16

534 25 13
                                    

16 : Jerson

"Next, Audenzia and Jerson" napalingon ako kay Jerson na tumayo na habang dala-dala ang laptop na gagamitin namin para sa report.

Tinanguan niya ako kaya tumayo na ako at pumunta na sa harapan. After we went to tita Madison's flower farm we decided to research individually.

Hanggang sa natapos namin ang thesis at buti nalang ay nakisama ang kumag na si Jerson kaya maayos ang naging thesis namin.

"Go Audenzia!!! Wohooooo!" sinamaan ko ng tingin si Stefany dahil sa pagsigaw niya. Walang hiya talaga ang babaeng iyon!

Ako ang nag-report at buti nalang ay sanay na akong mag-report kaya sa tingin ko mas naging maayos ang kinalabasan ng lahat ng ginawa namin. Well, thanks to myself.

"I'll announce the grades now," saad ng propesor namin pagkatapos naming lahat na mag-report ng thesis namin.

"Audenzia and Jerson, A+" agad akong napatingin kay Jerson na nakatingin na sa akin. Nag-thumbs up siya kaya ngumiti ako bago humarap sa harapan.

"Yieee! Sana all!" saad ni Stefany habang nag-aayos na ng mga gamit dahil uwian na namin at bukas na din ang concert!

"Diba bukas na yung concert?" tumango ako kay Stefany habang papalabas na kami ng room.

"Sino kasama mo? Nakalimutan ko eh," napabusangot ako kay Stefany.

"Si Cadmus!" saad ko bago napunta ang aking tingin kay Jerson na nakasandal sa pader sa labas ng room namin.

Nag-iwas agad ako ng tingin ng nagtama ang aming tingin.

Shit!

"Anyare sayo? Bakit bigla kang namula?"

"H-Ha? A-Ako? Namumula?" nakaturo pa ako sa sarili ko habang nagtatanong kay Stefany.

"Oo! Like ngayon lang kita nakitang ganito!" parang tuwang-tuwa pa ang isang ito habang naglalakad na kami palabas ng building ng mga second years.

"W-What?!"

"Kinikilig ka siguro!" agad akong napangiwi kay Stefany bago siya nilayuan.

"Sino kaya iniisip mo," saad niya habang nakangisi ng nakakaloko.

"Si C-Cadmus! Ang iniisip ko!"

"Ako?"

"Ay! Anak ng tupa!" agad akong napalingon sa likuran ko at nakita si Cadmus na kasama si Dylan na ka-team niya sa basketball.

Naka-jersey pa siya at mukhang kakagaling lang sa practice match nila laban sa kabilang school na malapit sa Roundell Univ.

"H-Hi!" bati ko bago kumaway sa kanila. Ngumiti naman si Dylan at si Cadmus.

"I'll just talk to her," saad ni Cadmus kay Dylan at Stefany bago hinawakan ang pala-pulsuhan ko at hinila ako papunta sa tabi ng isang puno sa tapat ng main building.

"Napano?" tanong ko ng medyo nahimasmasan na, dahil kinausap ako ni Cadmus na crush ko!

"Pwede ba kitang ihatid?" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Ako? Ihahatid mo?" tumango siya kaya ngumiti ako bago tumango. Syempre di na ako maglalakad ngayon pauwi.

"Magpapalit lang ako ng damit, can you wait here?" tanong ni Cadmus kaya tumango ako.

"Sige, wait for me," saad niya bago tumakbo pabalik kay Dylan.

"Una na ako!" tumango lang ako at kumaway kay Stefany na papalabas na ng gate. Nilapag ko muna ang bag ko sa lupa bago nilibot ang aking paningin.

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now