10

581 30 28
                                    

10 : First time

"Dalian mo! Baka maunahan tayo ng iba sa magandang pwesto na nakita natin!" pasinghal kong sigaw kay Stefany habang nasa loob pa din siya ng banyo at hindi pa din tapos.

"Oo na! Oo na! Eto na!" sagot niya bago binuksan ang pinto. Napairap ako ng makita ang suot niya.

"Jusko, hindi naman tayo sa bar-"

"Eh! May mini bar diba?" tanong niya kaya napailing ako bago siya ulit pinasok sa loob ng banyo.

"Magpalit ka, bukas ka nalang magsuot ng ganyan. Sasabayan kita," lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Paano ba naman yung suot niya ay naka-bra siya at denim shorts.

Kakain lang kami tapos magsusuot siya ng ganun?

"Peram pala ng beach dress mo," saad niya kaya tumango ako at kumuha ng isa pang dala kong beach dress.

Mula sa malayo kita na namin ang banda na kumakanta sa may mini stage. Lalong na-excite etong katabi ko kaya halos iwan niya na ako para lang makapunta doon.

"Hoy! Hintayin mo ako!" sigaw ko sa kanya pero sa huli pinabayaan ko na lang siya dahil makakakuha siya sigurado ng pwesto na malapit sa mini stage.

"Ay! Puta-!"

"Nagulat ba kita? Sorry..." saad ng lalaking nagpapakilig sa akin. Emeged. Naalala ko, nandito din pala si Cadmus my loves.

"A-Ayos lang," saad ko bago naglakad habang nasa tabi ko lang siya. Napatingala ako dahil ang tangkad niya talaga.

"Naalala mo yung concert ng idol mo?" tanong niya bigla at hindi ko na namalayan na naglalakad na kami sa tabing dagat! Oh gosh! Swerte ko!

"Oo, pupunta nga ako eh. Kaso wala akong kasama," ayaw naman sumama ni Stefany dahil may gagawin pa daw siya sa araw ng concert ng mga idol ko. Kaya mag-isa ako at hindi iyon maganda dahil baka hindi na ako makauwi sa amin at sasama nalang ako sa mga idol ko-

"Gusto mo sabay tayo? Pupunta ako eh," gulat akong napatingin sa kanya.

Oh my gosh! Eto ba yung tinatawag nila na concert date?! Kase isang beses ko ng pinangarap na pumunta sa concert ng mga idol ko ang magiging jowa ko! Oh my gosh!

"S-Sige!" napangiti naman siya sa sagot ko bago ginulo ang aking buhok. Namula naman ako dahil sa ginawa niya.

"Good, so tara na? Mukhang gutom kana eh," yaya niya sa akin kaya tumango ako bago kami naglakad papunta kay Stefany na nakakuha ng magandang pwesto.

Kahit gutom ako, tumingin lang ako sa mukha ni Cadmus ay mabubusog na ako. Hihi.

"I swear to god, magiging akin din si Cadmus!" saad ko habang nakamasid kay Cadmus na kasama si Dylan at ang iba pa nilang kaklase na kumakain sa lamesa na medyo malayo sa amin.

"Dalawang taon mo na iyang sinasabi pero hanggang ngayon hindi pa din kayo," sabi ni Stefany sa matabang na boses kaya nakangiwi akong napatingin sa kanya.

"Alam mo, niyaya niya ako ng date, like yung concert date?" nabuga ni Stefany ang iniinom niya bago nanlalaki ang matang napatingin sa akin habang nakangisi ako sa kanya.

"Sa susunod niyan aayain na naman niya ako," napangiti ako habang si Stefany naman ay sinundot ang tagiliran ko bago ngumisi ng nakakaloko.

"Yieee, assumera siya," agad akong napatingin sa kanya na may blankong ekspresyon. Natawa naman siya sa biglaang pagpapalit ko ng ekspresyon.

Talent ba ang mabilis kong pagpapalit ng ekspresyon? Like from happy to blank expression.

