CHAPTER 14: AYAW KO PA

536 26 2
                                    

Miracle Markill Garcia Pov

So, ngayon. Mga Ka-Hatdog/Hakdog/Hotdog.

Nasa Parke kami ni Caiden, at...

Kasama yung dalawa. Paktay ako neto, kasi hindi talaga dapat alam ni Marine tas ni Taki. Kaso nadulas bibig ko kagabi
Pero mas masaya rin naman kapag madaming kasama diba?

Haha...

"Kill" pagtawag saken ni Taki. At may dala dalang lobo, Hutek. Parang ginawa akong batang maliit na 'to

Inabot niya saken yung Lobo, kaya kinuha ko na. Kawawa naman siya

"Anong Balak niyong Gawin?" Sabi ni Caiden, habang papalapit samin. Kasama ni Marine

"Hindi ko alam, kayo?. Anong gusto niyo?" Tanong ko sakanila at nagtitinginan kami.

Ba't ba laging ganto?, Huhu Ang Awkward Lagi.

"Bahala kayo kakain ako ng Fishball at Kwek-kwek dun" saad ko habang pumupunta sa may Food Truck.

"Kuya kuya. Sampong Kwek Kwek nga tapos, Bente Pesos na Fishball. Tas Limang Hotdog, sukang maanghang lahat yung sawsawan niyan ha" saad ko. At pumunta na ako sa may upuan at sinabit ko dun yung lobo ko

"Mamaya wag kang Tatakbo, kapag busog ka" saad ni Caiden. Kaya tumango ako sakaniya

"Kuya ano inorder nung Babaeng may Hawak na lobo?" Saad naman ni Taki. Kaya napakunot noo ko

"Sampong Kwek kwek tapos 20 pesos na Fishball at Limang Hotdog Sir" saad ni Kuya manong.

Napatingin naman saken si Caiden, pati Marine. Ano bang problema nila?

"Ganun na din saken kaso limang Kwekwek lang Tas Sampong piso ng Fishball, At limang Hotdog" saad ni Taki. At umupo sa upuan, sa harap ko.

"Gaya gaya ka talaga" saad ko habang inikot ko ang mata ko sakanya

"Para kapag hindi ko naubos, papakain ko sayo diba?" Natatawang saad nito. Ano ako aso?, Pero okay lang masarap kumain, at

Bawal tumanggi sa Grasiya.

"Lagi ka kaseng Gutom, mamaya baka magpalibre ka saken" saad niya.

"Oo na" saad ko.

"Hindi kayo Oorder?" Tanong ko kay Caiden at Marine
"Mamaya na ako" sagot ni Caiden

Tas si Marine napa X sign na lang.

Ambango kaya at ang Sarap. Nung Street foods dito, buti natitiis nila yan, ako nga maaamoy ko pa lang, Nagugutom na ako e.

Teka bat ganon?

Kapag Maputi At Maganda sasabihin kapag madaming kinakain MATAKAW.

Bat pag maitim PATAY GUTOM?

Nasan ang Hustisya?.

Tama na ang Pagdradrama at ito na yung Pagkain.

Inilagay na ni Kuya yung inorder namin sa lamesa, at boom takam na takam na naman ako.

Inuna ko yung Kwek Kwek at hmm... Ansarap .

(Pasensya na kung magugutom ko kayo, patay gutom kasi 'tong babae na 'to)

"Hoy dahan dahan lang sa pagkain" saad ni Taki. Habang kumakain din

"Ikaw ren" saad ko at muntikan ko pang maibuga yung kinakain ko. Dahil muntik na akong matawa, woah salamat naman at Hindi ako mapapahiya.

Nasa Gilid lang si Marine At Caiden habang kumakain ng Ice Cream, siguro hindi pa nila 'to sinusubukan. Hmmm...

"Marine, Tara" Sigaw ko habang Tinatawag ko siya.
"Baket?" Tanong niya habang lumalapit samin.

I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon