26

513 25 10
                                    

26 : Hate

"Bhie, bakit parang may eyebags ka?" pambungad na tanong sa akin ni Stefany pagkaupo ko sa pwesto ko.

"Tapos medyo namamaga pa iyang mata mo?" hindi ko nalang pinansin si Stefany. Kahit medyo lasing na ako kagabi, natatandaan ko pa din lahat ng sinabi sa akin ni Cadmus.

Napa-angat ako ng tingin ng makita kong pumasok si Jerson sa room at dire-diretso lang siyang naglakad papunta sa upuan niya.

Ni hindi niya nagawang tapunan ng tingin ang direksyon ko. Well, bakit naman niya ako titingnan?

Napangiti ako ng mapait bago kinuha ang notes ko para mag-review ulit lalo na't malapit na ang exams namin.

Pero pilit na bumabagabag sa isipan ko ang pinakahuling sinabi sa akin ni Cadmus, kagabi.

"Kaya bago pa mahuli ang lahat, umamin ka sa kanya at sabihin ang totoo mong nararamdaman dahil kung hindi, lubos kang magsisisi,"

Sabihin ang totoo kong nararamdaman? Kay Jerson?

Napalingon ako kay Jerson, nanlaki ang mata ko nung magtama ang mga tingin namin kaya dali-dali akong nag-iwas ng tingin.

Paano ko siya makakausap kung iniiwasan niya ako? Paano ko masasabi ang totoo kong nararamdaman kung hindi naman ako siguradong maniniwala pa siya sa sasabihin ko kagaya nung hindi ko paniniwala sa kanya nung sabihin niya may mahal niya ako?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng maalala ang pinakahuling sinabi sa akin ni Jerson.

"I'm inlove with you..."

Ang katagang iyon na kailangan ng lakas ng loob bago masabi ay hindi ko pinaniwalaan? Kung mahal niya nga talaga ako, sigurado akong medyo nahirapan siyang aminin sa akin iyon tapos sa huli hindi ko siya paniniwalaan?

"Audenzia? Ayos ka lang?" napaigtad ako ng bigla akong kalabitin ni Stefany.

"O-Oo" sagot ko bago nag-iwas ng tingin at nag-review nalang.

Dumating ang oras ng recess pero wala pa ding nagbago, iniiwasan pa din niya ako. Kaya naghahanap ako ng tiyempo kung paano siya kakausapin.

Nasa hallway ako ngayon papunta ng canteen, hindi ko kasama si Stefany dahil nauna na siyang pumunta sa canteen dahil pinauna ko.

Medyo unti lang ang tao sa hallway dahil nasa canteen na halos ang lahat.

Hahakbang na sana ako ng biglang may humawak sa pala-pulsuhan ko. Nanlaki ang mata ko ng bigla akong tinulak ni Art sa pader.

"Akala mo hindi pa ako tapos sayo? Matapos nung ginawa ng jowa mo?" hindi ko siya sinagot at yumuko nalang.

"Hoy! Tinatanong kita!" hinawakan niya ang baba ko kaya agad-agad ko iyong tinampal.

"Don't touch me!" pagbabanta ko sa kanya, natawa lang siya bago inilapit ang kanyang mukha sa akin.

Agad kong sinampal si Art kaya natahimik ang dalawa niyang kasama. Agad ko siyang tinulak pero agad niyang nahawakan ang braso ko at itinulak sa pader.

Napangiwi ako sa impact ng pagkakatulak sa akin ni Art.

"Akala mo makakawala ka?" nakangising tanong ni Art napatigil siya nung dumaan si Jerson sa likuran niya.

Tiningnan ko si Jerson pero nakatingin lang sa akin ang walang emosyon na mga mata niya.

"Oh the boyfriend is here-" hindi na natapos ni Art ang sinasabi niya nung biglang naglakad palayo si Jerson na parang wala mang nakita.

"Nasasaktan ka ba dahil hindi ka niya niligtas?" naramdaman ko nalang ang luha ko na nag-uunahang lumabas sa mga mata ko.

Diko alam na ganito pala kasakit ang makitang papalayo ang mahal mo.

"So, totoo pala yung usap-usapan na ni-reject mo ang lalaking iyon? Sabi sayo hindi kayo bagay eh-" agad kong tinulak si Art at akmang susuntukin siya.

"Audenzia!" napalingon ako kay Stefany na kasama si Alwynnd at Reynan na agad na lumapit sa akin.

"Gago ka ah!" susugurin na sana ni Reynan sila Art pero agad ding umalis sila Art.

Napasalampak nalang ako sa sahig dahil nanghihina na ako.

"He hates me now..." wala sa sariling sabi ko. Bago tuluyang hinayaan ang sarili kong umiyak.

Sabi ko sa sarili ko, hinding-hindi ako iiyak dahil sa isang lalaki. Pero ngayon, iiyak-iyak ako?

"Punta muna tayo sa clinic para makapag pahinga ka," saad ni Alywnnd bago ako inalalayan tumayo dahil nanghihina pa din ang mga tuhod ko, binuhat nalang niya ako habang si Reynan at Stefany ay bumili ng pagkain ko.

"Alwynnd..." bumaling ang atensyon sa akin ni Alwynnd.

"Sa tingin mo, maniniwala pa ba sa sasabihin ko si Jerson kung kinamumuhian niya na ako?" tanong ko kay Alwynnd.

"Search ko nalang sa Google yung sagot, diko alam eh," binatukan ko siya kaya natawa siya.

"Gago," saad ko bago umiling. Nung makarating kami sa clinic agad niya akong binaba sa isang kama dahil mabigat daw ako.

"Para kang alien, may eyebags na nga tapos namamaga pa yung mata mo," saad ni Alwynnd bago umupo sa kama kung nasaan ako at nag-selpon nalang.

"Audenzia!" napunta ang tingin ko sa may pintuan ng clinic.

"Eto kain ka na tapos magpahinga, nasabi nadin namin na hindi ka muna makakapasok sa next subject," saad ni Stefany bago ako binigyan ng tatlong sandwich at dalawang strawberry milk.

"Eto pa pala," nilahad sa akin ni Reynan ang isang balot ng pastillas. Nginitian ko lang sila bago kumain ng tahimik.

"Hay nako, ang tatalino tapos bobo pagdating sa mga ganito..." madramang sabi ni Reynan.

"Tumigil ka nga!" saway sa kanya ni Stefany.

"Audenzia, kain ka lang ng kain ha? Wag kang papagutom, ubusin mo yan kung hindi itatapon ka namin sa bermuda triangle," saad ni Reynan kaya inirapan ko nalang siya.

"Guys, may papa-utos ako," lahat kami ay napatingin kay Alwynnd na biglang nagsalita.

"Ano?" tanong ni Stefany.

"Pakisabi sa adviser ko, hindi ako makakapasok. May babantayan lang akong bata," agad ko siyang binato ng unan.

"Gago! Sinong bata?! Ha?!"

"Ayan ginalit mo!" nagtawanan kami. Buti nalang nandito itong mga kaibigan ko kapag malungkot ako.

Siguro bibigyan ko muna ng oras si Jerson para mabawasan ang galit niya sa akin bago ko aminin sa kanya na mahal ko din siya...

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now