Wakas

968 42 21
                                    

Salamat sa pagbasa! Narating mo na ang pinakahuling chapter! Enjoy reading!
____________
________
_____
__

Wakas : Untold Part of Jerson Alforque

Alam kong hindi ako matino pagdating sa mga kilos, pananamit at salita ko pero sigurado naman akong matino ako pagdating sa pag-aaral ko. Dahil iyon lang naman ang tanging bagay na mag-aangat sa akin pagdating ng panahon.

Nakatatlong lipat ako ng Unibersidad pero sa Roundell University lang pala ang bagsak ko. At doon sa Unibersidad na iyon, nakilala ko ang babaeng may pinakamagandang ngiti.

I suddenly remembered when I rudely entered the room while our teacher's talking. First day ko nun sa Roundell. Gulat na gulat pa nga ang mga reaksyon ng mga kaklase ko nun nung pumasok ako ng walang pakielam sa loob ng room na iyon.

At ako naman ang nagulat nung nginitian ako ng napakagandang babae na may napakagandang ngiti.

And that day, for the very first time. My heart beats faster because of a girl! Imagine? Nginitian lang ako tapos etong puso ko naghuhuramentado na. Tangina.

And all I think about that day is, this girl just trapped me with her smile without even knowing it.

Her smile is a trap. And she trapped me without knowing or noticing it. Nakulong ako at hindi ko na alam kung paano pa ako makakawala. Damn it!

Months later, we became rivals when it comes to academics.

Wala naman talagang nangyari sa aming dalawa nung gabing iyon. Napag-isipan ko lang siyang biruin nun. Diko nga expect na mas lalo niya akong kamumuhian dahil doon. Akala ko naman magbabago na ang pagtrato niya sa akin.

I also know that many girls want me. Gusto lang naman nila sa akin ay ang mukha ko at katawan ko. Ang mga babae na mismo ang nagbibigay sa akin ng kanilang mga sarili at halos mag-away away sila dahil gusto nila ako. But not this girl.

Natawa ako ng bahagya ng makita ko ang nakabusangot na mukha ni Audenzia, habang nakatingin sa listahan ng Dean's list.

Hula ko, ako na naman ang nangunguna?

Napailing ako bago ulit siya pinagmasdan at nilapitan.

She hates me. Iyon ang napansin ko simula ng nagsimula na akong ganahan mag-aral dahil sa kanya. Kaya ko lang naman siya nalalagpasan eh kase siya ang inspirasyon ko eh. Yieee!

But damn, kung dahil lang matalino ako kaya ayaw niya sa akin edi handa akong maging bobo para sa kanya, but if I did that, there's a possibility na hindi niya na ako muling papansinin dahil nalagpasan niya na ako.

Minsan iniisip ko kung bakit ayaw niya sa akin, hindi naman sapat na nalalagpasan ko siya pagdating sa katalinuhan kaya niya ako kinasusuklaman.

Gwapo naman ako, matalino, madaming babae ang nangangarap sa akin at madami ding lalaki ang gustong maging kagaya ko. Almost perfect na nga ako pero bakit ayaw niya pa din sa akin?

Nung nagpa-party pala si Samantha na kaklase namin, pumunta ako pero hindi ko akalain na pupunta si Audenzia.

May kasama na akong dalawang babae pero bigla akong nawalan ng gana at gusto ko nalang puntahan si Audenzia na nakaupo sa isang stool. 

Mukhang mas masaya ako kapag siya ang kausap at iniinis ko eh.

"Hi, Ms. Secondplace," pero first place sa puso ko. Yieeee!

"What are you doing here?" tanong niya sa akin. Medyo lasing na ako pero nakakapag-isip pa naman ako ng maayos.

Ang ganda naman ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Kailan kaya siya magiging akin?

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now