"Let's welcome this boy, dahil nag-volunteer siyang kumanta para sa atin!"saad ng isang lalaki habang nasa mini stage siya. Nakatalikod ako sa stage dahil gusto ko na nakikita ko si Cadmus.

I don't care what they do
I just wanna be with you
And I don't mind all the times
We will fight just to get through

Yeah, cause all these empty faces
They got nothin on yours, they got nothin on yours, they got nothing on yours
All the brightest places, they turn dark when you're gone, they turn dark when you're gone, they turn dark when you're gone

You got that hometown smile
You got that look in your eyes
That says "oh everything will one day be alright"

You got that hometown smile
You got that look in your eyes
And I'll do anything just to keep you by my side

Kumunot ang noo ko sa pamilyar na boses na lagi kong naririnig at kinaiinisan.

The hell?

Agad akong lumingon at gulat ang matang napatingin kay Jerson na nasa mini stage at nakaupo sa isang upuan at nag-gigitara habang kumakanta.

"What the fuck..." I muttered a curse while watching Jerson at the mini stage.

"Go Jerson!" sigaw ng mga babae sa gilid namin. I rolled my eyes before looking away.

So feelings and heart isn't the only thing he knows how to play, cause he also knows how to play a guitar.

"Ayos ba?" tanong ni Jerson sa mga tao habang pumapalakpak ang mga ito. Nakatalikod lang ako habang sumisimsim ng pineapple shake.

"Bhie! Yung mortal enemy mo magaling palang mag-gitara," saad ni Stefany na may malaking ngiti.

Baka nga mas magaling pa ako sa kanyang mag-gitara eh. Napangisi ako sa naisip bago nagtaas ng kamay.

"Oh my gosh! Seryoso ka?" tanong ni Stefany kaya tumango ako at humarap sa lalaking leader yata ng banda na kumakanta dito.

"Yes miss? Kakantahan mo din ba kami?" tumango ako kaya napangiti ang lalaki. Naghiyawan naman ang ibang nakakakilala sa akin. Napunta naman ang tingin ko kay Jerson na nakayakap sa gitara niya habang namamanghang nakatingin sa akin.

Akala mo ikaw lang ang magaling ha.

He raised his one eyebrow at me, while I look away before grabbing the mic from the guy's hands.

Umakyat ako sa stage habang nakaupo pa din doon si Jerson sa may stool bar na mukhang kinuha pa doon sa mini bar.

"Anong kanta miss?" nakangising tanong ni Jerson gamit ang mic niya. Inirapan ko siya bago nagsalita.

"Peram ng gitara," nakanguso niyang binigay sa akin ang gitara bago siya pinaalis sa kinauupuan niya.

"Saakin muna ang stage na ito," saad ko kay Jerson kaya napailing siya bago bumaba ng mini stage. Napangiti ako bago umupo sa stool bar at nagsimulang mag-strum.

Sabi nila balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nung dumating ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli

Ang pag-asang nahanap ko
Sa iyong mga mata
At ang takot kong sakali mang
Ika'y mawawala

At ngayon nandyan kana
Hindi mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
Hindi paaasahin
Hindi ka sasaktan
Mula noon, hanggang ngayon
Ikaw at ako

Napatingin ako kay Cadmus na nakikipagtawanan sa kanyang mga kasamahan.

Hoy! Cad! Tingin ka dito! Panoorin mo ako! Para sayo tong kantang ito!

Kakantahin kona sana ang susunod na linya pero may nauna na sa aking kumanta niyon.

What the hell?

At sa wakas
Ay nahanap ko na rin
Ang aking tanging hinihiling
Pangako sayo
Na ika'y uunahin
At hindi naitatangi

Patuloy lang ako sa pagtugtog ng gitara habang hinahanap kung sino ang kumakanta. Malalim ang boses niya at parang nakikiliti ang tiyan ko dahil sa ganda ng boses ng lalaking nang-agaw ng linya ko.

Natigil ang mga mata ko kay Jerson napansin ko siyang nakahawak sa mic at kumakanta. Napansin niya yata na alam ko nang siya ang kumakanta kaya ngumiti siya.

And for the first time, tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa isang lalaki.

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now