07

632 34 16
                                    

07 : Eastfar University

"Dito ang sa Science!" sigaw ng isang teacher na nasa may bukana ng bus habang naglalakad ako papalapit doon.

Ngayon na ang araw ng laban namin na gaganapin sa Eastfar University. Tatlong araw kami doon kaya medyo madami kaming dalang pagkain.

"Kita nalang tayo sa Eastfar!" paalam ni Stefany bago siya pumasok sa bus nila. Inaamin ko, medyo nae-excite ako dahil ito ang pinakaunang pagkakataon na ilalaban kami sa malayong Unibersidad. Kailangan nalang naming galingan dahil dala namin ang pangalan ng Unibersidad namin.

Umupo ako sa may tabing bintana para nakikita ko ang mga dadaanan namin papuntang Eastfar. Nahagip ng paningin ko si Jerson na nasa kabilang bus habang nakatingin sa bintana at nakangisi sa akin.

I can't help but roll my eyes at him before looking away from the window. Si Jerson ay kilala ko na simula nung first year kami. I still remember how he rudely entered our room while our teacher's talking in front.

Grabe, hindi nun halata sa kanya na matalino siya. Tapos noong nagtama ang mga mata namin habang nagpapakilala siya, syempre nginitian ko ang ungas dahil mabait ako. Parang nagulat pa nga nung nginitian ko. Tsk! Ang ganda kaya ng ngiti ko!

Sabi ng iba ang pinakamaganda daw sa akin ay iyong ngiti ko, kase pati ang mga mata ko daw ay ngumiti. Pati mata ba ay ngumingiti? Ang alam ko lang ay napapapikit ako kapag ngumingiti ako ng matamis.

And because of my attractive smile, sometimes I use it to get what I want. Ngingitian ko lang ang ibang tao katapos nun pagbibigyan na nila ang gusto ko. Like? Ganun ba kaganda ang ngiti ko? At sa araw na iyon. Iyon din ang pinakahuling pagkakataon na nginitian ko ang lalaking iyon. At wala na akong balak na ipakita sa kanya ang ngiti ko. Well, siguro kapag umalis na siya sa Roundell baka ngitian ko siya kagaya ng pag-ngiti ko sa kanya nung una kaming nagkita.

Sa buong biyahe ang ginawa ko lang ay pagmasdan ang tanawin sa bintana. Actually it's good day to die.

"Titigil muna tayo kaya magbanyo na kayo o kaya ay kumain para pagdating sa Eastfar ay makapag-relax muna kayo," paalala ng isang teacher.

"Kain ka muna, Audenzia" napalingon ako kay Mrs.Ramos bago tumango. Kaninang umaga pa ako hindi kumakain kaya sigurado akong madami akong makakain. At gaya ng inaakala ko, madami nga akong nakain at busog ako ng makarating kami sa Eastfar.

"Oh my gosh! Ang ganda ng uniform nila! Color maroon!" parang naaalog ang utak ko dahil kay Stefany na kanina pa ako tinutulak-tulak simula ng makapasok kami sa Eastfar.

Mukhang may pasok din sila kagaya nung sa Roundell, may pasok din ang mga hindi makikipaglaban. Kamalasan nga naman nila.

"Bhie! Shet!" kanina pa ako nagtitimpi sa kaingayan ng babaeng katabi ko ngayon, akala mo ngayon lang nakakakita ng mga gwapo. Tsk!

"Ano na naman?!" pasinghal kong tanong kay Stefany habang naglalakad kami papasok sa room na tutuluyan namin ng mga kasama ko.

"May nakita akong gwapo!" sabay turo niya sa isang lalaki na may kasamang dalawang lalaki at isang magandang babae. Medyo namangha pa ako sa buhok ng babae na pinaghalong kulay dark red at black.

"Suntukin ko nalang iyon para sayo!" rinig kong sabi nung lalaking tinuro ni Stefany nung nakasalubong namin sila.

"Bhie, jowa niya na yata yung babae" nakabusangot na saad ni Stefany kaya natawa nalang ako bago umiiling na pumasok sa isang room para ilapag ang bag na dala ko.

Malaki din ang Eastfar University at maganda din ang mga rooms doon lalo na ang mga uniforms nila na hindi lalagpas sa tuhod ang palda at kulay maroon pa ang necktie at palda.

