're always first in my heart," saad niya na ikinapula ng pisngi ko.

"Baka nakakalimutan niyong may kasama pa kayo dito," sabay kaming napalingon ni Jerson kay Stefany na nakabusangot.

"Edi puntahan mo yung nagbalik ng wallet mo," saad ni Jerson kaya inirapan siya ni Stefany.

"Tsk! Magsama kayo," saad niya.

"Bigay mo toh kay Jerson mamayang uwian," saad ko kay Stefany bago inilahad ang isang papel kung saan may isinulat ako.

"Gege, support ako sa mga kalokohan mo," saad ni Stefany bago kinuha ang papel sa kamay ko. Napangisi ako bago itinuon ang atensyon sa discussion.

Nung matapos ang klase agad akong lumabas ng room ng hindi napapansin ni Jerson, nakasulat naman sa papel yung lugar kung saan ako pupunta eh.

Habang tumatakbo ako sa hallway bigla akong hinarang ni Cadmus at Dylan.

"Bakit?" nagtataka kong tanong sa kanilang dalawa.

"Makikibalita lang, hula ko sasagutin mo na si Jerson?" tanong ni Cadmus habang nakangisi.

Tumango naman ako dahilan para masuntok niya si Dylan sa braso nito.

"Ouch..." saad ni Dylan habang nakanguso kay Cadmus.

May nalaman ako kay Cadmus, kapag kinikilig siya sinusuntok niya si Dylan buti nalang at maganda ang katawan ni Dylan kaya hindi siya natutumba sa suntok ni Cadmus.

"Talaga?! Kung ganon ako ang unang magsasabi sayo ng congratulations," saad ni Cadmus kaya nagpasalamat ako.

"Ako ninang ng mga anak niyo," saad niya bago ako kinindatan. Napangiwi naman ako bago pinagpatuloy ang pagpunta sa rooftop kung saan ko sasabihin ang matamis na oo ko.

Medyo late kaming natapos ngayon dahil pinatapos pa ni ma'am yung reports ng group thesis namin.

Atsaka maganda ang view sa rooftop ng school namin kase, kitang-kita yung paglubog ng araw.

Narinig kong bumukas ang pinto sa rooftop kaya unti-unti akong lumingon kay Jerson na seryoso ang mga matang napatingin sa akin.

Seryoso din akong tumingin sa kanya.

"T-Totoo ba yung nakasulat sa papel na binigay mo?" hindi ako umimik at tiningnan lang siya.

"Totoo bang iiwan mo na ako-" hindi ko na napigilan kaya natawa na ako sa itsura niya.

Sinulat ko lang naman sa papel na iiwan ko siya kaya nung pumunta siya dito ay para siyang isang tuta na nawalan ng amo.

"Halika nga dito," sumunod naman siya sa sinabi ko.

"Oo," saad ko bago ngumiti sa kanya. Nakita kong nanigas siya sa kinatatayuan niya at gulat lang nakatingin sa akin.

"A-Ano?" tanong niya ulit.

"Sinasagot na kita," saad ko at sa isang iglap nakita ko nalang siyang nakayakap sa akin.

Nakapatong ang baba niya sa balikat ko at nakayakap sa akin na para bang kapag binitawan niya ako ay bigla nalang akong mawawala.

"I love you!" saad niya.

"I love you too," saad ko bago hinaplos ang buhok niya.

"Baby, you don't know how happy I am," saad niya.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at muli akong tiningnan. Nakangiti lang ako sa kanya habang nakaawang ang labi niya habang nakatingin pa din sa akin.

"Baby, your smile is a trap..." saad niya kaya mas lalong lumaki ang ngiti ko sa kanya.

"Thank you..." saad niya bago niya ako niyakap.

He hold me in his arms where I belong.

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now