22

528 27 15
                                    

Hindi ko sure kung may iba pa bang interesadong basahin ang stories ko maliban sa bestfriend ko, pero sana someday maging successful ang series na ito!
______________
__________
______
__

22 : The Real Jerk

"Sigurado ka ba?" tumango ako kay Stefany habang nakasandal siya sa door frame ng kwarto ko habang nakatingin sa akin na nagtatali ng sintas ng sapatos ko.

"Hintayin kita sa Starbucks," tumango ako kay Stefany bago umayos ng tayo.

"Para talagang totoo yung sinasabi nila Reynan na kaya na-kick out si Jerson nung highschool at nag home school nalang ay dahil kay Art na yun," tiningnan ko si Stefany bago ngumisi na pinagtakhan niya.

"Bakit ka ngumingisi diyan?" kunot ang noo niya habang nagtatanong sa akin.

"Kaya nga pupunta ako sa walang kwentang date namin ni Art ay para tigilan niya na ang paglapit sa akin at para kumpirmahin ko na din kung totoo bang siya ang dahilan kung bakit na homeschool si Jerson," namangha naman si Stefany sa sinabi ko kaya napa-palakpak na siya.

"Minsan talaga proud ako na naging kaibigan kita," blankong ekspresyon lang ang ipinakita ko kay Stefany.

"You know what? Pumunta ka na ng mall at hintayin mo nalang ako sa Starbucks," sumaludo muna sa akin si Stefany bago umalis at pumunta na sa mall.

"Ma! Pa! Alis na muna ako!" biglang lumabas si Mama mula sa kusina at may hawak pang sandok.

"Mag-da-date kayo ni Jerson?" maligayang tanong ni mama dahilan para mapabusangot ako.

"No way! I'd rather date our refrigerator!" singhal ko dahilan para mapanguso naman si mama.

"Bakit naman? Mabait na bata naman si Jerson ah?"

Tsk! Mabait daw? Scam din itong si mama eh.

"Basta. Kahit kailan hindi magiging kami," sagot ko.

Playboy si Jerson, kaya nga hindi ko hahayaang tuluyang mahulog ang loob ko sa lalaking iyon!

Playboy will always be a Playboy.

"Hindi ko nga alam bakit ayaw mo sa kanya eh," saad ni mama.

"Oh? Saan ka pupunta?" biglang singit ni papa na nakapang-bahay lang. Buti pa si papa may pahinga sa trabaho niya.

"Sa mall po," sagot ko kay papa.

"Bakit hindi kayo sabay ni Stefany?" tanong ni mama.

"Nauna na po siya, atsaka hindi po ako pupunta ng date dahil kasama ko naman si Stefany," saad ko sa kanila.

"Sige na po! Alis na ako! Bye! Ma! Pa!" tumango lang sila mama at papa pero bago ko pa tuluyang masara ang pinto, narinig ko pa ang sinabi ni papa kay mama.

"Pero sa totoo lang, boto ako kay Jerson. Boto ako sa batang iyon para kay Audenzia," agad kong sinara ang pinto at padabog na naglakad palabas ng gate namin.

Powta naman eh! Kapag pinagtambal pa kami ni Jerson baka tuluyan na akong magkagusto sa kanya! Eh hindi ko nga alam bakit ako nagkakaganito! Bakit kase kailangan niya pang ngumiti sa akin ng ganun ka gwapo?!

Inirapan ko lang ang hangin bago naglakad para makahanap ng taxi papunta sa destinasyon kung saan kami magkikita ni Art.

"Thank you..." saad ko sa driver dahil mura lang ang pinabayad niyang pamasahe. Ang ganda daw kase ng smile ko kaya naging maayos ang pagmamaneho niya.

"Audenzia!" napalingon ako sa tumawag sa akin at doon ko nakita si Art. I admit, Art is good looking too. Pero mas gwapo pa din si Jerson. Ay hindi! Si Cadmus pala yung gwapo! Ay! Hindi ulit! Baka masuntok ako ni Dylan!

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now