Miracle Markill Garcia Pov
"Totoo bang nawala yung memorya mo?" Saad niya. At biglang nagbago yung Aura niya
"H-huh, oo" saad ko
"Well. Ako Girlfriend ni Taki, kaya pwede bang layu-layuan mo siya?" Taas kilay na saad nito
Bigla na lang ako napa isip baka siya yung sinasabi ni Taki na nililigawan niya
"A-ah uhm.. Sige, sorry. Hindi ko kase alam" saad ko habang humihingi ng Tawad
At pagkalingon ko sa ibang Direksyon nakita ko sila Caiden at Marine.
Phew, buti na lang may makakasama ako ngayon papuntang school, wala akong Ideya e.
"Marine" saad ko habang pumunta sa kanilang dalawa
"Nagsusuklay ka ba?" Tanong bigla ni Caiden."Oo, bakit hindi ba halata?" Tanong ko sakaniya at tinignan yung buhok ko.
"Paano ka magugustuhan ni T--" bago pa niya banggitin yung pangalan niya. Tinakpan ko na yung bibig ni Marine.
"Ah, so Si Taki Gusto mo?" Nagulat ako ng Nilakasan ni Caiden yung boses niya.
Kaya sinuntok ko yung Braso nito
"Hoy, wag ka ngang maingay dyan" saad ko habang sinusuntok suntok pa rin yung braso niya habang tumitingin sa iba
Huhu, ano ba kasi yung ginawa ko. Bat ko pa kase nasabi sa iba.
Nahihiya na tuloy ako.
"Alam naman namin sa umpisa pa lang" saad ni Caiden at pumikit, bat ba ang hilig niyang pumikit. Pa misteryoso hmp
"HAHAHA, sabihin mo. Alam nating lahat sila lang dalawa yung walang kaalam alam na gusto nila isa't isa" natatawang saad ni Marine
Kaya bigla ko siyang hinarap at hinawakan yung kamay niya
"Totoo?, Gusto ako ni Taki?" Tanong ko sakanya habang palapit pa ako ng palapit sakanya
"Well, sobrang Obvious naman" saad ni Marine kaya bigla na lang ako napahinto nang Makita ko siya. At parang may hinahanap siya.
Ako kaya yung hinahanap niya?
Pero teka, kung gusto ako ni Taki. Sino yung babae kaninang Humarang sakin kasama yung babaeng 'yun
Arghh, tawa na nga ang pag iisip.
Tumalikod ako para itago yung mukha ko, at nagpatuloy na sa paglalakad.
Kung alam ko lang talaga kung saan papunta ng Room, ako na lang talaga sana mag Isang Pumunta doon.
"Kill, san ka ba nag pupunta. Kanina pa kita hinahanap, kasama mo lang pala sila Marine" saad nito at mukhang pagod na pagod sa paghahanap
"Siguro hindi mo siya nakita kasi ang liit niya" bigla na lang kumunot ang uno sa Sinabi ni Caiden.
"Parang ganun na nga" natatawang saad pa ni Taki.
Hindi na lang ako sumagot at nakatingin sa ibang direksyon. Hmp
"Kill, Hoy. May naririnig ka ba?" Tanong niya at lumapit saken. Kaya napahinto ako dahil sobrang lapit ng mukha namin sa Isa't isa.
Napaka sakto talaga ng Timing, kung kailan pa namin pinag usapan yun ay dun pa siya sumulpot.
Hindi naman ako assuming na totoo yon noh?, Madami lang Gumugulo sa isipan ko.
Lumingon ako ulit sa ibang direksyon at Patuloy na naglakad, habang sinusundan lang kung saan pupunta sila.
"Ah, ayaw mo akong pansinin Ha. Di kita bibilhan ng Chips" saad niya habang huminto siya.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)
Teen FictionPREVIOUS TITLE; I HAVE A CRUSH ON MY BESTFRIEND SINCE WE WERE 8 CURRENT TITLE: I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 May mga tao talaga na hindi natin Inexpect na Darating sa buhay natin, at hindi natin namamalayan na siya pa yung magiging dahilan kung bakit t...