28 : First Place
"Tabi! Tabi! Dadaan ang matalino!" sigaw ni Stefany habang hila-hila niya ang kamay ko at nakikipagsiksikan sa tumpok ng mga estudyanteng nakatingin sa mga scores.
"Stefany, kumalma kalang," saad ko kay Stefany.
"Ay! Bhie! Congrats! First place ka lo talaga!" niyakap ako ni Stefany kaya napatingin ako sa board at nakitang nangunguna nga ako. Napansin ko din ang pangalan ni Art na nasa pangatlo, tapos ang pangalan ni Azielle na kaklase ko sa pangalawa.
Wala si Jerson kase hindi naman siya nag-take ng exams.
"Wala pa din ba si Jerson?" biglang tanong ko kay Stefany kaya humarap siya sa akin na nakangisi ng makahulugan.
"Yieee, nung last na punta natin dito sa pwesto na toh, nag-aaway pa kayo pero ngayon..." tinusok ni Stefany ang tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Uy! Congrats! Pa-party na ba tayo?" biglang singit ni Reynan bago ako inakbayan.
"Game! Game!" saad ni Stefany bago kumapit sa braso ni Reynan.
"Hoy! Ikaw Alywnnd? Sama ka?" nag-angat ng tingin si Alwynnd mula sa phone niya.
"Oo," sagot ni Alwynnd bago ibinalik ang atensyon niya sa phone niya.
"Ano bang meron sa phone mo?" tanong ko.
"Sikretong malupet," sagot niya bago kami tinalikuran at naglakad palayo.
"Gago! Nang-iiwan!" singhal ni Reynan bago tinanggal ang pagkaka-akbay sa akin at tumakbo palapit kay Alwynnd.
"Punta muna tayo sa canteen," ani Stefany bago ako hinila papunta sa canteen.
"Libre mo ko," saad ko.
"Luh! Ikaw yung nanguna ngayon kaya dapat ikaw manlibre!" singhal ni Stefany sa akin.
"Ikaw dapat, kase ikaw nagyaya eh," saad ko bago umupo sa isang lamesa.
"Sige na nga! Diyan ka muna," pinanood ko lang na pumunta si Stefany sa counter para umorder ng pagkain. Pumangalumbaba ako at bumuntong hininga.
Diko alam kung ano ang gagawin ko para makausap si Jerson at maamin ko na sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya.
"Hi,"
"Putang-!"
"Nagulat ba kita? Sorry ah..." saad ng isang lalaki na biglang umupo sa harapan ko. Sa tingin ko nasa 4th year na siya.
"What do you want?" tanong ko at umayos ng upo.
"Kaibigan ka ni Reynan diba?" kahit nagtataka ako, tumango nalang ako.
"Sabihin mo sa kanya na ano, pinapasabi nung kapatid niya na hindi siya makakasabay sa kanya," kumunot ang noo ko bago tumango.
"Yun lang?" tumango naman ang lalaki bago naglahad ng kamay.
"I'm Bien, by the way," saad niya kaya nginitian ko nalang si Bien.
"Ganda ng ngiti mo," biglang sabi ni Bien kaya lalong lumapad ang ngiti ko.
"Sige, pakisabi nalang ha?" tumango ako kaya tumayo na ang lalaki sa harapan ko at umalis na. Sakto naman ang pagbalik ni Stefany habang dala-dala na ang mga pagkain na binili niya.
"Bakit kinausap ka ni Bien?!" tanong ni Stefany pagkaupo niya sa upuan na katapat ko.
"May pinapasabi lang," saad ko bago kinuha ang sandwich na binili niya at agad na binuksan at kinagat.
"Sino ba yun?" tanong ko matapos lunukin ang kinakain ko.
"Team captain nung volleyball boys," sagot ni Stefany.
"Di mo siya kilala?!" biglang tanong ni Stefany matapos niyang malunok ang kinakain niya.
"Nakakabigla ka naman!" saad ko sa kanya bago uminom ng tubig mula sa bottled water.
"Hindi mo kilala si Bien eh!" inirapan ko nalang si Stefany at pinagpatuloy nalang ang pagkain.
Matapos naming kumain, dumiretso na kami ni Stefany sa room, nanigas ako sa kinatatayuan ko nung makita ko si Jerson na nakikipagtawanan sa mga katropa niya sa room.
Wala sa sariling napangiti ako, siguro nakapag-exam na siya. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago umupo sa pwesto ko.
Habang kumakain kanina, naisip ko na isulat nalang sa isang letter ang nararamdaman ko kay Jerson pero hindi naman ako sigurado kung babasahin niya ba iyon, baka kase itapon niya eh.
At dahil pumasok na pala siya, napagdesisyunan kong kakausapin ko na siya mamaya. He needs to grant me a wish since I'm in the first place now.
"Oh bakit nakangiti ka diyan?" nabaling ang atensyon ko kay Stefany na nakangisi habang pinaglalaruan ang ballpen niya.
"Dahil pumasok na siya?" sinundot ni Stefany ang tagiliran ko kaya napaigtad ako dahil sa kiliti.
"Tangina mo! Tigilan mo nga ako!" singhal ko kay Stefany.
"Nasaan na yung babaeng may pangarap na magkaroon ng hacienda na punong-puno ng ampalaya?" panunuya ni Stefany.
"Tsaka tuloy pa ba yung ampalaya world na balak mong ipatayo?" nakabusangot akong lumingon kay Stefany na tinatawanan ako.
"Reynan, peram nung kotse mo," sabi ko pagkasalubong ko kay Reynan na papalabas ng room niya.
"Nakakabigla ka naman! Baka sumabay sakin yung kapatid ko-"
"Hindi daw sasabay sayo yung kapatid mo," sagot ko.
"Paano mo nalaman?"
"Pinapasabi sakin ni Bien na captain yata ng volleyball team," saad ko kaya natigilan si Reynan bago nilagay sa palad ko ang susi ng kotse niya.
"Balik mo ang kotse ko ah?" tumango ako kay Reynan.
"Tara pre! Tambay muna tayo," saad niya sa mga kaklase niya bago ako tinalikuran.
"Nasa parking lot na siya," saad ni Stefany pagkalabas ko sa building namin.
"Sige, salamat," saad ko.
"Siguraduhin mo lang na magiging matagumpay ang binabalak mo ah?" tumango ako bago ngumiti kay Stefany para iparating sa kanya na magiging matagumpay ang plano ko.
Ang plano kong kausapin si Jerson para matigil na itong pag-iwas niya sa akin. Nakakainis na eh!
"Sayo muna to," hinagis ko kay Stefany ang bag ko bago tumakbo papunta sa parking lot ng school namin.
Nakita ko pang papasakay si Jerson sa kotse niya kaya agad kong binuksan ang kotse ni Reynan para sundan si Jerson.
Sinundan ko si Jerson at sinigurado kong mapapansin niyang sinusundan ko talaga siya para huminto siya.
I'm busy following him until his car suddenly stops, making me do the same too.
I think this is the time.
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kotse ni Reynan at matapang na hinarap si Jerson na nakalabas na din sa kotse niya at gulat ang mga matang nakatingin sa akin.
"Audenzia?" tanong niya, nung marinig ko ang pangalan ko na lumabas sa bibig niya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"I'm the first place now..."
YOU ARE READING
Your Smile Is A Trap (CRS #2)
Teen FictionCollege Romance Series #2 Audenzia Santiago, a girl who have everything. She got fame, money, beauty and brain. She's always on top until she meet Jerson Alforque the boy who got trapped by her smile and the one who'll always win against her. Writte...