CHAPTER 27: WORTH

405 26 2
                                    

Miracle Markill Garcia Pov

Pinatawag kaming apat sa Office at pinatayo lang kami dun.

"Lahat ng mga Guro ay magkakaroon ng Meeting kaya, pwede na kayong umuwi. Nakaligtas na naman kayo" natatawang saad nung Principal

"Salamat po" saad naming apat at Umalis na sa loob ng Office.

"Buti pa yung principal Dito Ambait" natatawang saad ni Marine.

"Oo, mabait talaga 'yan. Hindi nga nagmana sakanya si Kate e" natatawang saad ko.

"Oh, paano?. Uwi na tayo?" Tanong ko kay Taki.
"Tara, Tara" saad niya.

"Uwi na rin kami, matutulog pa ako" saad ni Caiden, Tulog na nga lang ginagawa tulog pa ulet.

"Sige Mauna na kami" saad ni Marine.

"Teka, Diba mag Da-date pa kayo?" Tanong ni Taki.
"Oo nga diba sinabi mo yun kanina?" Tanong ko rin.

"Saka na kapag nakumpleto ko na Tulog ko" saad niya habang hinikab pa

"Sandali" saad ko, habang may gusto akong puntahan na tao,
"Bakit?" Tanong ni Taki at Marine

"Taki, Mauna na kayo. May pupuntahan lang din ako" saad ko, at naglakad na

"Teka, san ka pupunta?" Tanong niya saken.
"Basta, mauna ka na umuwi ng bahay" saad ko.

"Pano ka?" Tanong niya saken.
"Mag Tri-Tricycle na langa ata ako" saad ko habang inayos ko yung Uniform ko.

"O sige" sabi nya saken

"Uwi na kami, mag iingat kayo" saad ni Marine habang kumakaway samin

"Kayo rin" saad namin ni Taki habang kumakaway rin sakanila

"Taki, mauna ka na" saad ko kaya Tumakbo ako.

Papuntang Library.

Nakita ko siyang umiiyak papasok dito, i want to ask her why.

"Kate" pag tawag ko.
Tumayo naman siya at parang wala lang nangyari.

"Anong problema mo?" Tanong niya saken habang tinataranayan na naman ako.

"Nakita lang kitang umiiyak, anong problema mo?" Tanong ko sakanya at umupo siya sa Gilid. At Tumabi naman ako sakanya.

"Pake mo ba?" Tanong niya saken.
"May pakialam ako kasi hindi ko naman kayang hindi pansinin yung nakita ko" deretso kong saad.

"H'wag mo ng pansinin sigurado naman na tatawanan mo lang ako" saad niya.

"Sigurado ka?, Sabihin mo na. Makikinig lang ako, mas gagaan loob mo kapag may sinasabihan ka ng problema" saad ko habang lumingon sakanya.

"Nasan na ba yung dalawang kaibigan mo?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ko naman sila mga kaibigan, alam kong sinasamahan lang nila ako dahil sa Pera ko" saad niya at pinunasan niya yung luha niya.

"Si Daddy kase, wala na lang ginawa kundi sigawan at pagalitan ako, wala nga rin siyang Oras samin. Kaya ayoko sa kanya" saad niya at napa singhal ako.

"Malay mo pagod lang siya, kaya ka niya nasisigawan. Dapat iniintindi mo na lang siya, yung ginagawa niya rin naman ay para lang sayo, sainyo" saad ko at tumingin siya saken habang naka taas ang kilay.

"Hindi mo naman kasi alam yung pakiramdam na ganto kaya madali mo 'yan na nasasabi. I always hate him" nagulat na lang ako sa pangalawang pag sabi niya ng 'Hate' while kanina 'Ayoko'

"Totoong Galit ka sakanya?" Tanong ko sakanya at napangisi habang nakatingin sa ibaba.

"You should see your dad's worth. Alam mo bang andaming mga Bata na humihiling na sana buhay pa papa nila?, Yes. I'm one of them. I'm always One of Them, H'wag kang magsalita ng Tapos. Baka pagsisihan mo pa 'yun" saad ko. At nagulat na lang ako sa mga sinabi ko.

I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon