NHIANA's pov
"Nurse nhiana!"napahinto ako sa paglalakadPaglingon ko sa likod ko nakita ko si mae kapwa ko nurse nakangiti sya ng makalapit sya saakin
"Bakit?"tanong ko
"Diba day off mo bukas?"tanong nya tumango ako mas lalong lumaki ang ngiti nya
"Sama ka saamin bukas!May get together kasama natin yung ibang nurse!"masayang sabi nya ngumiti ako sakanya saka umiling
Nawala ang ngiti sa labi nya kita ko ang pagtataka sa mata nya
"Bakit?!Hindi kana nga sumama nung last eh!"nakasimangot na sabi nya
"May gagawin ako bukas hahanap ako ng bagong apartment."sabi ko natigilan sya kumurap kurap sya naging malikot ang mata nya na para bang may iniisip
"Ahh!Alam kona!Sa susunod kana mag hanap promise tutulungan kita!"natawa ako sa suggest nya
"Kung gagawin ko yan sa tingin mo saan ako matutulog pagtapos ng get together?Sa tabing kalsada?"sabi ko
Hindi ko alam kung bakit gustong gusto nila akong isama sa mga get together na ganyan hindi naman ako umiinom
"Alam kona!Dun ka nalang saamin matulog!"natawa ako umiling ako
"Alam mo namang ayaw kong nakikitulog sa ibang bahay,Kung sana mag isa ka sa bahay nyo hindi naman eh."sabi ko ngumuso sya
"Sa susunod nalang kapag nakahanap na ako ng apartment ko!Promise sasama na ako!"sabi ko ngumuso sya bago tumango
"Sge na nga basta sa susunod sasama kana!"sabi nya tumango ako bago kumaway at umalis
Introver akong tao mas gusto kong magstay sa bahay kaysa makipagusap sa ibang tao.Kapag pumupunta ako sa mga birthday ng katrabaho ko nasa gilid lang ako.Pinipilit kong matutong makisalamuha sa iba lalo na't isa akong nurse
Masyado akong negative magisip na tipong kapag may tumingin lang saakin feeling may balak ng masama.Masyado akong conservative sa sarili ko
Mas gusto kong manahimik nalang at hindi makipagusap sa iba dahil kapag ginagawa ko un mas napapanatag ako
Kailangan kong maghanap ng bagong apartment ngayon hindi kona kayang magstay sa dating kong apartment
Laging dinadala ng kasama ko sa apartment na si mika ang boyfriend nya halos dun na nga yun nakatira
Kahit lagi akong nakakulong ako sa kwarto ko hindi pa rinako makalabas ng kwarto dahil sa boyfriend nya minsan pa lagi nyang dinadala mga kaibigan nyang lalake dun at nagiinoman
Meron na akong mga lugar na pupuntahan ngayon actually ito na yung last na pagasa ko
Marami akong napuntahan na ibang apartment pero ni isa wala akong nagustuhan
Ayaw ko nung lugar,ayaw ko nung kapit bahay kasi angsabi nung landlady panay mga lalake ang mga kapitbahay ko kaya umayaw agad ako
Ok lang saakin na may kasamang lalake sa apartment or kapitbahay pero sana yung nalalapit ang edad saakin para naman kahit papaano hindi nakakailang na kasama ko sa bahay
PAGDATING ko sa last na apartment na pupuntahan ko sinalubong agad ako nung landlady
Nasa labas sya ng gate lumapit ako sakanya
"Magandang tanghali po."bati ko ngumiti naman sya agad saakin
"Ikaw ba yung titingin ng apartment?"tanong nga tumango ako
"Ako po si lie."pagpapakilala ko
Niyaya na nya akong pumasok pinagbuksan kami ng guard.Mukha ayos dito may security
"Actually yung dapat ibibigay ko sayo may nakakuha na,Kahapon lang lumipat."sabi nya tumango lang ako habang nililibot ang paningin ko sa paligid
Hindi lang yung pagkakaroon ng security ang nagustuhan ko pati yung lugar sobrang linis tahimik sa corridor habang naglalakad kami
"Btw lalake pala yung makaka sama mo sa apartment ok lang ba yun?"natigilan ako
Lalake?parang gusto kona agad umatras.
"Matanda po ba?"tanong ko
"Ay nako hindi!Sguro magkalapit lang kayo ng edad!"tumango ako medyo nakaramdam ako ng ginahawa
Huminto kami sa isang pinto kumatok ang landlady
Hindi nagtagal bumukas ang pinto bumungad saamin ang isang lalake na nakatopless
Kumunot ang noo ko magulo ang buhok nya na parang kagigising lang
"Manang bakit?"tanong nya habang nagtatanggal ng muta
"Diba sinabi kona sayo may titingin ng kwarto dito sa apartment."sabi ng landlady tumango sya bago tumingin saakin
Tumabingi ang ulo saka ako tinignan mula ulo hanggang paa
Napairap ako ang alam ko apartment ang titignan ko hindi sya wala ba syang balak umalis sa pinto?
Wala akong hilig ngumiti sa mga taong hindi ko kilala lalo na sa lalake
"Babe!Aalis na ako!"napatingin ako sa babaeng biglang sumulpot sa likod nya
Tumingin yung babae saamin bago humalik sa lalakeng nasa harap namin
Natawa ako lahat nalang ba nang makakasama ko sa apartment may jowa?Ano yun pinapamukha lang saakin na single ako
"Pumasok na tayo hija!"hindi ako umimik sumunod lang ako sa pagpasok nilibot ko ang paningin ko
Malinis naman maski yung kitchen maliban lang dun sa sofa dahil may ilang bote ng alak dun
Napangiwi lasenggero pala tong lalake tsk tsk!ayaw ko sa lalaking umiinom
Tinignan ko rin ang magiging kwarto ko
"Ok lang ba sayo?"tanong ng landlady tumango ako malapit din toh sa hospital saka wala na akong choice ito na last na apartment
Lumabas kami naabutan namin yung lalake dun sa kusina umiinom ng tubig tumitig ako sakanya
Napatingin ako sa leeg nya may kiss mark dun natawa ako
"Playboy."sabi ko tumingin sya saakin
"Kukunin ko po."sabi ko ngumiti agad yung landlady
"Salamat!Pero ingat ka dyan kay azeo babaero yan!"sabi nung landlady
"Sinisiraan nyo agad ako manang!"sabat nung lalake
"Ayaw ko sa lalakeng lasenggero"sabi ko kita ko ang pagkaamuse sa mata nung azeo
Hmm azeo?Ang unique ng name..
"Tara na hija"
BINABASA MO ANG
Goal Of Life
RomanceHaving a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo ng mundong hinanda at pinaghandaan na ni nhiana Ano nga bang magandang gawin? Ano nga bang magandang...