Miracle Markill Garcia Pov
Kinuha ko yung Telepono ko sa bulsa, para tawagan si Taki, Magpapasama ako.
Ring Ring*
"Hello" saad ko
"Kil" saad niya."Samahan mo ako mag bigay ng Invitation, Mag bike na lang tayong dalawa" saad ko.
"Okay, okay. Hintayin mo na lang ako diyan" saad niya, at binaba yung Cellphone.
Toot toot* nahuli yung toot toot e.
"Mama, kami na lang dalawa ni Taki" saad ko at kinuha yung isang Basket, nilalaman ay Mga Invitation.
"Sige, Ayos lang ba sainyo?. Dapat mag pahinga ka muna, Para makapag handa ka bukas" saad ni Mama, habang inaasikaso yung susuotin ko bukas.
"Opo. ayos lang, hindi naman 'to big deal" natatawa kong saad, sinuot ko yung sumbrero ko. At nag handa na
Lumabas ako sa bahay, at inihanda yung Bike ko. binuksan ko yung Gate at sakto, nakita ko ka agad si Taki.
"Nag mamadali ka ata" natatawa kong saad.
"Siyempre Excited din akong makita ka" natatawa niyang saad."Sige, pabanat banat ka na naman diyan. Tas mamaya ikaw rin kikiligin" natatawa kong saad.
"Usog ka nga dito" saad niya at pinaandar ko yung bike papalapit sakanya.
"Oh?" Tanong ko.
Lumapit siya saken at hinalikan niya yung noo ko
"Para san naman yun ha?" Tanong ko sakanya at ngumisi.
"Wala lang, gusto ko lang gawin. Dahil mahal kita" saad niya at napakamot ng Ulo.
Siniko ko yung Tigiliran niya at pasikretong ngumiti.
"Tara na nga" saad ko. At mabagal ko lang pinatakbo yung Bike ko
Dito kasi samin, Onti lang dumadaan na sasakyan. Kaya kahit mag bike ka dito sa Gitna ng Kalsada, ays lang.
"Teka, sino una nating bibigyan?" Tanong niya saken, habang papalapit na ng palapit
"Sila Marine At Caiden, Puntahan natin sila sa apartment nila, malapit lang din yun" saad ko.
"Sige, sige" sagot niya.
Lahat ng Teacher ko ngayong Grade 12 inimbitahan ko, pati mga kaklase ko, lahat sila.
Wala naman masyadong pupunta sa Debut ko, wala naman kasi rin kaming kamag anak dito.
Pero ayos lang, kasama ko naman si Mama, si Taki. At Yaya, pati na rin lahat ng Kaibigan ko.
"Malapit na tayo?" Tanong niya saken.
"Hindi pa, basta sa School. Tas medyo malayo pa dun, tas nandun na yung apartment nila" saad ko."Bakit alam mo?" Natatawang tanong niya.
"Siyempre tinanong ko kay Marine" sagot ko.Mamaya ay nakarating na kami, kaya tinawagan ko na siya.
"Hello" saad ko, habang hinihintay siyang sumagot
"Hello Mira" saad niya."Labas ka dito sa apartment, nandito kami ni Taki sa labas" saad ko
"Sige, nandiyan na ako" saad niya at pinatay.
"Anong sabi?" Tanong ni Taki."Nandito na daw siya pero wala pa siya dito. Ang gulo rin e noh" natatawang saad ko.
"Baliw, ibig sabihin niya. Papunta na siya dito" saad niya at pinitik noo ko.
"Alam ko, biro lang naman e" saad ko sakanya habang naka pout.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 (COMPLETED)
Teen FictionPREVIOUS TITLE; I HAVE A CRUSH ON MY BESTFRIEND SINCE WE WERE 8 CURRENT TITLE: I LOVE YOU SINCE WE WERE 8 May mga tao talaga na hindi natin Inexpect na Darating sa buhay natin, at hindi natin namamalayan na siya pa yung magiging dahilan kung bakit t...