29 : Wish
"Congrats," saad ni Jerson. Tatalikod na sana siya para bumalik sa loob ng kotse niya pero napigilan ko siya.
"Nakakalimutan mo na ba ang pustahan natin?" nanigas siya sa kinatatayuan niya habang nakatalikod pa din sa akin.
Please, humarap ka.
"Anong hiling mo?" tanong niya bago humarap ulit sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Ang hiling ko ay ang oras mo..." kumunot ang noo niya at tinitigan lang ako.
"Oras ko?" tumango ako pero napangisi lang siya bago umiling.
"Pwedeng iba na lang? May pupuntahan pa ako," saad niya bago tumalikod at naglakad pabalik sa kotse. Pero bago pa niya mabuksan ang pinto ng kotse niya...
"I'M INLOVE WITH YOU CLARK JERSON ALFORQUE!!!" sigaw ko dahilan para manigas siya sa kinatatayuan niya at unti-unting lumingon sa akin.
Kita ko sa mga mata niya ang gulat dahil sa sinabi ko.
"W-What?" tanong niya bago tuluyang humarap sa akin.
"Ang sabi ko, I'm inlove with you, Jerson. Pero kung hindi mo na ako mahal at may iba ka na, tatanggapin ko naman-"
"YES!!!" agad akong nag-angat ng tingin nung marinig kong sumigaw si Jerson.
Nakita ko nalang ang sarili ko na nakakulong na sa mga bisig niya.
"Hinding-hindi ako maghahanap ng iba..." saad niya bago hinalikan ang buhok ko.
"W-What?" tanong ko habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya. Kung gaano kabilis ang pagtibok ng puso ko, ganun din kabilis ang kay Jerson.
"Baby, buti alam mo na ang nararamdaman mo para sa akin," saad niya bago ako tiningnan.
He's smiling now making him more handsome.
"What do you mean? Alam mo na ba na gusto kita-"
"Mahal, mahal mo ako," saad niya bago ngumiti ng maluwag. Binitawan niya muna ako at tumalikod sa akin.
"Tangina, kinikilig ako," saad niya kaya natawa ako bago siya hinarap ulit sa akin.
"So bati na tayo?" tanong pero napabusangot naman siya.
"Dapat tayo na," saad niya kaya napangiwi ako.
"Gago, ligawan mo muna ako. Wag mo akong igaya sa mga babae mo," saad ko.
"I would love too," saad niya bago ngumiti. Inirapan ko lang siya bago tumalikod sa kanya.
"Hey! Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Sa school, babalik ko na itong kotse ni Reynan, tutal nagkaayos na din tayo," saad ko bago pumasok sa loob ng kotse at dali-daling nagmaneho pabalik ng school.
Nakasunod naman sa akin ang kotse ni Jerson kaya napangiti ako.
Dati, gusto kong maranasan kung ano yung 'love' na sinasabi nila. Dati, wala akong ideya kung ano iyon pero ngayon...
Mula sa salamin, tiningnan ko ang kotse ni Jerson na nakasunod lang sa akin.
Hindi ko akalain na sa kaaway ko pa ako magkakagusto.
Naalala ko tuloy yung mga panahong todo tanggi ako na kaming dalawa ni Jerson ang maaaring magkatuluyan.
Ayaw na ayaw ko nun sa kanya dahil first time ko palang nun na malamangan ng ibang tao. Tapos lalaki pa na mukhang tambay sa kanto pero may itsura.
Siguro kung hindi siya ngumiti sa akin nun, baka hanggang ngayon ay magkaaway pa din kami.
Binuksan ko muna ang radyo ni Reynan para makapag-sound trip naman ako habang pabalik ng school.
I used to wanna be
Living like there's only me
But now I spend my time
Thinking 'bout a way to get you off my mindI used to be so tough
Never really gave enough
And then you caught my eye
Giving me the feeling of a lighting strikeLook at me now, I'm falling
Can't even talk, still stuttering
This ground of mine keeps shaking
Oh oh oh, now!All I wanna be, all I ever wanna be
Yeah yeah is somebody to you
All I wanna be, all I ever wanna be
Yeah yeah is somebody to youEverybody's tryna be a billionaire
But everytime I look at you,
I just don't care
Cause all I wanna be, all I ever wanna be
Yeah yeah is somebody to youNapapangiti nalang ako habang napapasabay na din sa kanta. Hanggang sa makarating ako sa school at nasalubong ko si Stefany.
"Kumusta?" tanong niya. Pero hindi ko na kailangang sagutin ang tanong niya ng makita kong nanlaki ang mata niya nung makita niya kung sino ang nasa likuran ko.
"Ayos na?" tanong ni Stefany kay Jerson. Hindi ko nakita kung anong ginawa niya dahil nasa likuran ko siya.
"Reynan!" sigaw ko nung makita ko si Reynan habang nakasunod lang sa likuran niya si Alwynnd.
"Ayos na pre?" tanong ni Reynan kay Jerson, inakbayan niya pa si Jerson.
"Buti naman, mga ulo kasi namin ang sumasakit dahil sa inyo," saad ni Alwynnd habang nakatingin pa din sa phone niya.
"Ang tatalino nga, bobo naman pagdating sa pag-ibig," saad ni Reynan bago umiling-iling.
"Tara sa fishball-an, libre ko," yaya ni Reynan sa amin.
"Akala ko party?" tanong ni Stefany.
"Party party tayo sa fishball-an," saad ni Alwynnd bago niya ibinulsa ang phone niya.
"Ako nalang, tutal ako ang pinakamatalino," saad ko bago naglakad palayo papunta sa fishball-an.
"But will always be second place for me," rinig kong sabi ni Jerson.
"First of all, ako ang nanguna ngayon," singhal ko kay Jerson. Napangiti naman siya bago ngumuso.
"Syempre hindi ako nakapag-exams," sagot niya.
"Atleast ako pa din ang first place ngayon!" saad ko kay Jerson bago siya inirapan.
"Ngayon lang, dahil kapag may exam ulit ako nanaman ang mangunguna," saad niya bago ngumisi ng nakakaloko.
At eto na naman ang totoong Jerson.
"Sigurado ka?!"
"Oo!"
"Sigurado ba kayong mag-jowa ang dalawang ito?" rinig kong tanong ni Reynan kila Alwynnd.
"Hindi kami mag-jowa!" tanggi ko.
"Hindi niya pa ako sinasagot eh," napalingon naman ako kay Jerson nung inakbayan niya ako at iniharap kila Reynan.
"A-Ano?" tiningala ko siya kaya tumingin siya sa akin bago tiningnan sila Stefany.
"I'll court, Audenzia Jean. At invited kayo sa kasal namin,"
"What the?"
YOU ARE READING
Your Smile Is A Trap (CRS #2)
Teen FictionCollege Romance Series #2 Audenzia Santiago, a girl who have everything. She got fame, money, beauty and brain. She's always on top until she meet Jerson Alforque the boy who got trapped by her smile and the one who'll always win against her. Writte...