"Dito nalang yata ako mag-aral next year eh," biro ko kaya napalingon sa akin si Stefany habang naglalakad kami papunta sa canteen ng Eastfar Univ.

"Sige, enroll tayo dito next year kahit malayo," parehas kaming natawa ni Stefany pero natahimik kami ng makapasok kami sa canteen. Pota ang daming tao.

"Ano ba yan!? Ang daming tao," padabog na lumabas ng canteen si Stefany kaya sinundan ko dahil baka mawala ako lalo na at hindi ako magaling sa direksyon.

"Hoy! Hintayin mo ako!" sigaw ko kay Stefany.

"Hentai daw oh, pre" nabaling ang atensyon ko sa dalawang lalaki na papasok ng canteen.

Hentai? Aba't mahilig ang mga ito sa bold ah.

Napangiwi ako dahil sa narinig, lumaki naman ang ngisi ng isang lalaki bago tumingin sa kasama niyang lalaki.

"Pre! Alam niya yung hentai!" kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko ang dalawang lalaki sa harapan ko.

"Tumigil ka diyan," saad ng kasama niya dahilan kaya napabusangot ang lalaking maingay.

"Taga saan ka miss? Kasali ka ba sa mga kalaban ng Unibersidad namin?" kahit medyo naiilang, tumango ako sa lalaki.

"By the way, I'm Harvey" tinanggap ko ang kamay ng lalaking maingay.

"Si Gwyrro nga pala," sabi ni Harvey bago inakbayan ang kaibigan niya. Nginitian ko lang sila bago nagpakilala.

"Audenzia," saad ko.

"Ganda mo, miss" saad ni Harvey dahilan para matawa ako bago nag-flip ng hair.

Like? Taga Eastfar sasabihan ako ng maganda?

"Well, thank you" saad ko bago ngumiti ng matamis. Napatingin naman ko kay Gwyrro na tahimik lang na nakatingin sa amin ng kaibigan niya. Nang nagtama ang tingin namin kaagad siya nag-iwas ng tingin.

"Taga saan ka? Roundell?" tumango ako, napapalakpak naman si Harvey bago ako inakbayan. That caught me off guard.

"May pinsan akong taga-roon, puntahan nga kita minsan," saad ni Harvey bago ako iginaya sa loob ng canteen habang nakasunod naman sa likod namin si Gwyrro.

Habang naglalakad ako kasama ang dalawang magkaibigan, nahagip ng paningin ko si Jerson na may kasamang tatlong babae na halatang gustong-gusto siya. Napairap ako.

Playboy will always be a Playboy.

Kahit sa ibang lugar dala niya pa din ang pagka-player niya kaya hindi na ako nagulat kung tatlo-tatlo agad ang kalandian niya.

"Anong gusto mo? Libre na kita dahil kaibigan na kita," sambit ni Harvey kaya napalingon ako sa kanya medyo nagulat ako dahil medyo nagkalapit ang mukha namin dahil sa paglingon ko sa kanya.

"Nabibigatan na siya sa braso mo, ungas ka" napabuntong hininga ako ng tinanggal ni Gwyrro ang braso ni Harvey na nakaakbay sa akin.

"Sorry ha? Peace tayo!" nag-peace sign pa si Harvey kaya bahagya akong natawa.

Hanggang sa umupo ako sa isang lamesa, kasama ko silang dalawa.

"Anong subject sinalihan mo?" tanong ni Harvey habang binubuksan ang banana milk niya.

"Science," napatango-tango siya sa tugon ko. I wonder kung magkakasing-edad lang kami nina Harvey at Gwyrro. Nag-usap-usap pa kami pero kadalasan si Harvey lang ang nakakausap ko dahil tahimik itong si Gwyrro.

"Alam mo? Medyo may kakaiba akong nararamdaman," biglang sabi ni Harvey kaya nagtataka naman kaming napatingin sa kanya ni Gwyrro.

"Why?" tanong ni Gwyrro sa katabi niya.

"Nakikita mo yung lalaki sa may gawing kanan natin? Yung may kasamang tatlong babae?"

"Oh?" ako.

"Kanina niya pa ako tinitignan ng masama, jowa mo ba yun?" tanong sa akin ni Harvey dahilan para mapunta ang paningin ko sa tinutukoy niya. At laking gulat ko ng makita ko si Jerson na nakatingin ng seryoso sa akin habang kagat kagat niya ang pang-ibabang labi niya.

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now