12

527 26 19
                                    

12 : Partners

"Kumusta ang trip niyo?" tanong ni Mrs.Santos habang nakangiti at nakatayo sa may harapan. Nandito na naman kami sa school.

"Mukhang na-relax naman kayo ah, kaya ngayon may ibibigay ako sa inyong thesis," agad na nagsi-gising ang mga diwa ng mga kaklase ko dahil sa sinabi ni ma'am.

Maski ako din ay napatuwid ng upo eh.

"Don't worry, may mga partners naman kayo sa thesis na ito. Sa susunod nalang ang group thesis," napabusangot ako dahil sa sinabi ni ma'am.

Ano ba yan, may group thesis pa?! Hays.

"Sasabihin ko na ang mga magkaka-partners," nilabas ni ma'am ang isang listahan bago nagsimulang magsalita. Nakapangalumbaba lang ako habang nakatingin kay ma'am at nung nabanggit na ang pangalan ko pinakinggan ko nalang kung sino ang magiging ka-partner ko.

"Audenzia and Jerson kayo ang magka-partner," agad na nanlaki ang mga mata ko bago lumingon kay Jerson na nakapatong ang dalawang braso sa lamesa niya habang nakapatong naman ang ulo niya sa mga braso niya.

"Ma'am! Unfair! Siguradong mataas na grades nilang dalawa!" reklamo ni Stefany habang nakanguso.

"Kita niyo naman ang inaasal ng dalawa niyong kaklase diba? Kailangan nilang magkaayos," tugon ni ma'am, habang ako ay naghihintay lang na marinig si Jerson na tumutol sa sinabi ni ma'am pero natapos na si ma'am pero wala akong narinig na pagtutol kay Jerson na lagi niyang ginagawa dati.

"Madali lang naman ang magiging topic niyo sa thesis niyo kaya bibigyan ko kayo ng isang Linggo para tapusin ito kaya ngayon pumunta na kayo sa mga partners niyo at pag-usapan ang dapat niyong gawin," saad ni ma'am bago kinuha ang bag niya at nagpaalam na.

Tumayo na ang iba kong mga kaklase para puntahan ang mga ka-partner nila at ako naman ay nakaupo lang habang nakatingin sa harapan.

Kung iba lang sana ang naging ka-partner ko edi sana nag-uusap na kami.

Lumingon ako kay Jerson na hindi man lang gumalaw sa pwesto niya at mukhang natutulog pa! Aba't!

Dahil sa inis, agad akong tumayo at nagdala ng one whole paper at ballpen bago umupo sa harapan niya.

"Hoy! Unggoy! Gumising ka diyan!" sigaw ko sa kanya bago siya kinalabit. Kung hindi pa ito magigising ihahampas ko sa kanya ang upuan ko.

"W-What?" mukhang narinig niya yata ang sinabi ko sa utak ko kaya naisipan niyang gumising. Buti naman.

"Partners tayo," sagot ko bago umirap.

"Ano gagawin?" tanong niya bago umupo ng maayos at mukhang tulog nga siya kanina dahil kinukusot niya pa ang mata niya.

"Hindi ka aangal na magka-partner tayo?!" pasinghal kong tanong sa kanya, kumunot naman ang noo niya bago ako tiningnan ng diretso sa aking mga mata.

Natikom ko ang bibig ko dahil sa pagtitig niya sa akin.

"Ikaw lang naman ang may ayaw sa akin na makipag-partner," sagot niya bago nagkibit balikat. Napairap lang ako bago binuksan ang ballpen ko gamit ang bibig ko at tumingin sa kanya.

"San tayo gagawa?" tanong ko.

"Ng baby?"

"Tangina mo! Umayos ka!" natawa naman siya sa naging reaksyon ko at hinayaan lang akong hampasin siya ng one whole paper ko.

"Okay okay sorry," umirap ako bago umayos ng upo.

"Pwedeng sa bahay niyo o kaya sa bahay namin," sagot niya habang pinaglalaruan ang ballpen ko na nabitawan ko kanina dahil sa paghampas ko sa kanya ng papel ko.

"Huwag sa bahay namin, baka mag-summoned ka ng mga demonyo doon," saad ko kaya natawa siya bago ngumisi.

"Kesa naman pumunta ka sa bahay ng demonyo diba?" napaisip tuloy ako.

"Hindi mo alam anong magagawa ng demonyong iyon kapag nasa teritoryo ka niya," pagpapatuloy ni Jerson habang pinapaikot-ikot ang ballpen ko.

"Basta bukas sisimulan na natin ang research, sa library," tumango siya dahil sa sinabi ko.

"Okay good, siguraduhin mo lang na titino ka kahit minsan lang ha?!" tumango ulit siya kaya tumayo na ako at inayos ang upuan na inupuan ko at bumalik na sa pwesto ko.

Natigilan ako ng mapansing nasa kanya pala ang ballpen ko kaya lumingon ako sa kanya pero nakita ko siyang kagat kagat ang takip ng ballpen ko habang nagsusulat sa isang papel gamit ang ballpen ko.

What the hell?

"Give that back to me!" nilahad ko ang kamay ko habang tiningnan niya lang ito bago tumingin sa akin. Tinagilid ko ang ulo ko at tinagilid niya din ang ulo ko.

What the? Anong trip ng lalaking toh?

"That's it for today, class dismissed," agad akong tumayo bago hinarap si Stefany dahil sabay kaming lalabas para kumain doon sa may fishball-an.

Pagkauwi ko sa bahay agad kong hinanda ang mga gamit na dadalhin ko para sa research namin bukas. Kagaya ng laptop, ballpen at papers.

Napairap ako ng maabutan ko si Jerson na nakayakap ang dalawang braso niya sa bag niya habang nakapatong ang ulo niya sa bag at mukhang tulog na naman.

Atleast nandito siya at may dala ding laptop dahil kung hindi, itatapon ko siya pababa ng building na ito.

Umupo ako sa katapat na upuan niya pinatong ang dala kong bag sa katabing upuan ko at ang laptop naman ay sa lamesa.

Yumuko ang ako ng bahagya para kumpirmahin kung tulog ba siya i hindi.

Kung gaano kamanyak ang ngisi niya, ganun naman kaamo ang mukha niya kapag tulog.

I didn't notice that I've been staring at him for a long time while he's sleeping.

Siguro kung mabait lang ang lalaking ito at hindi playboy. Sigurado akong magkakagusto ako sa kanya. Kaso mayroon na akong Cadmus.

I giggled silently when Jerson suddenly snores cutely. Oh my gosh! He sounds like a baby!

I slightly tapped his pointed nose and giggles when I heard him snores cutely again.

I grabbed my phone before taking a picture of sleeping Jerson while drooling.

Subukan niya lang ulit akong awayin o inisin kung hindi ipapakita ko ito sa lahat. Hihi.

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now