27

516 25 0
                                    

27 : Exams

"Bhie! Nakakakaba!" saad ni Stefany habang inaayos namin ang mga upuan namin.

Kailangan hiwa-hiwalay ang mga upuan namin para iwas kopyahan.

"Sino ba namang hindi kakabahan kapag may exam?" tanong ko bago umupo sa upuan ko matapos kong ayusin ito.

"Ikaw..." sagot ni Stefany bago umupo, napairap nalang ako bago nilabas ang mga dapat kong i-review. Lalo na't kailangan kong manguna.

Biglang natahimik ang mga kaklase ko nung biglang pumasok si ma'am na siyang mag-ha-handle sa amin.

"Buti naman at naayos niyo na ang mga upuan niyo, ready na ba kayo?"

"Ma'am! Five minutes review!"

"Dapat ten minutes review!"

"Mag-re-review pa kayo? Alam ko namang kayang-kaya niyo ang exams," saad ni ma'am habang nakangiti sa amin.

"Si ma'am nambola pa," saad ng isa kong kaklase.

"Sige, five minutes review tapos diretso exams na tayo," saad ni ma'am kaya nagpasalamat naman ang mga kaklase ko bago nag-review.

Nag-review na din ako kahit mabilisang pagbasa ang ginawa ko dahil kagabi naman ay nakapag-review ako.

Hanggang sa matapos ang limang minuto, kanya kanyang kuha ng mga ballpen ang mga kaklase ko.

"Okay class pass the papers backwards," saad ni ma'am at noong binigay ko na ang test paper sa kaklase ko na nakaupo sa likuran ko, napunta ang mata ko sa pwesto ni Jerson.

Wala siya sa pwesto niya kahit nag-eexam na kami!

Agad akong humarap kay ma'am at itataas ko na sana ang kamay ko nung biglang naunahan ako ni Stefany.

"Ma'am! Wala pa po si Jerson!" sabi ni Stefany kaya tumahimik nalang ako at isinulat ang pangalan ko sa test paper.

"Si Jerson? Diba lagi namang pumapasok iyon kapag may exams?" tanong ni ma'am kaya tumango ang ibang kong mga kaklase.

"Sige na, magsagot na kayo, baka hindi lang siya maagang nagising," saad ni ma'am kaya itinuon ko nalang ang atensyon ko sa exams.

Hanggang sa matapos ang exams namin, walang Jerson na nagpakita.

"Alam niyo ba kung nasaan si Jerson?" tanong ni Stefany kila Reynan nung nasa canteen na kami at kumakain.

"Hindi," sagot ni Alwynnd habang nakatutok sa phone niya.

Natahimik ang lahat sa lamesa namin nung biglang lumapit si Cadmus sa akin at nilapag ang strawberry milk sa tapat ko bago umalis ng walang sinasabi.

Nakatingin lang ako sa strawberry milk na binigay ni Cadmus at may notes pa na nakadikit sa strawberry milk.

"Sana natatandaan mo pa ang sinabi ko kagabi..." iyon ang nakasulat sa notes na nakadikit sa strawberry milk na binigay sa akin ni Cadmus.

Bumaling ako sa direksyon ni Cadmus at nakita siyang naka-thumbs up kaya tumango ako para ipaalam na naalala ko lahat ng sinabi niya kagabi.

Kahit ni-reject ako ni Cadmus, naging magkaibigan pa din kami. At nagpapasalamat ako dahil komportable siya na sabihin sa akin ang sikreto nila ni Dylan.

"Ang hirap nung tanong sa number 8 dun sa Science," saad ni Reynan habang nakanguso.

"Ano bang tanong?" tanong ko.

"Hindi ko na maalala eh," napakamot nalang sa ulo si Reynan.

"Kapag pasado tayo lahat, mag-pa-pa-party ako," saad ni Stefany bago sumisimsim sa orange juice niya.

"Sana all may perang pang-party," saad ko bago binuksan ang strawberry milk na binigay sa akin ni Cadmus.

"Ay! Oo nga pala!" biglang inabot sa akin ni Reynan ang isang balot na naman ng pastillas.

"Oh? Thanks," saad ko bago kinuha ang pastillas.

"Saan ka nakakabili neto? Ang sarap eh, tamang-tama lang sa panlasa ko," saad ko bago nginitian si Reynan. Nagkibit balikat lang si Reynan.

"Okay you may start answering now," saad ni ma'am kaya nagsagot na kami. Hanggang ngayon wala pa ding Jerson na nagpapakita para magsagot ng exams.

This is the first time he didn't take an exams. At ngayon palang alam ko na kung sino ang mangunguna.

Let's just hope he'll attend school tomorrow.

Ng matapos ang exams namin, agad na kaming pinauwi para makapag pahinga pero hindi kami dumiretso ng uwi ni Stefany. Pumunta muna kami sa fishball-an.

"Matanong nga kita," nabaling ang atensyon ko kay Stefany nung bigla niyang akong kausapin.

"Gusto mo ba si Jerson o hindi?" tanong niya kaya medyo nanigas pa ako sa kinatatayuan ko.

"Huy! Oo at hindi lang ang pagpipilian mo," saad ni Stefany bago iwinagayway ang kamay niya sa mukha ko.

"Basta!" saad ko bago uminom ng palamig at hindi nalang pinansin si Stefany.

"Huy! Sige na! Sabihin mo sakin bakit ni-reject mo si Jerson?" pangungulit niya pa din sa akin.

"Kase playboy siya..." sagot ko kaya natigilan si Stefany at nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin.

"Ano?! Yun lang?!" tumango ako.

"Sigurado ka bang hanggang ngayon ay playboy pa din siya?!" hindi ako nakasagot.

"Hindi ko na nga siya nakikitang may kalandian sa harap ng gate tuwing umaga eh at napapansin mo din bang palagi na din siyang pumapasok?!" tumango nalang ako.

"Gaga! Totoo nararamdaman nun para sayo! Sinasabi ko sayo, playboys have hearts too! Kaya amin-amin din pag may time, baka mamaya nakahanap na pala ng iba," agad kong tiningnan ng masama si Stefany dahil medyo nasaktan ako sa huling sinabi niya.

No! Hindi! Hindi siya pwedeng makahanap ng iba hangga't hindi niya nalalaman ang totoo kong nararamdaman para sa kanya!

"Oh? Ano? Alam mo na ang isasagot mo sa tanong ko?" bumaling ako kay Stefany na nakangiti ng maluwang.

"Oo o hindi?"

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sumagot.

"Oo..." agad na napa-palakpak si Stefany kaya may napapatingin sa amin na ibang estudyante na nandoon din sa fishball-an.

"Uy! Audenzia! Congrats!" napunta ang atensyon naming dalawa ni Stefany sa isang ka-schoolmate namin na second year din.

"What do you mean?" tanong ko sa kanya.

"Nandoon na yung mga scores sa exams at nangunguna ka," sagot nung lalaki kaya nagkatinginan kami ni Stefany.

"So? Ngayon alam mo na kung anong ihihiling mo kay Jerson? Ms. Firstplace?" napangiti ako sa sinabi ni Stefany bago tumango.

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now