CHAPTER 32: SICK

381 22 3
                                    

Miracle Markill Garcia Pov

Hawak niya yung braso ko, habang nag lalakad kami.

sabi niya kase sakin kanina, hawakan ko daw braso niya, hahawakan ko na sana tas mamaya siya naman humawak nung Braso ko.

At para din kasi siyang nilalamig.

"Mamaya sa Room, tumahimik muna tayo. Baka pagalitan na naman tayo ni Ma'am Leon-- este ni Ma'am leanne" natatawang saad ko.

"Oo,gusto mo?" Tanong niya saken habang inabutan niya ako ng Pirasong Chocolate, siyempre tinanggap ko.

"Punta tayo sa Restaurant sa sabado, Libre ko naman ngayon" saad niya at kinindatan niya ako.

"Sabihin mo lang na gusto mo akong I-date e" natatawang saad ko.

"Ano naman kung gusto ko? Eh Girlfriend naman na kita" saad niya. At Oo nga noh. HAHAHAH kami na pala

"Sige, sasama ako sayo" saad ko.
"May Kunin lang ako sa Locker" saad ko. At tumango naman siya.

Naglakad kami papunta ng Locker ko, at inilagay ko dun yung P.E Shirt ko. Baka makalimutan ko na naman.

"P.E nga pala bukas noh, mas maaga tayong uuwi" natatawa niyang saad.

"Kaya, bukas. Dapat dalhin mo P.E shirt mo, baka makalimutan mo pa" saad ko, at nagpatuloy na kami sa Paglalakad.

"You dont need to remind me, hindi ko naman kinakalimutan yung mahahalagang bahay, katulad mo" pag banat niya kaya siniko ko 'to. Kakasabi lang kanina e.

"Manahimik ka nga diyan, baka ma kotongan pa kita" natatawang saad ko.

Nagkasalubong na naman kami nila Marine at Caiden.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko sakanila.
"Nag pumilit na naman na, puntahan na salubungin kayo dito" iritang saad ni Caiden.

"Hoy P.E bukas, kaya wag niyo kalimutan yung P.E shirt niyo" saad ko, Pinapaalalahanan ko lang sila.

Naglakad na kaming apat ng sabay sabay.

"Excited ka ata E" natatawang saad ni Marine.

"Siyempre Friday na bukas" saad naman ni Taki, siguro nasa isip na naman neto yung Date namin.

Mali.

"Hindi, kase nung Dati. Nakalimutan ko yung P.E shirt ko, kaya yun. Buti na lang may Extra si Taki sa Locker niya, Kaya yun sinuot ko" saad ko.

"Buti nag kasya yun sayo?" Natatawang tanong ni Caiden. Pero may pag ka sarcastic.

"Mag kasing tangkad lang kami ni Taki E" natatawa kong saad.

At napatingin naman silang tatlo saken, at parang nag dududa pa.

Kaya naglakad na lang ako ng walang sinasabi, tampo ako sakanilang Tatlo. Hmp

Pagkadating namin sa harap ng Room, wala pa si ma'am kaya safe pa kami.

Umupo kami agad sa upuan namin, ng walang imikan.

Hindi lang ako nag salita, hindi na agad sila nag salita. Ang bad naman nung Tatlong 'yan.

Yumuko si Taki sa Desk niya, at isinandal niya ang ulo niya

"Good" natatawang saad ko, habang inaayos ayos yung buhok niya.

Sabi ko kasi wag muna kaming maingay, siguro yun din dahilan kung bakit siya di na nagsalita kanina.

"Mira" pag tawag sakin ni Marine.
"Hmm?" Tanong ko sakanya

"Wala lang, wala akong makausap dito e" saad niya habang nakapout.

I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon