CHAPTER 9: I ACCIDENTALLY CUT IT.

682 32 0
                                    

Miracle Markill Garcia Pov

"Atchoong" saad ko habang pinupunasan yung sipon ko, sana nga talaga hindi na ako nagpa ulan, tanga tanga ko rin minsan e

Nasa sofa ako habang si Taki, nasa labas ng bahay. Kinakausap yung Teacher namin, tas sabi ko. Kaya ko nang mag isa dito, pero gusto niya rin umabsent.

Dahil daw tinatamad rin daw siya pumasok.
Ang galing talaga ng Bestfriend ko. Palakpakan niyo nga.

Pagkapasok niya, ay nakangiti na agad siya.

"Okay na" ngiting saad niya at lumapit saken
"Sa susunod wag ka na mag pa ulan, mamaya lagot ka talaga kay tita" saad niya at pinitik noo ko

"Tigilan mo nga noo ko" saad ko at kumuha ako ng Chips sa Gilid ko at binuksan ko yun

"Papasok na ako" saad niya at kinuha yung Bag niya
"Teka?, Di mo ako sasamahan?" Tanong ko sakanya

"Akala ko ba, ayos na?" Tanong ko ulit

"Pumayag sila na hindi ka papasok dahil may Lagnat ka, pero kailangan ko daw pumasok" saad niya at bigla akong na pa pout

"Sige na nga aabsent pa din ak--
"Hoy pumasok ka pa, malay mo may assignment or bagong Topic, ituturo mo na lang saken" saad ko at kumindat sakanya

"Oh, sure ka?. Baka mamaya ma miss mo na naman ako" pang aasar nya saken at ngumiti. Pero whaaa bat ba ako kinikilig sa ngiti nya.

"Sige alis na ako, depende na lang kung may pumasok sa utak ko" saad niya. At umalis na nga. Medyo parehas din kami nyan minsan e. May pagkalutang.

Kumain lang ako habang lumalapit saken yung mga pusa ko kaya inaabutan ko rin sila.

Hmm... Ano kaya magandang gawin.

Pumunta ako sa Sala Para maglaro ng Video Game, Inilagay ko yung bala at Kinuha ko yung Controller

Nagumpisa na ako maglaro, at hanggang sa maglaro lang ako ng maglaro.

Makalipas ng ilang oras ay, naboboring na ako -,-

Pumunta ako sa sofa at tumalon talon dun, umakyat ako sa hagdanan at nagslide sa hawakan

Hindi ko na alam gagawin ko nakakaboring, pinunasan ko yung sipon ko, medyo maalat na malapot lapot

Pumunta ako saglit sa Sofa ulit at umupo ako dun. Kinuha ko yung gunting , kanina pa ako nayayamot sa natastas na sinulid rito sa damit ko

Ng biglang bumukas yung pinto, tas sumigaw silang tatlo. Tatlo?

Nagulat ako dahil nagulat sila saken
At nakatingin sila sa kamay ko.

Pagkatingin ko rin Ay

"WHAAAAAAAAAAAAAAAAAA" saad ko dahil.
"WAHAHAHAHHA" pagtawa ng malakas ni Caiden. Aba't tinawanan pa ako

"Hala sayang yung maganda mong buhok" saad ni Marine at pumunta saken

"Ano na naman ba yung ginagawa mo?" Tanong saken ni Taki at lumapit

"Ang ingay nyo kase eh" saad ko na parang bata na nag mumukmok, nagulat din ako e. Hindi naman ako nalutang

"Sinisi mo pa kami, e ikaw yung lutang dyan" saad ni Caiden na naka Sharingan.

"Bat ka nandito?" Saad ko habang nagmumukmok pa rin.
"Kung hindi lang ako pinilit ni Marine pumunta dito, di talaga ako pupunta dito. Bat naman kita bibisitahin?" Mayabang na saad nito

"Teka, pinilit ba kita?" Nagtatakang tanong din ni Marine kaya ngumisi ako kay Caiden

"Akin na nga yang Gunting. Tutuluyan ko na yan" saad naman ni Taki, kaya binigay ko sakanya yung gunting

I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon