17

496 24 14
                                    

17 : Concert

"Anak! May bisita ka!" napaangat ako kay mama habang tinatali ko ang sapatos ko.

I wore an black pleated skirt with white shirt and a black high top converse.

"It's probably Cadmus..." saad ko bago kinuha ang mga dadalhin kong gamit na hindi naman masyadong marami at mabigat.

"Bye ma! pa! Hanggang gabi lang ako,"  paalam ko kila mama bago lumabas.

Napangiti ako ng makita si Cadmus na nakasandal sa kotse niya. Natawa pa ako ng makita ang suot niyang damit na may mukha ng isa sa mga myembro ng aming mga idolo.

"Nice shirt," saad ko kaya napatawa siya. Sumakay na kami sa kotse niya at masasabi ko na ang car ride namin mula sa bahay hanggang sa venue ng concert ay masaya!

Sa buong byahe nagpapatugtog kami ng mga kanta ng mga idolo namin tapos kakanta kami at wala kaming pake kung marinig kami ng ibang mga tao.

Napatingin ako kay Cadmus na abala sa pagbili ng mga merchandise sa labas ng venue ng concert.

I wonder if we became a couple, pupunta ba kami sa bawat concerts ng mga paborito naming mga idols?

If that's the case then I'm willing to be his girlfriend.

I suddenly remembered the day I overheard a girl crying because Cadmus rejected her confession. Nasa isang cubicle nun ako ng biglang pumasok ang dalawang babae tapos yung isa ay umiiyak.

"Hayaan mo na, madami pang iba diyan. Hindi lang si Cadmus ang lalaki sa mundo," rinig kong saad ng babae habang nasa loob pa din ako ng cubicle.

"Pero siya talaga gusto ko eh!"

"Gusto niya yata si Audenzia kaya ka niya ni-reject, kung ako sayo maghanap ka na ng iba," napatakip ako ng bibig dahil sa narinig.

Ako? Gusto ni Cadmus? Shet! Ang ganda ko kase eh!

Napangiti ako ng makitang masayang-masaya si Cadmus dahil sa merchandise na nabili niya.

I looked at my wrist watch before looking at Cadmus.

"Malapit na ang oras na pwede na tayong pumasok," paalala ko kay Cadmus kaya tumango siya at hinila ako papunta sa entrance ng arena kung saan magaganap ang concert.

"Sige na! Pumasok na tayo!" napalingon ako sa babaeng may kasamang lalaki at mukhang kinukulit niya pa ang lalaki na pumasok na sa loob ng arena.

"Audenzia, itaas natin toh mamaya," nawala ang atensyon ko kay Cadmus ng makita kung sino ang lalaking kinukulit ng maingay na babae na pumasok sa arena.

"Harvey?" hindi ko namalayan na nasabi ko ang pangalan ng naging kaibigan ko sa Eastfar noong last na laban namin sa Eastfar.

"A-Audenzia?" malalaki ang mata niyang napatingin sa akin. Nginitian ko siya at kinawayan, napangiti naman siya pabalik dahilan para malipat sa akin ang atensyon ng babaeng kausap niya.

"Sino ka?" tanong nung babae sa akin. Agad namang napataas ang isa kong kilay dahil sa biglang pagbabago ng boses ng babae.

"Hindi siya sinuka, inire siya. Let's go Zia, baka mahirapan pa tayong pumasok kapag hindi pa tayo pumasok ngayon," natulala ako sa sinabi ni Cadmus kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na hilahin ako palayo kay Harvey at sa babae.

"Bye!" kaway ko kay Harvey, kumaway naman siya pabalik bago ulit siya kinulit ng babaeng kasama niya.

Infairness ha, ang kulit ng girlfriend niya.

"Who's that?" tanong ni Cadmus kaya napatingin ako sa kanya.

"Nakilala ko lang sa Eastfar nun, nung nakipaglaban kami," nagpatangu-tango naman si Cadmus bago kami pumunta sa pwesto namin sa loob ng arena. Buti nalang at parehas na VIP ticket at standing ang kinuha namin kaya hindi kami magkahiwalay.

