Miracle Markill Garcia Pov
Pagkatapos ng Klase. Ay pinuntahan ko kaagad si Sasha, para itanong sakanya kung nangyari talaga yun or sadyang napanaginipan ko lang talaga.
"Sasha, pwede ba tayong mag usap, kahit sandali lang?" Tanong ko sakanya
"Oh sige, siguro mamaya pa naman darating yung sundo ko" saad niya. At paalis na sana kami kaso
"Kil, san punta niyo?" Tanong niya saken.
"Ah, basta. Hintayin mo na lang ako sa Gate. Mabilis lang kami" saad ko, at kumunot noo niya.
"Gusto kong sumama" pag pupumilit niya saken.
"Sama mo na kase" saad niya at tumingin ng kakaiba."Private yun, kaya dapat walang makakarinig" saad ko. At hinawakan ko yung kamay ni Taki, para tanggalin yun sa pagkakahawak niya saken.
"Kapag pumunta ka, magtatampo talaga ako sayo" saad ko at tinignan ko siya ng nagtatampong mukha.
"O sige, maghihintay ako" saad niya.
"Salamat" saad ko at tumakbo habang hatak hatak ko si Sasha.
Pumunta kami sa may isang upuan at umupo, doon.
"May tatanungin lang ako, naaalala mo pa ba yung Elementary pa tayo?" Tanong ko sakanya at tumango siya.
"Oo naman, hindi ata makakalimutin 'to" saad niya, habang napa Cross Arm
"May naaalala ka ba nung Bibili na sana kami sa Canteen ni Taki, tas nakalimutan niya yung Wallet niya kaya bumalik siya?" Tanong ko sakanya.
"HAHAHA, oo naman. Naaalala ko pa kung gaano ka humanga sakanya, pinagmamasdan mo siya Lagi, kahit hindi siya Aware. Halata namang May Gusto ka sakanya, Kaso si Cyan lang hindi alam" natatawang saad niya kaya ito, Namumula na naman ako.
"Sh.. wag kang maingay baka may makarinig pa satin" saad ko habang tinatakpan yung bibig niya.
"Sinabi ko lang kung ano nalalaman ko, nakakahanga nga dahil, hanggang ngayon. Hindi pa rin kayo nagbabago. ganon pa den walang labael" pang aasar niya. Kaya hinampas ko siya.
"Maraming salamat sa Oras, Tara?" Saad ko, at tumayo na kami sa may Upuan
Sabay kaming naglakad ng tahimik, at Naghiwalay na kami ng Direksyon, nung nakapunta na kami sa Gate.
"Taki" saad ko. Habang yung dalawang kamay ko nasa Likod.
"Salamat" saad ko. Habang papalapit na sakanya"Wala yun, hindi naman yun big deal. At saka ayaw ko namang sirain tiwala ng Bestfriend ko" saad niya habang Kumindat.
Pigilan niyo ako, kinikilig ako.
"Ano ba yung pinag usapan niyo?" Tanong niya saken, at napailing naman ako dahil bawal ikwento yun
"Wala lang yun, tara . Sakay na tayo?" Saad ko. At binuksan ko na yung pinto ng Kotse at pumasok na dun sa loob, at pumasok na rin siya
"Ikaw na nga bahala kung ayaw mo Ikwento" saad niya habang nakapout. Kaya bigla ko na lang hinawakan yung dalawang pisngi niya dahil sobrang Cute.
Bigla na lang sumeryoso yung mukha niya, kaya binitawan ko yung pagkakahawak sa pisngi niya
At dun niya na pinaandar yung kotse.
Unti-unti rin siyang namula. Napapansin ko yun dahil nakikita ko gamit nung gilid ng mata ko.
Napapaisip na lang ako kung Galit siya saken.
Dahil gumawa na naman ako ng Move, kagaya rin kanina."Bat antahimik mo?" Tanong niya saken
"Nahihiya ako" saad ko. At bigla na lang akong nagulat sa sagot ko, baka mapatanong na lang siya kung ba't ako nahihiya
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)
Teen FictionPREVIOUS TITLE; I HAVE A CRUSH ON MY BESTFRIEND SINCE WE WERE 8 CURRENT TITLE: I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 May mga tao talaga na hindi natin Inexpect na Darating sa buhay natin, at hindi natin namamalayan na siya pa yung magiging dahilan kung bakit t...