21

516 29 10
                                    

21 : Stay away

"Nag-re-review ka pala," panunuya ko habang nakangisi. Sinara ni Jerson ang notes niya bago humarap sa akin habang nakaupo pa din.

It's actually my first time entering a boy's room. Ang buong kwarto ni Jerson ay may kulay gray, white, black at blue.

It's actually my second time entering here, pero ngayon ko lang talaga nakita ng maayos ang kwarto niya.

Sa kwarto niya maaamoy talaga ang pabango niya, maayos naman at hindi makalat ang buong kwarto. Pero hindi halata sa mukha niya na maayos siya sa kwarto at pag-aaral niya.

"Of course, kailangan pa kitang talunin," sagot niya bago ngumiti ng matamis. Umirap lang ako bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto niya ng hindi sinasara ang pinto.

"Tsk! Humanda ka na dahil tatalunin kita," saad ko bago tiningnan ang mga gamit niya. Mula sa mga anime figurines niya na naka-display pati mga anime comics or mangas.

"In two weeks, you'll grant my wish..." Jerson said while smirking before standing up.

"Asa ka," saad ko. Isang photo album ang napansin ko na nakasiksik sa mga anime comics niya kaya habang hindi nakatingin si Jerson kinuha ko iyon.

"I'll stay on top so you'll grant my wish..." saad ni Jerson kaya napalingon ako sa kanya.

"Bakit ba desidido kang maging top one? Siguro paaalisin mo ako sa school na ito noh?!" singhal kong tanong sa kanya habang nakatalikod siya at inaayos ang iba niya pang mga notes.

Hindi siya umimik kaya umirap nalang ako sa hangin at itinuon ang atensyon sa photo album na nasa kamay ko.

I think it's Jerson's photo album.

Binuksan ko iyon sa unang pahina. Of course, ang una kong makikita ay iyong baby pa lang siya. Meron pa nga yung nakahubad siya habang umiiyak eh.

Pinigilan kong matawa sa nakita kong picture na iyon. Hanggang sa umabot ako sa pictures niya nung elementary na siya. At yung graduation picture niya nung elementary.

Pero ang pinagtakhan ko ay wala akong nakitang graduation picture niya noong high school siya.

Pagkatapos ng elementary pictures niya naging pictures niya nalang nung College na siya.

Buti sa photo album niya wala siyang mga pictures ng mga babae maliban sa nanay niya.

"Bakit wala kang pictures nung high school ka?" wala sa sariling tanong ko.

"What?" agad siyang napalingon at nanlaki pa ang mata niya ng makita niyang hawak ko ang photo album niya.

"Bakit hawak mo yan?!" tanong niya kaya nagkibit balikat lang ako at inihagis sa kanya ang photo album, maayos niya naman itong nasalo.

"Buti pa diyan mukha ka pang anghel pero ngayon..." nakangiwi ako ng pinagmasdan ko siya, mula ulo hanggang paa.

And now he's a drop dead gorgeous devil.

Agad akong namula sa naisip ng utak ko! Traydor kang utak ka!

"Bakit? Mas gwapo nga ako ngayon eh," saad niya bago pinakita ang braso niya habang naka-depina ang biceps niya.

"Gago," saad ko bago umupo sa kama niya.

"You know? You're in the devil's territory," saad niya bago ngumiti ng nakakaloko. Pinakita ko sa kanya ang kamao kong nakakuyom dahilan para matawa siya.

"Subukan mo akong hawakan o gapangin, sisigaw ako at ipapapatay kita kay tita Madison," pagbabanta ko sa kanya. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa likuran ng batok niya habang kagat labing nakatingin sa akin.

I admit, I find him hot right now.

Wait! Self! Tumigil ka!

"Kawawa ka naman, mawawalan ka ng boses kakasigaw," saad niya na ikinainis ko.

"What do you mean, jerk?!" singhal ko sa kanya at akmang hahagisan siya ng unan.

"This room is soundproof, walang makakarinig kahit sumigaw ka hanggang mapaos ka," walang gana niyang sagot bago umupo sa kama.

"And I'd rather make you scream-"

"You know what? Mag-review ka nalang, malay mo malagpasan mo ako. Kahit hindi naman," saad ko bago hinampas ng unan ang ulo niya at dali-dali akong lumabas sa kwarto niya.

"Bisita ulit kayo," saad ni tita Madison habang nasa labas na ako ng kotse namin at hinihintay sila mama.

Napunta ang atensyon ko sa second floor at nakita ko si Jerson na nasa labas ng balcony ng kwarto niya at nakatingin sa amin.

Inirapan ko lang siya ng sumaludo siya sa akin habang nakangisi ng maluwang.

And now, all I need to do is deal with Art in our date. Para naman tigilan niya na ako.

"Hintayin daw natin sila Reynan," saad ni Stefany habang nakaupo na kami sa lamesa dito sa canteen.

"Okay," sagot ko bago pumangalumbaba.

Siguro mag-susuot nalang ako ng jeans at t-shirt sa date mamaya, hindi naman iyon importante eh. Tsk!

Para kapag tapos na kaming kumain, diretso takbo na ako papuntang mall kung saan ako hihintayin nila Stefany.

"Mag-sneakers ka nalang para mabilis kang tumakbo," saad ni Stefany habang tumatawa.

"Agree," saad ni Alwynnd bago umupo sa tabi ko. Kasunod niya si Reynan at Jerson. Mukhang seryoso ang dalawa bago umupo.

"Anong nangyari sa inyo-"

"Audenzia, stay away from Art." seryosong sabi ni Reynan na ikinagulat ko.

"B-Bakit?" tanong ko habang nagtatakang nakatingin sa kanya.

"Siya ang dahilan bakit hindi nakapasok sa school si Jerson noong highschool," parehas na umawang ang bibig namin ni Stefany.

"Sigurado kayo?" tanong ni Stefany.

"Hindi ako nagkakamali, siya ang gagong iyon," nabaling naman ang atensyon ko kay Jerson na nakatingin sa akin.

"Stay away from him," utos niya kaya napangiwi ako bago nagsalita.

"Bakit Jerson? Isa na naman ba iyan sa mga plano mo?" kumunot ang noo niya.

I doubt, it's one of his plan. Kasama na ang pagpapaalis niya sa akin sa school na ito.

"What plan?" tanong niya habang madiin ang mga tingin niya sa akin.

"Just stay away from him," kinalabit ako ni Stefany at mukhang natatakot na kay Jerson dahil sa sobrang seryoso nito.

"Bhie, wag na yata ikaw pumunta sa date niyo ni Art, mag mall nalang tayo," saad ni Stefany.

"Tapos kukulitin ako ng lalaking iyon?" tanong ko kay Stefany.

"Just because of that, doesn't mean you need to go on a date with that asshole," napatingin kami lahat kay Alywnnd na nagsasalita lang kapag importante ang sasabihin niya.

"W-What?"

"Kaming bahala sa iyo kung kukulitin ka ng gagong iyon," saad ni Reynan.

"Bhie, ngayon ko lang sila nakitang seryoso. Baka totoo talaga ang sinasabi nila.

Na ang dahilan kung bakit, wala akong nakitang mga litrato ni Jerson nung highschool siya ay dahil totoo ang mga sinasabi nila.

"Stay away from him or I'll be the one who'll make him stay away from you," puno ng otoridad na sabi ni Jerson.

And just because of that, my heart beats fast.

Your Smile Is A Trap (CRS #2)Where stories live. Discover now