Miracle Markill Garcia Pov
pagkagising ko, nagulat na lang ako dahil nandito silang Lima sa harap
Eh?, Sino nag bigay ng Permission na pwede silang pumasok dito?
Ahy, bobo.
Napatingin na lang ako kay Taki, at nag talukbong ako gamit nung Kumot ko.
"Hoy kil, gising na isang Linggo ka ng Natutulog" saad niya. At Eh?, Isang linggo na. napabangon na lang ako bigla
"Teka, saglit lang, pwede bang lumabas muna kayo?, tatawagin ko kayo kapag nakapag isip na ako ng maayos" mahinahon kong saad.
At kaya hindi na sila umimik at lumabas na kaagad.
Malinaw, malinaw na malinaw. Natatandaan ko.
Natatandaan ko na lahat, ako si Miracle Markill Garcia.
Nawala yung pagkamahinahon ko ng, maalala ko yung ginawa nung bobong Miracle.
Ako rin yun, pero walang naaalala.
Haystt antagal ko pa naman tinago yung sikretong yun, tas ibubunyag niya lang ng Ganon Kadali.
"waaaa" nahihiyang pag sigaw ko.
Walangyang Miracle na walang naaalalang yun, Kinissan pa naman si Taki.
ewan ko, bigla na lang akong napangiti ako nga pala yun.
Andami kong kahihiyan na ginawa huhu.
Tanga naman, hindi naman kasi ako nag Li-lipstick, at pano nga pala nalaman ni Taki, yung password ng Cellphone ko.
Wala na, alam na rin nilang may Gusto ako kay Taki, sige pwede na akong maglaho.
Nung oras na yun, dun na lang ulit ni Taki pinakita yung kyutt niyang nunal hihi.
Hutek, para ka naman timang Miracle, kanina nagagalet ka lang tas kinikilig ka na naman.
Hakdog ka, di kita maintindihan.
"Baliw na ako" saad ko. at humiga ulit sa higaan ko.
Pumasok na naman silang apat
"Baliw ka, kanina mo pa kinakausap sarili mo" saad ni Taki. At lumapit sa kama ko.
Pero di ko sila inimik, at lumingon lang sa isang Direksyon.
Tatampo ako eh.
"Hoy, Mira, ano nang nangyayari sayo" saad ni Marine.
"Hmp" saad ko."Ano naman pinag tatampo niyan" saad ni Caiden, ganun pa rin ugali niya.
"Hmp, bahala kayo sa buhay niyo" saad ni Taki. At hinarap Niya ako sakanya at habang hawak hawak yung balikat ko.
Napakalapit, namumula naman ako.
Tinulak ko siya ng kaunti, kaya napa usog siya.
"May naaalala ka na?" Tanong ni Taki. Sasagot na ako.
"Oo, naaalala ko na Lahat, lahat ng mga ginawa kong kahihiyan nung wala akong naaalala" saad ko sa mahinahon kong boses."HAHAHA, lagot ka" natatawang saad ni Marine, habang inaasar ako.
Pero di ako nagpapa apekto.
"Nagbalik na nga yung patay gutom na yan" pang aasar na naman saken ni Caiden.
Bat ba laging galit 'yan saken.
Pumasok sa loob si Yaya, at binigyan ako ng Tubig. Kaya ininom ko 'yun.
"Buti naman may naaalala ka na" saad ni Yaya. At hinagod yung Likod ko.
"Sana nga di na bumalik alaala ko" mahinang saad ko.
"Charot" dagdag ko pa at natawa. Kaya muntikan ko ng Mabuga yung Tubig na iniinom ko.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)
Teen FictionPREVIOUS TITLE; I HAVE A CRUSH ON MY BESTFRIEND SINCE WE WERE 8 CURRENT TITLE: I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 May mga tao talaga na hindi natin Inexpect na Darating sa buhay natin, at hindi natin namamalayan na siya pa yung magiging dahilan kung bakit t...