Miracle Markill Garcia Pov
Pagkagising ko pumunta agad ako sa baba, para mag almusal.
At nakalimutan kong nandito nga pala si Kuya sean
"Mira Milabs, Goodmorning" bungad saken ni Kuya
ano kayang maganda sa morning ha
"Goodmorning din kuya, si Taki?" tanong ko
"May date daw sya ngayon di ka inform?" tanong niya saken habang nagluluto, siguro tulog pa si yaya
awts, okay lang pramis oks lang
"Joke lang nandun siya sa labas" sabi nya at bigla akong nakahinga ng maluwag at binato ko ng tsinelas si Kuya
"Kuya, punta ka muna kaya dun sa bahay niyo, sigurado akong namiss ka ni Tita" pag aalok ko para umalis na sya dito
"Hmm?, si Mama?. wala nasa trabaho sya ngayon" saad niya. oo nga pala hanggang sabado pasok ni Tita sana umuwi na siya kaagad
"Ah, oo nga pala sige puntahan ko lang si Taki" saad ko at naglakad pa punta sa labas
at gumuho ang aking mundo, char. sino naman kaya yung babae na nasa loob ng pamamahay ko
"Oh, Kil, gising ka na pala" sabi niya habang lumingon saken
"Oo kanina pa" saad ko
"Si Marine nga pala, kanina kase naghahanap siya ng Apartment. dahil, lilipat sya sa school na pinag aaralan natin" saad ni Taki, at kumaway sya saken, maganda sya ha, bagay sila ni Kuya sean. syempre aken lang si Tak--
"Hello Miracle" saad niya kaya ngumiti ako sakanya ng pilit
"Oh, hello. pano mo nga pala nalaman pangalan ko?" tanging tanong ko sakanya
"Kwinento ka sakin ni Taki" Oh wait wait wait wait. Taki daw. ano ka feeling close?
"Totoo nga sinabi nya saken, kyutt ka na maliit" natatawa niyang saad. ayos na sana yung kyutt eh, pero sino yung maliit?
kaya pinalo ko yung braso ni Taki
"Wala namang masama sa sinabi ko ha?" saad nya at tumawa din
"wala ka pa bang nahahanap na apartment?, kanina ka pa dito?" tanong ko ulit sa kanya
"Oo kanina pa ako dito, kaso hinihintay ko pa pinsan ko, sabi nya kase saken sya na daw bahala" saad niya. Kung si Marine bagay kay Kuya sean, pero yung isa naman niyang pinsan, tsk, bahala na sya basta wag lang kay Taki
"Marine" Tawag nung isang lalake sa kanya Teka.
.....
TEKAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA
lalake pala hutek, solve na ang problema ko
"Oh, he's here na. gusto ko pa naman sanang makipagusap sainyo kaso, kailangan na naming Umalis, kita na lang tayo sa school" saad niya at ngumiti habang kumakaway na umalis.
Ganda ng ngiti Taki ha, abot hanggang langit
"Hoy" saad ko at tumingin sya saken
"Hmm?" nakangiti nya pa rin na saad
"Krass mo siya noh?" Tanong ko sakanya
"Ako?, hindi ah. natatawa lang ako kanina" natatawa niyang saad
"bahala ka na nga diyan, tignan mo lang talaga kapag ako naghanap ng iba at nag move on sayo who you ka saken" bulong ko sa sarili ko
"Hoy!, sinong kausap mo diyan, tara na sa loob baka tapos na magluto si kuya. at may pupuntahan pa tayo" saad ni Taki at pumasok na sa loob
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)
Teen FictionPREVIOUS TITLE; I HAVE A CRUSH ON MY BESTFRIEND SINCE WE WERE 8 CURRENT TITLE: I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 May mga tao talaga na hindi natin Inexpect na Darating sa buhay natin, at hindi natin namamalayan na siya pa yung magiging dahilan kung bakit t...