Many minutes later, unti-unti ng napupuno ang arena. At nung biglang may sumabog na confetti, doon na nagsimula ang concert.

Halos mawalan ako ng boses kakasigaw sa pangalan ng idol ko! Tapos si Cadmus sa tabi ko ay parang mas malakas pang tumili kesa sa akin and I find it cute.

"Gosh, that's tiring. Buti nalang wala kaming practice bukas," saad ni Cadmus habang papunta na kami sa kotse niya, matapos naming kumain pagkatapos ng concert.

I admit, it was one of the best concert I've ever been!

"Sana sa susunod na concert, ikaw ulit ang kasama ko," napatingin ako kay Cadmus dahil sa sinabi niya. Napangiti ako bago pumasok sa passenger seat ng kotse niya.

Agad na nawala ang ngiti ko pagkasara ko sa pinto ng kotse. Bakit hindi man lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Cadmus?

Nakakakilig ang sinabi niya at matagal ko din iyong pinangarap na marinig mula sa bibig niya. Pero bakit ngayong nasabi niya na, akala ko bibilis ang tibok ng puso ko kagaya nung nakita kong ngumiti sa akin si Jerson.

Punyawa, bakit ko ba iniisip ang kumag na iyon?

Buong byahe tahimik lang kaming dalawa ni Cadmus dahil halos mawalan kami ng boses kakasigaw kanina.

"Ingat," saad ko bago ko sinara ang pintuan ng kotse ni Cadmus ng makarating kami sa bahay. Bumusina siya bago pinaandar palayo ang kotse niya.

Pinanood ko palayo ang kotse niya hanggang sa matakpan na ito ng dilim.

"So you're with him, huh?" agad akong napalingon sa likuran ko dahil sa pamilyar na amoy ng pabango at boses ng lalaki na nasa likuran ko ngayon.

"What the hell-" biglang bumilis ang tibok ng puso ko nga makita ko si Jerson na nakatingin sa akin ng seryoso habang nakapamulsa sa black jeans niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko bago sumilip sa likuran niya kung nasaan ang pinto ng bahay namin.

"Kasama ko sila mama at papa," sagot ni Jerson pero seryoso pa din ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Saan ka galing?" tanong niya bigla. Napatingin ako sa kanya bago tumikhim.

Why the fuck my heart's beating so fast?!

Is this a sign that Jerson is a devil if my heart beats fast? Lmao, what did you just said Audenzia?

"Basta!" pasinghal kong sagot sa kanya.

"That's the guy you like, right?" napatingin ako sa kanya ng marinig ang seryoso niyang tanong. What the hell is his problem?

Kunti nalang talaga aakalain ko na may gusto sa akin ang ungas na ito. But I know he hates me.

Napatigil ako sa pag-iisip ng bigla siyang humagalpak ng tawa. Ang tawang para bang nanunukso.

Nakangising bumaling siya sa akin bago ako tiningnan ng diretso sa mga mata. Nanlaki ang mga mata ko ng unti-unti siyang lumapit sa mukha ko at halos lagutan ako ng hininga ng maramdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko.

Puta-

"I wonder how would he react if I told him about that night," napatigil ako dahil sa binulong niya sa akin.

"The night that you've forgot," agad ko siyang tinulak palayo sa akin. Nanlilisik ang mga mata kong tumingin kay Jerson na nakangisi.

"Anong kaya maiisip niya nun-" agad ko siyang ginawaran ng sampal sa kanan niyang pisngi. Nawala naman ang ngisi niya at seryosong napatingin sa akin.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

"Don't you dare mention that night," saad ko sa kanya.

Kung ano man ang pinagsisisihan ko ngayon. Yun ay iyong gabing iyon na hindi ko naman matandaan at ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon kahit galit ako sa kanya.

Dammit! Audenzia! Don't tell me you're falling for this playboy!

"You've gone too far," sa malamig na boses kong saad bago siya nilagpasan para pumasok sa loob ng bahay namin. Sinadya kong bungguin ang balikat niya bago pumasok sa loob.

Kainis talaga ang lalaking iyon! Hinding-hindi talaga ako magkakagusto sa lalaking iyon!

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now