CHAPTER 36: I WON'T LET THAT HAPPEN.

349 23 2
                                    

Miracle Markill Garcia Pov

"Okay Class" saad ni Ma'am, at umupo sa upuan niya.

"Ang Practice sa Graduation niyo ay Magaganap sa March..." saad niya. Anong March?, Wag dapat sakto sa Birthday ko. HUHU

"March..." Ulit niyang saad, pabitin pa e.
"March 10" saad nito.

"Whoo yes" mahinang saad ko, buti na lang hindi March 3. Sasapakin ko yung Nagpatupad nun. Char

"Wala na nga palang pasok Bukas, March 1. Hanggang sa March 9, Sa March 10. Pupunta ulit kayo dito para mag Practice ng sayaw, Maliwanag ba?" Saad ni Ma'am. At hutek ang gugulo namin

Hinahagis pa naman namin yung mga Papel namin, tas mamaya nahagis ko pa yung bag ko, kaya boom. Tanga, nahulog pa sa ulo ko, mamaya nabasag pa Cellphone ko dito.

"Ginagawa mo" natatawang saad ni Taki, habang dinampot yung bag ko para saken.

"Hindi ka ba Excited?, Hindi na tayo makikinig sa Klase" natatawa kong saad.

Hindi nagalit sa amin si Ma'am, mukhang masaya pa nga sya eh.

"Class suspended, Cleaners linisin niyo yung mga Kinalat niyo. pwede na kayong mag gala" natatawang saad nito, at habang inilagay na niya yung bag niya sa balikat niya.

"Ay, may nakalimutan akong sabihin. Mag J-JS kayo kapag tapos na ng Graduation. Bale pagsasabayin na. kaya mag ready na kayo. Pati yung susuotin niyo" ngiting saad ni Ma'am.

"Haist, sa wakas. hindi ko na makikita yung mga mukha ng mga pasaway na 'to" bulong niyang saad at umalis.

Hala, akala ko pa naman masaya siya dahil makaka Graduate na kami, yun pala ayaw na kaming makita. Ang bait mo ma'am, Aylabyu.

"Whaaa, Excited na ako. Anong Susuotin mo?" Tanong saken ni Marine.

"Damit" Saad ko, at biglang nawala yung pagka Excite niya nung sinabi kong 'Damit'

"I mean, yung Gown" saad niya.
"Hindi ko pa alam kung mag Go-gown ako. Siguro saka ko na yun isipin" saad ko sakanya.

"Ikaw?" Tanong ko sakanya.
"Meron na ako dun sa Bahay, andami kong Gown dun. kapag di ka makapili, Pwede kong ibigay yung Ibang Gown ko sayo, nung bata pa ako" natatawang pang aasar nito.

"Ano tingin mo sa akin bata?" Saad ko at tinuktukan ko si Marine.

"Biro lang, may mga Kasya ata sayo dun" ngiting saad niya.

"Hindi mo ba na Gets yung Punto ni Marine?, Sabi niya yung Gown na yun, sinusuot pa niya nung bata siya. Baka may kasya sayo" saad ni Taki

"Ibig sabihin niya, Pandak ka daw" saad naman ni Caiden.

"Alam niyo kayong Tatlo, nakakahalata na rin ako sa inyo Ha. Ba't ba lagi nyo akong pinag tutulungan?" Tanong ko sa Kanila, at pinag tawanan lang nila ako.

"Mira, diba kayo yung Cleaners ngayon?" Saad nung Kaklase namin, yung Kaibigan ni Sasha. na si Sarah.

"Kami ba ngayong March?" Tanong ni Taki.
"Ahy, yun ba sinabi ni Ma'am na By Month, kung sino yung Maglilinis?" Tanong ni Marine.

At pasimple naman naglalakad ng Dahan dahan si Caiden, at Balak tumakas. Buti nahila ni Marine yung bag ni Caiden.

"Tayo nga Cleaners ngayon, bat ba ang swerte natin?" Natatawang saad ko, habang dinadampot ko yung mga Papel sa Sahig.

"Kayo diyan ano pang tinatayo-tayo niyo. Mag walis kayo" saad ko, kaya ako nagdampot ayoko mag Walis.

"Anong gagawin mo?" Tanong ni Caiden.
"Mag dadampot, para Onti na lang walisan niyo" saad ko, habang hawak hawak ko pa yung Trash Can.

I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon