15 : Afraid
"Ma?" nakabusangot lang ako habang nakatayo sa likuran ni Jerson at naghihintay.
"My baby!" I nearly choked when Jerson's mother went to Jerson and hug him tightly. Baby? Si Jerson? Baby? Ampota.
"A-Aray po!" reklamo ni Jerson habang nakangiti ng pilit sa nanay niya.
"Oh my! Audenzia? Ikaw ba ang prinsesa ng mga Santiago?" tanong ng mama ni Jerson sa akin habang nakangiting binitawan si Jerson at ako naman ang nilapitan.
"I knew it, nakita palang kita noong bata ka pa alam kong bagay kana sa anak ko..." napangiwi ako dahil sa sinabi ng mama ni Jerson habang unti-unti akong niyayakap.
"Di po kami bagay, tao po ako tapos demonyo yung anak niyo," saad ko dahilan para matawa ang mama ni Jerson habang si Jerson naman at nakanguso.
"Kumain na ba kayo?" tanong ni mama ni Jerson kaya umiling ako dahilan para hilahin ako ng mama ni Jerson papasok sa resthouse nila na nasa gitna ng flower farm na pagmamay-ari pala ng mama ni Jerson.
"Call me tita Madison, alam kong hindi mo na ako maalala dahil bata ka palang nung huli kitang makita tapos ngayon dalagang-dalaga kana at magkasintahan na kayo ng anak ko-"
"What? Hindi po kami magkasintahan!" mabilis kong tanggi kaya natawa nalang si tita Madison bago ako iginaya sa kusina habang nakasunod sa likuran namin si Jerson.
"Anong gusto mong ulam?" tanong ni tita Madison.
"Umm-"
"Bakit ako ma, hindi mo tinatanong?" nabaling ang atensyon ko kay Jerson na nakaupo na sa high chair na nasa island counter top.
"Tumigil ka diyan hindi ka bisita dito," singhal sa kanya ni tita Madison dahilan para mapanguso ulit si Jerson at bahagyang umirap.
Cute.
Wait what?!
No way! Hindi siya cute! Si Cadmus lang ang cute! Yes!
Matapos kong sabihin kay tita Madison ang gusto kong ulam, umupo ako sa high chair na malayo kay Jerson ng tatlong upuan.
"Jerson" nakapangalumbaba siyang lumingon sa akin.
"Why?"
"Kailan natin gagawin yung thesis?" mapupungay ang mata niyang nakatingin sa akin bago siya sumagot.
"Mama mo thesis..." sagot niya kaya napangisi ako at bumaling kay tita Madison na abala sa pagluluto.
"Luh! Tita! Thesis daw si mama ko!" agad na napaayos ng upo si Jerson bago humarap sa mama niyang nakaharap sa amin at may hawak pang spatula.
"What the hell?" singhal ni Jerson ng binato siya ng mama niya ng mansanas bago ulit ito bumalik sa pagluluto.
"You know what? Nandito na nga tayo sa flower farm para mag-relax tapos iniisip mo pa din ang thesis?!" tanong ni Jerson kaya napairap ako.
"Sinasabi ko na nga ba't hindi ka mapagkakatiwalaan bilang kagrupo!" saad ko sa kanya kaya napangiwi siya.
"It's not like I don't want to do our thesis!" saad ni Jerson habang nakabusangot na.
"Parang ganun na din yun!" singhal ko sa kanya.
"What the? Bakit puro thesis ang nasa isip mo? Why don't you just relax first?!" saad niya kaya napairap ako.
"Paano ako makakapag-relax kung may thesis?!" tanong ko sa kanya lalo na't wala pa kaming nasisimulan sa thesis at may limang araw nalang kami.
"Kumain na tayo at tumigil na kayo diyan kakaaway," saad ni tita Madison kaya inirapan ko nalang si Jerson bago inabala ang sarili.
YOU ARE READING
Your Smile Is A Trap (CRS #2)
Teen FictionCollege Romance Series #2 Audenzia Santiago, a girl who have everything. She got fame, money, beauty and brain. She's always on top until she meet Jerson Alforque the boy who got trapped by her smile and the one who'll always win against her. Writte...